You are on page 1of 4

Sakripisyo ng OFW

Marami tayong kababayang pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa upang


magkaroon ng panghanapbuhay para sa pang araw araw na pangangailangan ng
kanilang pamilya. Sila ay tinatawag na Overseas Filipino Workers o OFW na kung
saan sila ay sumisikap na nagtatrabaho sa ibang bansa para magkaroon ng malaking
sahod at maihaon ang pamilya sa kahirapan.

Nagdudulot ng malaking pagsasakripisyo ang mga OFW dahil sa pagkalayo ng


kanilang pamilya sa bawat isa at sabik na sabik na silang makasama muli ang kanilang
mga mahal sa buhay. May posibilidad na hindi maiwasang mawala ang magandang
pagsamahan ng pamilya at nag o-OFW dahil sa pagkalayo nito. Maaaring
magkahiwalay ang mag asawa at magkalayo ang loob ng mga anak sa mga nanay at
tatay. Sa bawat paglayo ng OFW, hindi ito masayang, sapagkat malaki ang naitulong
nila para sa kanilang pamilya kahit papano pinagtustusan nila ito sa pang araw araw
nilang pangangailangan tulad ng pagkain at pambayad sa mga dapat babayarin.
Karamihan sa mga OFW nahihirapan sa pakikipagkomunikasyon sapagkat marami
silang dapat pag-aralin tungkol sa iba’t ibang lengguwahe na ginagamit ng mga tao sa
kanilang lugar na pinagtatrabahuan upang sila ay magkakaintindihan at
magkakaunawaan. Sa ibang bansa, may iba’t ibang lengguwahe itong ginagamit kung
kaya’t ang mga OFW na nagtatrabaho sa ibang lugar ay kailangang matuto sa
paggamit ng wika sa kanilang bansang pinagtatrabahuan. Hindi madali ang
pagtatrabaho ng mga OFW sapagkat mayroon itong among inaabuso ang mga pinoy sa
pagtatrabaho. Sa simula lang may magandang loob pero sa bandang huli, sila’y inabuso
na. Karamihan sila’y sinasaktan , kinukulong sa bahay at lalong lalo hindi pauwiin sa
kanilang mga mahal sa buhay. Kaya’t sila ay gumawa ng paraan upang makauwi na sa
kanilang kinagisnang pamilya sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa kapwa
Pilipino. Sa kabila ng kanilang sakripisyo na nagawa, malaki ang maging karangalan
ng mga OFW dahil tiniis nila ang paghihirap sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Tiniis
nilang mawalay sa kanilang mahal sa buhay basta ang importante ay matugunan nila
ang pangangailangan sa pag aaral ng kanilang mga kabataang nag e-edukasyon.
. Hindi basta basta ang mga trabaho ng mga OFW. Sila’y napapagod din at may dalang
lungkot na nararamdaman. Kaya tayong mga anak na may magulang na nagtatrabaho
sa ibang bansa, kailangan natin sila intindihin at wag laging demanding. Dapat
kuntento tayo sa kung ano anong bagay na ibinibigay ng ating mga magulang.

Alam natin na ang mga sakripisyo ng ating mga magulang ay para rin yan sa
ating kinabukasan. Malaki ang ating pasasalamat dahil sila’y buwis buhay na
nagtatrabaho sa ibang lugar para lang magkaroon ng malaking sahod at may ipapadala
sa atin para sa ating pang araw araw na pangangailangan sa buhay.
University of Mindanao Ilang High School
SANAYSAY SA FILIPINO

PANGKAT 2

IPINASA KAY:
BINIBINING CATHERINE NOB
IPINASA NILA:
BADRIA, JOE
ARDIENTE, HENNESSY SHANIA
MANINGAS, KRISTELLE ELIJAH
TABUDLONG, RISEN
DALAGAN, KATHLEEN
PABLE, HANNAH
University of Mindanao Ilang High School
SANAYSAY SA FILIPINO

IPINASA KAY:
BINIBINING CATHERINE NOB

IPINASA NILA:
KIMBERLY MARTINEZ
RIZZA MAE BALAQUINTO
MELODY JUMAWAN
CHARITY LAPAYAG
JHASMIN NGUJO
JERICHO CABALES

You might also like