You are on page 1of 3

Alamat ng iphone 14

Sa isang malayong lugar sa bandang Quezon city ay may mag in ana simple lang ang pamumuhay. Nagmula sila sa
tribong tinatawag na nih gah, ang batang si steve blow, ang pinakabata sa tribo ay may angking galing sa talino at
pangarap niyang makaimbento ng mga bagay na nagpapadali sa buhay ng tao. Isang araw, sinama siya ng kanyang
nanay sa puregold upang mamili ng gagamitin sa kanyang kaarawan. Napansin ni steve ang isang batang pulubi na
may pinaglalaruan, ito ay parang electroniko na may screen. Pero hindi na din pinansin ni steve ang bata dahil ayaw
lang din ng author ng alamat na ito na humaba ang kuwento. Sobrang say ani steve dahil napakadami nilang nabili.
At habang iniisa isa na ng cashier ang binili nila ay biglang nagpanic at natakot si steve.

Anak anong nangyari sayo? Sabi ng kanyang in ana nag aalala

Ma, Yung Iphone 14 ko naiwan kong nakacharge. At mula noon tinawag nang I phone 14 ang gamit nila. Wakas.

Alamat ng Papaya

Sa isang malayong lugar mula sa author ng alamat na ito ay nakatira ang mag asawang si Bon at Jack. Masaya silang
namumuhay kahit na wala pa silang anak. Ito ay dahil si Bon, ang misis ni jack ay may kalagayan na tinatawag na
hormonal imbalance, dahilan kung bakit maliit ang dibdib ng kanyang asawa. Isang araw ay napadaan siya sa isang
albularyo at tinanong kung ano ang nakakapagpalaki ng dibdib ng isang babae. Ang sabi naman ng albularyo ay oo,
meron ako noon. Agad naming inabot ang nasabing gamut.

Paguwi sa bahay ay sinubukan agad ni bon ang gamut ngunit ilang buwan na ang lumipas ay wala pa ring epekto ito.
Every time na nalulungkot si bon ay hinahainan niya iyo ng pagkain. Ngayon naman ay gagawan ni jack si bon ng
dessert. Ikinatuwa ito ni bon dahil bihira lamang siyang makatikim ng fruit salad. Nang tikman ni bon ang fruit salad
ni jack ay mas lalo pa itong nainis, ang sabi niya ay:

“Ano ba naman itong fruit salad mo, puro papaya!” At yan ang alamat ng papaya. Wakas.

Alamat ng pares

Sa isang tagong bayan ng biringan ay nakatira ang dalawang magkaibigan na si Cathy Bee at Latte Co, kayang ganyan
ang pangalan nila ay dahil bastos yung author ng alamat na to. Sila ay nagkayayaan na magfoodtrip sa kagubatan at
mamitas ng prutas sa bukid. Isang araw ay nagyaya si Cathy Bee kasama ang kanyang kaibigan sa kalapit nayon nila
sa BGC. Hindi nila alam ang mga pagkain dito sapagkat bago lamang sila dito at wala silang ideya kung ano ang
kakainin nila. Nang nagpunta sila sa isang restaurant ay Nakita nila ang menu. Nagulat sila sa presyo ng mga pagkain
dito kaya sabi ni Cathy Bee kay Latte Co na tara, doon tayo sa kanto, may pares doon na unli soup. At simula noon ay
nagmula ang alamat ng pares. Wakas

Alamat ng Jollibee

May matandang Mag asawa na nakatira sa lugar na ang tawag ay Agartha. Ang mag asawa ay payak lamang ang
pamumuhay. Ang pangalan nila ay sim ang boy at si manang girly. Grabe ang tindi, sobrang creative naman sa
pangalan ng author ng alamat na ito. Si mang boy ay kumikita lamang ng sapat sa kanilang dalawa. Halos walang
natitira sa kanila kaya naman lumalabo na ang pangarap ni mang boy na makapagpatayo ng sarili nitong restaurant.
Ngunit Hindi huminto ang pangarap ni mang boy kaya naman kapag siya ay may oras ay pinagaaralan niya kung
paano maging malinamnam ang manok kapag ito ay piniprito. Ilang subok din ang kanyang ginawa hanggang sa
wakas ay ipapatikim n ani mang boy ang kanyang specialty sa kanyang asawa na si manang girly. Nang tikman ni
mang girly ang manok ang sinabi niyay:

Pwee, Hindi masarap. Order na lang tayo sa Jollibee, nagugutom na ako. At mula noon ay nagsimula na ang alamat
ng Jollibee. Wakas.

