You are on page 1of 10

Nobela ni Jose Rizal

• Gumising ni Juli nang may luha sa


kanyang mga mata.
• Hinihintay pa rin niyang maghimala ang
Mahal na Birhen – ang makabalik ang
kanyang ama at makalikom ng sapat
na salapi para rito.
• Bumangon siya ngunit wala pa ring
himala.
• Dito niya napagtanto na
kinakakailangan niyang umalis.
• Sa mga suliraning ito, palagi lamang
naiisip ni Juli ang pangako ng kanyang
katipan – “Kapag doktor na ako at
nakasal na tayo, hindi na kakailanganin
ng iyong ama ang mga lupang
sakahan.”
• “Napakatanga ko upang lubhang
manangis!” wika ni Juli habang inaayos
ang tampipi.
• Nang aalis na si Juli, lumapit ito kay
Tandang Selo at nagmano.
• Binasbasan siya ng matanda nang
walang binibitiwang anumang salita.
• Ibinilin nito kay Tandang Selo,
“Pagbalik po ni ama, pakisabi po sa
kaniyang natuloy na rin sa wakas ang
pagpasok ko sa kolehiyo. Nagsasalita
po ng Kastila ang aking panginooon.
Ito na po ang pinakamurang kolehiyong
matatagpuan.”
• At nang makitang may namumuong
luha sa mga mata ng matanda,
sinunong niya ang tampipi at dali-
daling nanaog sa hagdan.
• Lumingon siyang muli sa kanilang
bahay upang bumulong ng paalam.
• Muli siyang nanangis at napaupo sa
nabuwal na puno sa tabi ng daan.
• Pagkaalis ni Juli, nakatanaw na lamang
si Tata Selo sa mga taong dadalo si
misa mayor.
• Natanaw niya ang mga batang lalaki at
babaeng akay ng kanilang mga
magulang patungo sa misa mayor.
• Dahil itinuturing na pista ng mga bata
ang Pasko sa Pilipinas.
• Ginigising nang maagang-maaga ang
mga bata, binibihisan ng mamahalin, at
pipiliting dumalo sa misa.
• Tinitiis ng mga bata ang init at anghit
ng mga pawisang taong nagsisiksikan
kahit hindi naman sila nagrorosaryo.
• Hindi sila pwedeng mainip, maging
malikot, at matulog dahil kurot ang
magiging kapalit nito.
• Inililibot ang mga bata sa mga bahay-
bahay upang dumalaw at magmano sa
mga kamag-anak.
• Kailangan nila ritong sumayaw,
kumanta, at magsabi ng lahat ng
nalalaman nilang nakatutuwa, may
sigla man o wala, nahihirapan man o
hindi sa kasuotan, nakukurot kung
sakaling sumuway.
• Kapalit nito, niriregaluhan sila ng salapi
ng kanilang mga kamag-anak.
• May pakikibahagi rin sa pagdiriwang na
ito ang mga may edad na namumuhay
mag-isa.
• Dinadalaw nila ang kanilang mga
magulang at amaian, lumuluhod at
bumabayi ng maligayang Pasko.
• Minatamis, bungangkahoy, isang
basong tubig, o kung ano-ano pang
maliliit na bagay ang kanilang
naaginaldo.
• Nakitang dumaan ni Tata Selo ang
lahat ng kanyang mga kaibigan at
malungkot na naiisip nitong wala
siyang mairiregalo.
• Umalis ang kanyang apo nang hindi
man lang nabigyan ng kahit ano at
hindi rin siya binati nito ng maligayang
Pasko.
• Nang subukang batiin ni Tata Selo ang
kanyang mga kamag-anak, hindi niya
nagawang bumigkas at tila napipi ito.

You might also like