You are on page 1of 5

FILIPINO 206

Pangalan: FRANCIA I. OLIMPO


Taon/Pangkat: 2nd Sem S.Y. 2021-2022/ MAEd Major in Filipino

Ano ang Dula?


Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Mga tauhan:
1. Magsasaka- Mang Felipe
2. Asawa ng magsasaka- Aling Bebeng
3. 8 taong gulang na anak- Kyle
4. Doktor
5. Guro
6. Nars
Paksa: COVID
UNANG YUGTO
“Tulong! Tulungan niyo po kami!” ang walang humpay na hingi ng tulong
ng walong taong gulang na lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, tila walang
nakaririnig sa hinagpis ng batang lalaki. Habang nanlulumong pinagmamasdan
ang nakahadusay na katawan ng kanyang ina sa kanyang harapan. Ang mag-ina
Aling Bebeng at Kyle lamang ang tanging makikita sa gitna ng sakahan kung
saan sila nakatira. Mahigpit na hawak ng batang lalaki ang kamay ng kanyang
ina habang patuloy na umiiyak sa tabi nito.
Sa isang tahimik na pamayanan nakatira ang pamilya nina Mang Felipe.
Sila ay isa sa mga pamilyang naapektuhan nang Malaki dahil sa patuloy na
lumalaganap na sakit na COVID-19. Kayod -kalabaw sa pagsasaka ang ama ng
tahanan na si Mang Felipe. Hindi na ito nakakauwi nang madalas sa kanilang
tirahan. Madilim pa lang ang paligid pumupunta na ito sa kanilang sakahan.
Samantalang si Aling Bebeng ang siyang nag-aasikaso sa kanilang nag-
iisang anak na lalaki na si Kyle habang naglalako ng mga paninda sa
pamayanan.Napakabait at mapagmahal na ina si Aling Bebeng. Hindi niya
pinababayaan ang kaniyang pamilya. kahit siya ay nagtitinda, sinisiguro niyang
maayos ang kanilang tahanan lalong-lalo na ang mga pangngailangan ng
kaniyang mag-ama. Bago siya nagsisimulang maglako ng paninda, inihahanda
niya muna ang baon ng kaniyang asawa’t anak.

ALING BEBENG: Magandang umaga anak, gising na para makapag-almusal ka.


KYLE: Magandang umaga inay. Opo babangon na po ako. Liligpitin ko lang po
ang aking hinigaan.
MANG FELIPE: Mahal, ang aga mo naming ginising si Kyle.
ALING BEBENG: Mabuti nang maaga siyang magising para hindi siya mahuli sa
pagpasok sa paaralan.
MANG FELIPE: Mahal gagabihin ako mamaya dahil mayroon daw na
pagpupulong ang mga magsasaka na gaganapin sa may barangay.
ALING BEBENG: Sige mahal, basta mag-iingat ka ha. Huwag masyadong
magpagabi.
(Magkakaharap sa hapag kainan ang mag-anak upang mag-almusal)
MANG FELIPE: Anak, kumusta ang iyong pag-aaral?
KYLE: Mabuti naman po itay. Sa susunod na lingo gaganapin po ang pagsusulit.
Kaya kinakailangan ko naming mag-aral nang mabuti.
MANG FELIPE: O, baka naman pinababayaan mo ang iyong sarili dahil sa
sobrang pokus mo sa pag-aaral. Huwag kakaligtaang kumain sa tamang oras ha.
KYLE: Opo itay. Hindi naman po ako nagpapalipas sa pagkain.
ALING BEBENG: O siya magdasal na tayo at ng makakain na.

Ang kanilang walong taong gulang na si Kyle ay mabait at masayahing


bata. Siya ay hindi mo kakikitaan ng kaulungkutan at negatibo sa pananaw sa
buhay. Lagi siyang napupuri ng lahat ng taong nakakakilala sa kanilang pamilya.
Siya ay masayang tumutulong sa kaniyang nanay at tatay. Maagang gumigising
si Kyle upang tulungan ang kaniyang in ana ihanda ang mga paninda nito bago
siya papasok sa paaralan. Madilim pa lamang ay naglalakad na siya papuntang
paaralan dahil walang sasakyang dumadaan sa kanilang lugar. Pagdating sa
kaniyang pag-aaral, lagi siyang may parangal at nangunguna sa klase. Kaya
kilala siyang matalino sa kanilang paaralan. Lagi siyang pinupuri ng kaniyang
mga guro dahil sa kabila ng napakalayong nilalakad nito papuntang paaralan,
maaga pa rin itong nakakarating dito. Maraming kaibigan si Kyle. Hindi siya
makikitaan ng may nakakaalitan.

