You are on page 1of 3

B24 Resquid, Chris John Lathalain

11-Professionalism

start: 5:02 pm
end: 6:00 pm

Pakinggan mo rin sila: Ang pagharap


ng Bingi sa hamon ng edukasyon
‘Di makita. ‘Di madinig. Minsa’y nauutal.

Iyan ang mga makatindig-balahibong linya sa tanyag na awiting Bulag, Pipi at


Bingi ni Freddie Aguilar at ganito rin ang kalunos-lunos na sitwasyon ng walong taong
na anyos na si Aileen, hindi niya tunay na pangalan. Bunso si Aileen sa kanilang
munting pamilya at namamahay sa isang simpleng tahanan sa Marikina.

Ayon sa ina ni Aileen, sanggol pa lamang ay nahalata na nitong may kalagayan


si Aileen dahil hindi siya nagugulat sa mga maiingay na tunog sa kanilang bahay. Nang
dalhin siya sa mga doktor upang makita kung ano ang kaniyang kondisyon, dito na
nakumpirma na ang pinakamamahal nilang bunso ay pipi at bingi. Dagdag pa rito ang
kaniyang malabong mata na mas nagpahirap lalo sa pamumuhay ng musmos na si
Aileen.

Sinubukan pa rin mag-aral ni Aileen ngunit nahihirapan ito dahil sa kaniyang


nasabing kondisyon. Kaya’t pilit man dinudurog ang kanilang puso bawat araw ay
napilitan silang patigilin ito at turuan na lamang sa kanilang tahanan. Madali naman daw
makapokus si Aileen kapag tinuturuan ngunit nagiging balakid pa rin ang kaniyang
karamdaman kumpara sa kaniyang mga ka-edad na mag-aaral.

“Minsan naiiyak na lang ako kapag tinitingnan ko siya pero ‘di ako sumusuko. ‘Di
pupwede kasi mahal ko siya,” mangiyak-ngiyak na wika ng ina ni Aileen.

Bulong na pangako

Sa tala ng Senado, isa lang si Aileen sa humigit-kumulang na 1 milyong


mag-aaral na may kapansanan sa Pilipinas.

Kamakailan lamang ay ipinasa ang Republic Act No. 11650 o ang batas upang
matulungan ang mga mag-aaral na may karamdaman katulad ni Aileen upang
makasabay sa pag-aaral sa isang normal at malusog na silid-aralan. Gayunpaman,
para sa mga magulang ni Aileen, hindi pa rin ito sapat para sa kanilang anak upang
matugunan ang kaniyang mga pangangailangan sa edukasyon.
Kaya’t pilit silang nagsusumikap at magbanat ng buto upang mabigay ang
karapat-dapat na buhay para kay Aileen. Hinahadlangan man si Aileen ng kaniyang
kapansanan, makikita sa mata ng bata ang ninanais niyang matuto.

Bumabakat na tinig

Liban sa pag-aaral, hilig ni Aileen ang gumuhit kahit mistulang parusa ito para sa
kaniyang malabong mata.

“Favorite niyang gumuhit ng mga princess-princess na maraming kulay,” saad ng


kaniyang ina. Dagdag pa niya’y, “Minsan pagkatapos kumain, ang gagawin niya agad e
ang magkulay”

Napansin din ng kaniyang magulang na natutuwa ito tuwing nakakakita ng mga


doktor sa kanilang telebisyon. Madalas ay nag-uusap sila ng kaniyang anak sa
pamamagitan ng sign language tungkol sa mga pangarap nitong gawin paglaki.
Sinasabi ni Aileen na balang-araw ay gusto niya makapunta sa mga museo sapagkat
nakakatuwa makakita ng makukulay na imaheng pinagmamasdan ng nakararami.

Bagamat ay hirap sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay si Aileen, Hindi


alintana sa kaniyang abot-tainga na mga ngiti ang hirap na kaniyang pinagdadaanan.
Ito ang tunay na pinagmamalaki ng kaniyang mga magulang na hindi magagawa ng
kahit sino mang may pandinig.

Sigaw ng pangarap

Malayo pa ang tatahakin ni Aileen upang maabot ang kaniyang inaasam na


pangarap ngunit may mga tutulong sa mga katulad niya upang mapadali ito.

Inumpisahan ni Genevieve Diokno na isa ring bingi at iba pa niyang mga kasapi
ang Hand&Heart noong 2018 upang matulungan ang mga taong may kapansanan sa
pamamagitan ng serbisyo sa edukasyon at suporta sa trabaho. Sa pagsisimula nila,
kasama sila sa tumulak ng pagsasabatas ng Republic Act No. 11106 na nagtatalaga sa
Filipino Sign Language o ang FSL bilang pangunahing wika ng mga Bingi sa buong
Pilipinas.

Ayon kina Diokno, ito ay makatutulong sa Hand&Heart upang mapalaganap ang


kanilang proyekto at masagap ng mga taong nangangailangan ng kanilang bukal na
tulong. Dahil sa kanilang naging proyekto, nagkaroon ng malaking pagbabago sa mga
establisyemento sa pagkuha nila sa mga Bingi bilang empleyado.

Inilunsad nila ang “The GoOD Sign”, isang seminar ukol sa kamalayan sa mga
Bingi at pagtuturo ng simpleng sign language sa mga mamamayan katulong ng
Caravan Food Group Inc (CFGI) at De La Salle College of St. Benilde – School of Deaf
Education and Applied Studies (DLSCSB-SDEAS). Bagamat maraming pagbabago
para sa mga katulad ni Aileen at Diokno, ika niya’y malayo pa ito pa sa isang
maaliwalas na bukas sa mga Binging katulad nila,

“Kailangan ng maayos na kalidad ng edukasyon para sa mga Bingi upang


masiguro ang payapa nilang hinaharap.” giid ni Diokno sa Ingles.

Tahimik man ang kanilang mundo, sumisigaw sa pag-asa ang kanilang mga puso
na mabuhay ng normal katulad ng mga taong may pandinig. Hindi sila iba dahil may
kakulangan sila bagkus sila ay kakaiba gawi ng kanilang kakayahan magpatuloy sa
buhay sa kabila ng kanilang pinagdadaanan.

Katulad ni Aileen, hinding hindi siya tatahimik sa pagkamit ng kaniyang ambisyon


hanggang sa mabuhay nang payapa kahit siya man ay naiiba sa nakararami. Patuloy
na kakapit sa kaniyang mga pangarap kasama ang baluting binuo ng pagmamahal.

Patungo sa hinahangad niyang buhay na banal.

You might also like