You are on page 1of 3

 

SANAYSAY TUNGKOL SA PELIKULANG ANAK


Pamagat:ANAK

Tauhan:

Vilma Santos-biang Josie- isang dakilang ina na nagtatrabaho bilang OFW.

Claudine Barreto-bilang Carla-panganay na anak ni Josie.

Baron Geisler-bilang Michael-lalaking anak ni Josie

Shiela Mae Alvero-bilang Daday-bunsong anak ni Josie

Joel Torre-bilang Rudy-asawa ni Josie

Amy Austria-bilang Lyn-matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW.

Cherrie Pie Picache-bilang Mercy- matalik na kaibigan ni Josie na isa ring


OFW.

Kwento:

Ito ay tungkol sa isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic


helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya
upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Ang Anak ay isang pelikula
noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa mga OFW (Overseas Filipino
Workers) sa iba't ibang dako ng mundo. Sa natatanging pelikula na ito na
sumikat sa takilya at kumita ng mahigit 160 milyon piso ay pinagbibidahan
nina Vilma Santos at Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang
pinakatanyag na pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino
dahil sa laki ng binatak nito sa takilya. Ito ay tungkol sa isang ina na
nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang
makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan.

Banghay ng Pangyayari:

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa
Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng
pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan.
Binangggit niya na ginagawa nya ito para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis
nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na
makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki. Nagsimula sa isang
masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga anak ni Josie
magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay. Dito
nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadala
sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang
sya'y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay
kinulong ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa
Estados Unidos ng isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang
buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit
magmakaawa pa siya. Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa
nya ito dahil itigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais
siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan.
Namuhunan silang tatlo ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang
kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman,
naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang
bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang
kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang.
Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng
mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-
unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo,
tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito
ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa
kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya
ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana
niya. Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko.
Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa
bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni
Michael,nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang
binabayaran. Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng
ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni
Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang
pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago
siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla.
Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat lahat ng
kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata
ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang
mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa
kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang
tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon,
naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo
sya sa kanilang tabi.

Paksa/Tema:

Buong pusong pagmamahal,pag iintindi, pagtitiwala at pagrespeto ang mga


napakahalagang susi tungo sa matatag at masayang pamilya.

Ito’y nangangahulugan na ang mga susi na ito ay napakahalaga upang


maiwasan ang pagkawatak-watak ng isang pamilya at kapag meron nito ang
isang pamilya, paniguradong hindi ito mabubuwag kahit anong problema man
ang dumaan gaya ng isang diamante na kahit anong pokpuk mo ay hindi ito
masisira.
Mensahe

Bilang isang anak matuto tayong respetuhin at intindihin ang ating mga
pinakamamahal na ina dahil hindi natin alam kung gaano kahirap ang
kanilang ginagawang trabaho para lang mabigyan tayo ng mabuting buhay. At
bilang kapalit ng kanilang hirap, mag aral tayo ng mabuti hindi yong
magrerebelde tayo at gagastusin sa walang kwentang bagay ang pinaghirapan
nilang pera.

You might also like