You are on page 1of 9

El Filibusterismo

kabanata 8

Maligayang Pasko
I. Larawan
II. Tauhan na gumanap sa kabanata at ang mga ginampanan nito

Juli - Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio at humingi ng salapi at


naghintay sa himala ng birhen 

Tandang Selo - Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo at sa


sobrang kalungkotan niya sa pasko ay naging pipi siya

Hermana Penchang - Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.


III. Tagpuan

1.Sa bahay ni kabesang Tales sa nayon ng Sagpang, bayan ng Taini, kanugnog ng


San Diego

- Kung saan madalas mamintana si Tandang Selo upang pagmasdan ang mga taong
may kilik na bata at ang iba ay may akay na anak

2. Simbahan sa San Diego

- Kung saan siya binate ng kanyang mga kamag-anakan ng “Maligayang Pasko” Dito
rin nila nalaman na napipi na si Tandang Selo.
IV. Talasalitaan

•Ingkong – lolo.
•Nakapinid – nakasara , nakasarado.
•Salabat – paboritong inumin ng karaniwang Pilipino. Ito ay dinikdik na luya, pinakuluan sa sapat na tubig at
minamatamisan ng panotso o sa asukal.
•Sinunong – inilagay sa ulo.
•Alatiit – pigil na salita
V. Buod ng kwento

Si Juli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga
panalangin ay masasagot ng isang himala. Kagaya ng nakagawian ni Juli siya ay gumising
ng maaga at buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw. Tinignan niya ang
ilalim ng larawan ng Birhen, sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala. Huminga
nang malalim ang dalagang si Juli at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga
sapantaha niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili habang
siya ay abalang nag-gagayak. Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago
niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang
kanyang lelong. Nang mapansin , iniya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali
siyang umalis. Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang
mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang
magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
VI. Ginituang Aral/Mensahe

Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga pangarap sa buhay ang gawing
inspirasyon upang mabilis ang pag-ikot ng mga gulong tungo sa tagumpay.
VII. Pagsuslit

1. Ano ang dahilan ng pagka pipi ni Tandang Selo?

2. Ano ang ibig sabihin ng ingkong?

3. Sino ang bagong panginoon/amo ni juli?

4. Dito madalas mamintana si tandang Selo upang pag masdang ang mga taong may kilik na bata

5. Ano ang ibig sabihin ng nakapinid?


Sagot sa pagsusulit

1. Dahil sa sobrang pagka lungkot nito sa pasko

2. Lolo.

3. Hermana Pencahang

4. Sa bahay ni kabesang tales

5. nakasara , nakasarado

You might also like