You are on page 1of 8

HOLY ANGEL UNIVERSITY

KABANATA 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Sa mga nagdaang taon, unti-unti nang nagiging maunlad ang pelikulang
Pilipino sa bansa. Marami ang pelikulang tinatangkilik ng bawat indibidwal
partikular ng mga kabataan. May mga pelikulang talaga namang tumatak sa
isipan ng mga Pilipino katulad na lamang ng pelikulang Anak na
pinagbidahan nina Vilma Santos at Claudine Baretto.

Ang pelikulang Anak ay patungkol sa isang ina, bilang isang Overseas


Filipino Worker, na napilitang umalis ng bansa upang mabigyan ng maayos na
buhay ang kanyang pamilya. Ito ay isang uri ng palikula na panglipunan.
Ipinapakita nito ang takbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan.

Ayon kay Allen Marie Lim, ang bawat pangyayari ay kaabang-abang


sapagkat ang pelikula ay kakaiba sa paraan ng pagkakalahad ng kwento
bagamat ang kabuuang kwento ay pangkaraniwan, hindi mo masasabi kung
ano ang susunod na mangyayari. Malalim ang istorya sapagkat hindi ito
pangkaraniwan lamang na may mag-aaway at magbabati. Ipinapakita ng kwento
ang detalyado at eksaktong mga pangyayari kung bakit nagkaganoon ang
kanilang pamilya. Hindi paligoy-ligoy ang istorya sapagkat fokus nito ang mga
pangyayari kung bakit kinamumuhian siya ng kanyang anak na si Carla.

Ayon naman kay Geleen Tanael, masasabing simple at pangkaraniwan


lamang ang istorya, ngunit ito ay naging ekstraordinaryo dahil sa mga artistang
nagsipagganap at matitinding mga diyalogo na nakapukaw ng atensyon at
nagdala sa emosyon ng mga manonood upang maramdaman ang mga
mensaheng nais iparating ng mga karakter. Ipinakita nito ang pagbabago ng
estado ng babae at lalaki pagdating sa mga responsibilidad. Nag-iwan at
patuloy na nagpaalala ng mga aral sa buhay ang pelikulang ito.
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Ayon naman kay Michael Tacuyan (2014), ang kwento ay kapanapanabik


dahil ipinapakita nito kung ano ang nangyayari sa mga OFW na umaalis
papuntang ibang bansa at uuwi dito sa Pilipinas ng puno ng kasabikang
makita ang mga anak. Malalim ang hatid ng istorya dahil ito ay
makatotohanan, ang fokus nito ay kung paano mapupunan ng isang ina ang
kanyang pagkukulang sa kanyang mga anak upang bumalik ang loob ng mga
ito sa kanya. Ang pelikulang ito ay dapat panoorin dahil pinapahalagan nito
ang isang pamilyang at pinapakita ang isang tunay na pamilyang pilipino.

Ang ANAK ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema


para sa mga Overseas Filipino Workers sa ibat ibang dako ng mundo. Sa
natatanging pelikula na ito sumikat sa takilya ay pinagbibidahan nina Vilma
Santos at Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag
na pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa laki ng
binatak nito sa takilya.

Ang obra maestro ni Rory B. Quintos ay talagang pinaggastusan at


pinagtuunan ng pansin. Ang ilang mga eksena sa pelikula ay sadyang kinunan
sa ibang bansa gaya ng Hong kong. At ang pelikula ay sadyang sinasalamin
ang mga pangyayari sa totoong buhay. Masasabing kapuri-puri talaga ang
pelikulang Anak sa kasaysayan ng sinematograpiya.

Ginawa ang pagsusuring ito upang malaman kung totoo nga ba na ang
napababayaan nga ba ng mga magulang na OFW ang kanilang anak sa
Pilipinas lalo na at sa panahon ngayon ay maraming mga magulang ang
nahihiwalay sa kanilang mga anak para mabigyan sila ng magandang buhay.
Nais malaman ng mga mananaliksik na bilang isang anak ng isang OFW,
gusto nilang malaman kung ano ang pakiramdam na malayo sa kanilang mga
magulang. Nakasa-ilalim dito kung ano-ano ang mga dinaranas ng mga anak
HOLY ANGEL UNIVERSITY

at epekto ng pag-iwan sa kanila ng kanilang mga magulang; kung ano-ano


ang mga epektibong solusyon sa ganitong klasing mga problema.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ano nga ba ang pakiramdam ng isang anak kapag sila ay malayo sa
kanilang mga magulang? Ano ang mga epekto ng pag-alis ng magulang sa
buhay ng kanilang anak? Ano-ano ang mga epektibong solusyon para
masolusyonan ang kanilang problema?

