You are on page 1of 15

Kabanata viii

Magandang pasko!!!
Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay
gumising ng maaga at buong pusong umaasa
na sana ay magkaroon ng isang himala.
Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng birhen
sa pagbabakasakaling nagkaroon ng himala.
Huminga ng malalim ang dalagang Huli at
namulat na lamang bigla na mali pala ang
mga sapantaha niya tungkol sa milagro.
Pinagtawanan na lamang nya ang kanyang
sarili habang siya ay abalang nag-gagayak.
Nagmamadali siyang nagbihis
upang pumunta sa tahanan ni
Hermana Penchang.
Dahil pasko noon kaya ang
mga bata ay binibihisan nang
magara ang kanilang mga anak
upang magsimba at
pagkatapos ay dadalhin sa
kanilang mga ninong at ninang
upang mamasko.
Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang
kanilang mga kamag-anak upang
mamasko ngunit nang babatiin niya ang
mga ito ay laking gulat niya na walang
salitang lumabas sa kaniyang bibig.
Pinisil niya ang kanyang lalamunan,
pinihit ang leeg at sinubukang tumawa
ngunit kumibut-kibot lamang ang
kanyang mga labi. Ang ingkong ni Huli
ay napipi.
-Pinakamaganda
sakanilang nayon
Kabesang tales

-Masipag,matiyaga, at responsableng
ama na nanagsusumikap upang
mabuhay ng maayos ang kanyang
pamilya. May magandang pangarap
sakaniyang anak na si Huli.
- Umampon kay Basilio
TALASALITAAN:

SALABAT- paboritong inumin ng


karaniwang Pilipino. Ito ay dinikdik na
luya,pinakuluan sa sapat na tubig at
minamatamisan ng panotso o asukal.
NAKAPINID- nakasara.
SINUNONG- ipinatong sa ulo.
KETONG- sakit sa balat na
umaagnas sa laman ng tao at
nag-aalis ng pakiramdam.
TAMPIPI- sisidlan ng damit na
yari sa kawayan o buli.
ALITIIT- ingay na nilikha ng
priksyon.
IMPIT- pigil na salita.
Aral:
• Ang aral na natutunan ko sa kabanata na ito ay hindi
pala lahat ng tao ay masaya kapag sumapit ang
pasko. May iba na may napipilitang lumayo, may iba
din na pinaghihigpitan ng magulang at may iba ring
nawawalan ng tinig dahil sa kalungkutan. Kaya
kapag kumpleto kayong magkakapamilyaat masaya
ang inyong pasko ay dapat pagpasalamat tayo sa
Diyos dahil sa mga binigay niyang biyaya at para sa
maligayang pasko.
1. Anong pamagat ng kabanata viii?
2. Sino ang katipan ni basilio?
3. Isang masipag matiyaga at responsableng ama na nag
susumikap upang mabuhay ang kaniyang pamilya?
3. Sino Ang amo ni juli?
4. Sino ang umampon kay basilio?
5. Sino Ang binatang nakapag aral ng medisina dahil sa sariling
sikap?
6. Sino ang matandang na pipi?
7. Ito ay ingay na nilikha ng priksyon?
8. Ito Ang tawag sa pigil na salita?
9. Ito ay sisidlan ng damit na yari sa kawayan o buli?
10. Ito ay sakit sa balat na umaagnas sa laman ng tao?

You might also like