Alamat ng Sili

Si Cecilia ay isang makulit na bata, halos araw araw ay napapagalitan siya ng kanyang ama na si leslicks dahil sa
sobrang pasaway nito. Isang araw ay habang naglalaro siya sa gubat ay nakakita siya ng matanda na mukhang
nagugutom at nanghihina at may nakalagay na nametag dito. Nilapitan ni Cecilia ang matanda at tinatanong kung
ano ang nangyari dito. Sabi ng matanda ay kung pwede ay pakainin siya dahil ang huling kain niya ay noon kinder
palng si Enrile. Agad naming tumugon si Cecilia at pinakain ng suntok ang matanda. Napakapasaway talaga ng batang
si Cecilia at tumatawa pa siya habang tumatakbo palayo sa matanda. Sa sobrang pilya niya ay di na Nakita ang bato
sa kanyang harapan at nasubsob siya. Nang sumubsob siya ay may nadikit sa kanyang bibig at ang sabi niyay

Ang anghang anghang, Siguro sili itong nakain ko. At mula noon nagsimula ng tawaging sili ang sili. Wakas.

Alamat ng NMAX

Sa isang liblib na lugar na kung tawagin ay palengke ay may dalawang magkaibigan na itago na lang natin sa Nino
Fulgencio San Isidre de Labrador at si Lebron Oneal Dimagulangan. Sila ay magkaibigan mula pa noong bata pa lang
sila kaya parehas din sila ng hilig sa pagbibisikleta. Isang araw ay nagkaroon ng aksidente. Naaksidente si nino at
hindi na makakapagbisikleta hanggang tumubo ulit ang kanyang mga paa. Labis na dinamdam ni Lebron ang nangyari
sa kanyang kaibigan kaya naman sinabi niya sa kanyang sarili na”Siguro bibili na lang ako ng NMAX”at mula noon ay
tinawag ng nmax ang sinasakyan nila. Wakas

Alamat ng 10k

Sa isang ,alit na bansa sa ilalim ng 33 rd world country ay ipinanganak angisang pulitiko na ang pangalan ay Allan Peter
Cayetano. Talon tayo after 40 years nung tumakbo siya bilang senador ay nangako siya na bibigyan ng 10k ang bawat
Pilipino kapag siya ay Manalo. Ngayon ilang buwan na ang lumipas ay wala pa rin 10k. At yan ang alamat ng 10k.
Kaya naman allan Cayetano, ikaw ay #$^6$#2@. Wakas

Alamat ng manga
Si mang gabito ay isang masipag na magsasaka ng kanilang nayon. Bukod sa masipag na magsasaka ay may
ginintuang puso din ito. Panay ang bigay niya ng pera sa mga pulubi dahil akala niya ay mga vlogger ang mga ito.
Napakadami niyang natulungan na mga tao. Kahit na siya ay magsasaka lamang ay nakaipon siya ng salapi para kung
sakaling mangailangan ay mayroon siyang mapagkukunan. Tumigil na din siya sa kanyang bisyo na babae, sugal,
sigarilyo, talpak, good items, tong its, mah jong, poker, pusoy, lucky 9, video karera at adding. Hinding hindi na ako
magsusugal kahit magpustahan pa tayo! Isang araw habang naghaharvest siya ng saffron ay may dumukot kay mang
gabito na limang lalake. Habang nasa tagong lugar sila ay nagtanong ang isang lalake sa kasamahan niya kung may
pagkain daw bang naihanda dahil nagugutom na sim ang gabito. Ang sabi naman ng kanyang kasama ay, Wala eh,
manga lang. At mula noon tinawag nang manga ang manga. Wakas.

You might also like