Ang nakitang mga problemang nakita ng mga mananaliksik ay ang


kadalasanag pagrerebelde, pagkamulat sa pag-inom ng alak at paninigarilyo, at
ang hindi pagpapagalaga sap era ng kabataan. Nais ng pag-aaral na ito na
maipakita ang mga dinaranas ng mga kabataang iniwan ng mga magulang
para lumipad patungong ibang bansa. Ang suliraning ito ay tatalakayin sa
pananaliksik na ito upang matuklasan ng mga mambabasa lalo na ang mga
magulang na OFW at kanilang mga anak kung ano ang epektibong mga
solusyon upang maayos ang ganitong klasing mga problema sa pamilya.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Nais ng pagsusuring ito na maipaliwanag sa mga magulang at anak ang
kahalagahan ng pelikula at makita nila ang epekto nito sa kanilang moralidad,
dahil ang pelikulang ito ay nagpapakita ng mga sitwasyong nangyayari sa loob
at labas ng bawat pamilyang Pilipino.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga magulang upang mas
mabigyang pansin at mapatnubayan ang kanilang mga anak sa lahat ng bagay.
Responsibilidad ng magulang na palakihin ang kanilang mga anak. Ang bawat
kabataan ay nagnanais ng pagmamahal, kalinga, at atensyon mula sa kanilang
mga magulang. Naglalaman ang pagsusuring ito ng ibat ibang ideya kung ano
nga ba ang kailangan ng bawat kabataan mula sa kanilang mga magulang.
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga kabataan partikular na


ang mga anak ng mga OFW upang malaman nila na hindi kailanman magiging
sagot sa kanilang problema ang paggawa ng hindi mabuti at pagpapabaya nila.
Hindi nila kailangang sirain ang buhay nila para lamang sila ay bigyan ng
atensyon ng kanilang mga magulang. Sa halip, sila nalang ang umintindi sa
kanilang mga magulang upang maiwasan ang ganitong klasing problema.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang sakop ng pag-aaral ay ang mga suliraning kinakaharap ng mga
anak ng mga OFW dahil malayo ang mga ito sa isat isa. Nagsagawa ng
interview ang mga mananaliksik upang malaman ang mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa anak ng mga OFW.

Nagsagawa ng interview ang mga mananaliksik sa mga anak ng OFW.


Inalam ng mga mananaliksik kung lumalayo nga ba ang kanilang loob sa
magulang at ano ang kanilang dahilan. Nais malaman ng mga mananaliksik
kung ano ang pakiramdam ng isang anak na malayo sa kaniyang mga
magulang. At kung ano ang kanilang mga solusyon para maayos at maiwasan
ito.

KAHULUGAN NG TERMINOLOHIYA
HOLY ANGEL UNIVERSITY

KAUGNAY NA LITERATURA
Ayon kay Ethel Ramos (2000), nakita ko na si Vi na umarte sa maraming
pelikula. Marami siyang trabaho na nagustuhan ko talaga. Anak, kahit na nabigyan
ng premyo. Marahil sa pangkalahatang ganda nito, umiyak ako, lalo na nung
eksenang paghaharap nila ni Claudine. Yung eksenang yon isa isa niyang pinakita
yung hirap ng trabaho na kailangan niyang pagdaanan mabigyan lang ng magandang
buhay and kanyang mga anak (Ethel Ramos, May 2000).

Ayon sa Star Cinema:


Sa isip nila, walang pakialam sa kanila ang nanay nila dahil
umalis pa rin ito patungong ibang bansa kahit na umiyak at
nagmakaawa sila na huwag na itong tumuloy, at hindi man lang ito nag-
abalang umuwi para sa burol ng tatay ng kanyang mga anak. Ang hindi
alam ni Carla at Michael ay lubos na nalungkot dahil hindi siya makauwi
sa Pilipinas sapagkat siya ay kinulong ng kanyang mga amo sa kanilang
bahay. At tiniis niya ang limang taon pang paghihirap dahil alam niyang
higit na kailangan ng kanyang pamilya ang pera. Naubos lahat ng
kanyang ipon dahil hindi nagtagumpay ang kanyang negosyo, napaalis
sa paaralan ang kanyang anak na si Michael, at ang pinakamalala sa
lahat ay nabuntis si Carla ng isa sa kanyang naging kasintahan. Kita ang
pagsisisi sa mukha ni Josie nang isinumbat ni Carla lahat ng naipon
niyang galit sa kanyang ina sa mga nagdaan na taon. Sinisisi niya ang
kanyang ina sa kanyang sira at walang patutunguhang buhay. Sinabi
niya na wala ang kanyang ina sa kanyag tabi upang bigyan siya ng
pagmamahal kaya hinanap niya ito sa mga lalaki.

