You are on page 1of 1

Ang Aking Karanasan

Bawat isa sa atin ay mayroong karanasan sa ating buhat na hindi kalianmang


malilimutan at nagbigay leksyon sa ating mga buhay. Maaari itong masasayang karanasan at
malungkot na karanasan.

Ang karanasang kalian man ay hindi ko malilimutan ay noong masaya at buo pa ang
aming pamilya. Sa aking mga magulang, mas malapit ako sa aking ama. Araw-araw kaming
naglalaro pagkatapos kong mag-aral. Siya ang naghahatid at sundo sa akin sa eskwela. Minsan
dahil sa aking kakulitan ay napapalo niya ako. Gabi-gabi kaming napunta sa isang park na
malapit sa aming bahay. Tuwing Linggo naman ay kami ay nagsisimba buong pamilya. Lalo pang
sumaya ang aming pamilya nung isinilang nang nanay ko ang aking kapatid. Ngunit makalipas
ang limang buwan ay ang aking ama ay inatake sa puso at nastroke. Nagising ako nun dahil sa
kanyang pagkakabagsak habang siya’y naglalakad papuntang banyo. Dinala naming siya sa
ospital. Inalagaan naming siya habang siya’y nasa ospital. Sa kasamaang palad, pagkalipas ng
ilang buwan ay siya ay sumakabilang buhay.

Anumang buhay mayroon ang isa’t isa sa atin ngayon ay mula sa Poong Maykapal. Ang
mga pagsubok na dumarating sa ating mga buhay ay mayroon laging solusyon.

You might also like