GURO: Mga bata, sa susunod na lingo magkakaroon tayo ng pagsusulit kaya


pag-aralan ang mga aralin na ating tinalakay.
MGA BATA: Opo, Ma’am.

Ito ang simpleng pamumuhay ng mag-anak. Ngunit sa kasamaang palad,


nabago ito dahil sa hindi inaasahang sakit na lumalaganap sa buong mundo.

IKALAWANG YUGTO
Isang masamang balita ang nagpanlumo sa lahat ng mga mamamayan ng
ibinalita ang pagkakaroon ng Community Lockdown sa kanilang lugar. Dahil sa
pandemyang lumalaganap sa buong mundo, hindi nakaligtas ang pamayanan
nina Mang Felipe. Ang dating masigla, maingay at puno ng mga tao sa labas ng
mga tahanan, ngayon makikita mo na ang napakatahimik na lugar.
Maraming nabago ang makikita sa kanilang lugar. Pagbabagong hindi nila
inaasahan na maapektuhan ang kanilang kinasanayang pamumuhay.
Nasuspende ang klase nina Kyle, naging madalang na din ang pagsasaka ng
kaniyang ama at hindi na rin nakakapaglako ng paninda ang kaniyan ina.

MAKALIPAS ANG 1 BUWAN…..


ALING BEBENG: Mahal, ano na ang gagawin natin ngayon? Konti na lang
natitira sa naimbak nating pagkain. Hindi ka rin nakakapagsaka ngayon.
MANG FELIPE: Huwag kang mag-alala malalagpasan natin ito.
ALING BEBENG: Sana nga.

Isang umaga, naabutan ni Aling Bebeng ang kanilang anak na si Kyle na


malungkot na nakatingin sa labas ng kanilang tahanan.

ALING BEBENG: O anak anong ginagawa mo diyan? Bakit tila malungkot ka?
KYLE: Wala ho inay, naalala ko lang ho iyong dati. Ganitong oras, masaya
kaming naglalaro ng aking mga kalaro diyan sa labas ng bahay. Nakakalungkot
lang ho na hindi na kami nagkikitang magkakaibigan. At hindi na rin
nakakapamasyal. Inay bakit po bawal po lumabas ngayon?
ALING BEBENG: Anak nasa panahon tayo ng pandemya at ito ang covid 19 o
tinatawag nating corona virus disease. Ito ay nakakahawang sakit at
nakakamatay kapag lumala at di-naagapan.
KYLE: Bakit ho pinagbabawal na lumabas lalo na ng mga bata?
ALING BEBENG: MAdali kasi kayong dapuan ng nasabing sakit at nakakahawa
ito dahil maari itong maipasa kahit sa hangin, kaya kailangan nating magsuot ng
facemask at iwasan ang pakikihalubilo sa ibang tao.
KYLE: Matagal pa po ba bago ulit kami maaaring makalabas?
MANG FELIPE: O mahal, ano ba ang pinag-uusapan niyong mag-ina at
mukhang napakseryoso niyo ata?
ALING BEBENG: Itong anak mo, mukhang naiiinip na dito sa loob ng bahay.
KYLE: Hindi naman ho inay.
MANG FELIPE: Anak, konting tiis lang. kailangan nating sundin ang pinapatupad
na batas upang maiwasan natin ang magkaroon ng sakit na ito. Wala pa kasing
tiyak na kasagutan kung hanggan kalian itong pandemyang ating kinakaharap.
Tayong mga tao lang din ang makakapagsabi kung hanggan kalian ito.
KYLE: Ano po ang ibig niyong sabihin?
ALING BEBENG: Anak ang ibig sabihin ng iyong tatay, kung magiging
responsible at may disiplina tayong mga tao, mapipigil ang paglaganap ng sakit
na ito.
KYLE: Sa paanong paraan po natin ito inay mapipigil?
ALING BEBENG: Anak, kailangan tayong sumunod sa pinapatupad na batas.
Iwasan natin ang maging matigas ang ulo at magreklamo.
KYLE: Ano po ba ang dapat kong gawin upang makapaglaro na po ako?
MANG FELIPE: Kailangan natin anak mapanatiling malakas ang ating
pangangatawan. Iwasan natin ang mga bagay na maaaring maging dahilan ng
pagkakasakit natin tulad ng pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran.
Palagiang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol.
(Pinakinggang mabuti ni Kyle ang lahat ng payo ng kaniyang mga
magulang.)
KYLE: Maraming salamat po nanay, tatay. Ngayon alam ko na ang dapat kong
gawin.