Ayon kay Dennis Harvey (2001), tinanggap ni Josie ang kanyang pagkatalo sa
kanyang mga anak. Inamin niyang hindi niya nagampanan ng maayos ang kanyang
trabaho bilang isang ina. Ano ang tamang bagay na dapat niyang gawin? May lakas
HOLY ANGEL UNIVERSITY

ba siya ng loob upang subukan na ayusin ang kanyang pamilya, o tatakasan niya ito
at babalik sa nakasanayan niyang buhay sa Hongkong?

Ayon kay Pascual (1997), ang pundasyon ng pag-uugali ng isang bata ay


nagsisimula sa kanilang tahanan. Sila ay naiimpluwensyahan ng kaugalian ng
kanilang pamilya, lalo na ng kanilang nanay.

Ayon kay Herman M.R. (1997):


Ang komunikasyon ay isang mahalagang problema sa tipikal na
pamilyang Pilipino. Hindi laging nabibigyan ng kalayaan ang mga anak
na maipahayag ang kanilang nararamdaman sa mga magulang, sa
halip, ibinabahagi nila ito sa kanilang pinsan, tito, o di kaya ay sa
kanilang mga kaibigan. May mga estratehiya para mas maging epektibo
ang komunikasyon ng pamilya. Kabilang dito ang pagiging masaya,
pagturing sa anak nang may katapatan at pagtitiwala, walang
pagbabago at madalas na pagsabi sa anak kung gaano mo sila
kamahal. Ilan sa mga magandang paraan para mapatibay o mapanatili
ang koneksyon ng magulang sa anak at makabuo ng positibong
ugnayan ay ang paggawa ng mga aktibidad ng magkasama, hayaag
makipagkaibigan ang anak at bigyan ng kalayaan.

Ayon kay Zaide P. (2002), Ang relasyong magulang-anak ay dapat na laging


matatag. Dapat laging siguraduhin ng mga magulang na bukas ang kanilang
komunikasyon sa kanilang anak. Ang relasyong magulang-anak ay dinamiko, walang
relasyong magulang-anak na perpekto. Isa sa mga aspeto sa pagpapalaki ng anak ay
ang pag-alam at paggabay sa lahat ng mga pagbabagong nagaganap sa anak, simula
pagkabata hanggang pagtanda upang hindi lumaki ang anak na may masamang
ugali.
HOLY ANGEL UNIVERSITY

Ayon kay Padasas (2015), kahit malayo ka sa iyong mga anak, dapat masiguro
na hindi lamang material ang naibibigay mo sa iyong mga anak, kundi pati ispiritwal,
emosyonal, at sosyal na pangangailangan.

Ayon kay Tamayo (2012):


Ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya ay napakahalaga
sapagkat ito ang pundasyon ng pakikipag-ugnayan ng bawat miyembro
sa isat isa. Matatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang
bansa. Nakatutulong ito sa paghubog ng pagkatao ng bawat miyembro
ng pamilya. May mga katangiang kailangan sa pagkakaroon ng matatag
na pamilya. Una, ang may pananagutan sa bawat miyembro at
pagpapakita ng pagpapahalaga sa isat isa. Ikalawa, ang pagkakaroon
ng mabuting komunikasyon at pagsasama-sama ng pamilya. Mahalaga
ang mga nasabing katangian dahil ito ang nagbubuklod at nagpapatibay
sa relasyon ng bawat miyembro ng pamilya.

Ayon kay Kira Birditt, ang magulang-anak na relasyon ay isa sa


pinakamahabang pangmatagalang panlipunan kurbatang tao matatag.

Ayon kay Birditt (2013):

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga magulang at mga anak ay may


ibat ibang mga persepsyon ng kasidhian ng pag-igting, sa mga
magulang sa pangkalahatang ulat ng mga mas matinding tension kaysa
sa mga anak lalo na patungkol sa mga isyu na kinakailangang gawin ng
mga anak sa pamumuhay o pag-uugali. Nakasaad rin sa pag-aaral na
iyon na mas malaki ang naiaambag ng mga magulang sa kanilang mga
anak sapagkat sila ang nagpapakahirap upang mabigyan ng
HOLY ANGEL UNIVERSITY

magandang buhay ang kanilang mga anak. Ngunit, maraming kaso dito
sa Pilipinas na kung saan, may mga magulang na nagpapabaya, o hindi
nagpaparamdam ng apeksyon sa kanilang mga anak na nagreresulta sa
paglayo ng loob ng kanilang mga anak.

You might also like