You are on page 1of 3

Gawain (Chapter6)

Desiree Mae o. doncillo bfa-2a

"Maagang pagkabuntis ng mga kabataan"


Bakit nga ba napakaraming kabataan ngayon ang nabubuntis sa murang edad?

Ano nga ba ang kanilang nararanasan sa responsibilidad na kanilang kinahaharap?

Handa ka na bang harapin ang iyong responsibilidad?

Sa simula’t simula isa sa pinakakinahaharap ng mga kabataan ngayon ay ang


maagang pagkabuntis.Nakababahala ang isyu ukol dito dahil kada taon ay tumataas ang
porsiyento ng mga kabataang nabubuntis sa murang edad, isa na dito ang Pilipinas ang
ating bayan. Nakalulungkot isipin sa isinagawang pag-aaral ng National Demographic at
health survey sa taong 2013 isa sa mga batang babaeng filipino sa edad 15 to19 ang
nagiging ina sa una nilang anak.

Napakaraming mga kabataan ang tila’y nagiging magulang, magulang na nararapat ay nag-
aaral pa.Mga kabataan na naging magulang na kung saan ay dapat na humahawak pa ng
lapis at kwarderno o di kaya’t ballpen at libro.Pero ngayo’y humahawak na ng batang galing
sa sinapupunan nila.

Nakalulungkot isipin na napakaraming kabataan ay napunta sa puntong pagiging ina,ina na


kung saan nakararanas ng araw gabing pag-aalaga sa kanilang anak na hindi man lang
makatulog sa isang araw.Dahil sa buhat buhat nilang sanggol na umiiyak, umiiyak dahil sa
gutom na hindi man lang mabilihan o mabigyan ng gatas, gatas na nararapat na maibigay
na isang magulang.

Sa sanggol nilang binubuhat ay umabot na ang batang ito na hanggang sa paglaki ay


umiiyak at nakararanas ng paghihirap.Walang makain at kapos sa pera sa huli nagsisi ang
mga kabataang ito na hindi inakala ang mangyayari sa kanila sa maagang pakikipagtalik at
maagang pagkabuntis.Na humantong sa paghihirap nila at nakalulungkot na nadamay ang
kanilang anak na dapat namumuhay ng masaya.
Mahirap ang maging isang magulang na nararapat ay nasa tamang edad.Pero isa ang
kabataan na humaharap sa hindi handang responsibilidad bilang isang magulang.

Na kung saan ay ang kanilang anak,anak na nakararanas din ng kahirapan.Napakalungkot


dahil sa mga kabataan na naging magulang na hindi pa handa.

Kaya mga kabataan tayo ay kabataan palang kaya huwag nating hayaan na masira ang
ating mga pangarap at mga bagay na dapat ngayo'y pinahahalagahan natin.

May kasabihan nga na "Huwag ipagpalit sa sandaling sarap ang edukasyon o ang pagiging
kabataan".Dahil sa sandaling sarap na pinili mo ay ipinagpalit mo narin ang mga pangarap
mo.Sabi nga ni Dr.Jose Rizal "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan".

Nang sa wakas o huli ay hindi tayo magsisi bagkus maging handang ina at magulang na
may pagmamahal at pag-aaruga sa kanyang anak.

Patunayan mo,ikaw at tayong lahat ang makapagbibigay ng pagbabago sa ating


bayan.Pagbabago na makatutulong sa ating mundong ginagalawan.Nais kong tapusin ang
aking talumpati sa simula’t simula.Handa ka na bang harapin ang iyong responsibilidad
bilang kabataang makapagbibigay ng pagbabago at pag-asa sa ating bayan? Kung Oo ,
simulan mo.

You might also like