MAKALIPAS ANG 1 BUWAN…..


ALING BEBENG: Mahal, ano na ang gagawin natin ngayon? Konti na lang
natitira sa naimbak nating pagkain. Hindi ka rin nakakapagsaka ngayon.
MANG FELIPE: Huwag kang mag-alala malalagpasan natin ito.
ALING BEBENG: Sana nga.

Dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemya, ang lokal na pamahalaan


ay namahagi ng mga relief goods sa mga mamamayan. Isa ang pamilya nina
Mang Felipe na mabibigyan nito kaya maaga pa lang nagbihis na ito upang
maagang makapunta sa plasa.

MANG FELIPE: Naku, napakahaba na ng pila.


BHW: Maaari po bang pakiayos ng inyong mga pila. Iwasan ho natin ang
sobrang lapit sa isa’t isa. Panatilihin ho natin ang social distancing sa bawat isa.
at huwag hong aalisin ang face mask at face shield po. Maraming salamat.

Laking tuwa ni Mang Felipe nang iabot sa kanya ang Relief Goods at tiyak
na makakatulong ito sa kanyang pamilya lalo pa at kaunti lamang ang namimili
ng kanyang mga tanim na gulay dulot na rin ng pandemya. Masayang umuwi si
Mang Felipe sa kanilang bahay dala-dala ang mga nakuhang relief goods.
Masiglang sasalubungin sana ni Kyle ang kaniyang tatay nang bigla itong
pinatigil ng kaniyang ama.

MANG FELIPE: Sandali anak, huwag ka munang lumapit sa akin. Galing sa sa


labas. Kailangan ko munang magpalit ng damit at maghugas ng kamay dahil
hindi natin alam baka may dala itong virus mula sa mga nakasalamuha ko sa
plasa. Mahal maari mo bang punasan ang mga relief goods na mula sa binigay
ng DSWD?
ALING BEBENG: Sige mahal.Anak doon ka na muna sa sala at manood ka
muna ng tv.
KYLE: Opo inay.
Lumipas ang ilang araw at buwan, patuloy pa rin ang paglaganap ng sakit.
Ngunit sa isang banda, binalita ng DOH na mayroong bakuna na pinag-aaralan
at sinusuri ng mga doktor upang mapuksa ang sakit.

BAGONG TAON NG PASUKAN:


Sa bagong taon ng pasukan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
larangan ng edukasyon. Kung ang dating normal na paraan ng pagtuturo ngayon
naging “bagong normal” na kung saan ang mga mag-aaral ay hindi pwedeng
pumunta sa paaralan bagkus ang kanilang mga magulang o tagapangalag ang
pupunta sa paaralan upang kumuha ng modules na sasagutan ng mga bata. Ito
na ang bagong paraan ng edukasyon upang hindi rin matigil ang pag-aaral ng
mga kabataan. Dahil naniniwala ang kagawaran ng edukasyon, hindi dahilan ang
pandemya upang tumigil sa pagkatuto.
Kaya masayang -masaya si Kyle nang ibinalita ito sa kaniya ng kaniyang
ina. Lumipas ang ilang buwan na ganoon ang paraan ng pagkatuto ng mga bata.
Hindi naiwasang nahihirapan ang mga kabataan na unawain ang mga aralin. Isa
na dito si Kyle. Lalong lalo na at hirap din ang kaniyang ina at ama na turuan siya
sa kadahilanang hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral ang mga ito.
KYLE: Inay ano ho ba ang sagot dito?
ALING BEBENG: Ipagpaumanhin mo anak ngunit hindi ko rin alam kung paano
ito sasagutan.
KYLE: Inay ano ho ang gagawin ko dito?
Ang walang katapusang katanungan ng Kyle sa kaniyang ina.
Nanlulumong tinitignan ni Aling Bebeng ang kaniyang anak.
ALING BEBENG: Sige anak bukas tatanungin ko ang iyong guro ukol sa araling
ito.
KYLE: Maraming salamat po inay.
Sabay yakap nito dito.

KINABUKASAN SA PAARALAN:
Maagang pumunta sa paaralan si Aling Bebeng upang kausapin ang guro
ni Kyle:
ALING BEBENG: Magandang umaga ho Ma’am!
GURO: Magandang umaga din po Aling Bebeng! Ano po ang maipaglilingkod ko
sainyo?
ALING BEBENG: Ma’am tatanong ko lang ho sana kung paano po ito sasagutan
na aralin? Ipagpaumanhin niyo po ngunit nahihrapan po kaming mag-asawa na
turuan ang aming anak dahil hirap din ho kaming magbasa at magsulat.
GURO: Huwag ho kayong mag-alala Aling Bebeng tutulungan ko ho kayo.
Mabuti naman po at lumapit kayo sa akin. Ganito po ito.
Pinakinggang mabuti ni Aling Bebeng ang mga tinuro ng guro upang
maturuan din ang kaniyang anak.
GURO: Aling Bebeng kung nahihirapan pa rin po kayo huwag po kayong
mahiyang lumapit sa akin para maipaliwanag ko nang mabuti ang aralin.
Kailangan nating magtulungan sa panahon ngayon para sa ating mga mag-aaral.
Kaya huwag po kayong magsasawang tulungan at turuan ang inyong anak.
ALING BEBENG: Maraming salamat po ma’am.

Lumipas ang ilang buwan. May mga panahon na nahihirapan pa rin na


maturuan ng mag-asawa ang kanilang anak. Subalit hindi rin sila sumuko na
turuan ito sa tulong ng mga kaguruan.

IKATLONG YUGTO
Isang umaga, habang nanonood ng balita si Mang Felipe, biglang binalita
dito ang pagkakaroon ng pagbabakuna sa kanilang lugar. Masiglang tinawag
niya ang kaniyang asawa upang sabihin ang magandang balita.
MANG FELIPE: Mahal, magkakaroon na pagbabakuna sa plasa sa darating na
Sabado. Pumunta tayo upang magpabakuna.
ALING BEBENG: Sige mahal. Para kahit papano mapapanatag tayo dahil may
panglaban na tayo sa epidemyang ito.

SABADO….
Maagang pumila ang mag-asawa sa plasa para sa pagpapabakuna.
DOKTOR: Maraming salamat sa pagpayag niyo na kayo ay mabakunahan. Ito ay
unang hakbang upang matulungan tayong malabanan ang birus na dulotng
Covid-19. Kinakailangan nating mag-ingat lahat. Huwag nating kalilimutang
magsuot ng face mask at palagiang maghugas ng kamay at maglagay ng
alcohol. Panatilihin din natin palagi ang dalawang metrong layo sa bawat isa. at
kung maaari manatili lang sa loob ng bahay kung hindi naman kinakailangang
lumabas. At pinakamahalaga sa lahat, sundin at gawin mga safety health
protocols na pinatutupad ng IATF.
ALING BEBENG: Mabuti na lang mahal pumunta tayo ngayon dito.
MANG FELIPE: Oo nga mahal, marami tayong impormasyong nakakalap ukol
kung paano malabanan ang virus na ito.

Pumila ang mag-asawa kung saan gaganapin ang pagbabakuna. Sinulat nila sa
form ang mga impormasyong hinihingi. Habang nagsusulat. Nagsalita ang nars
upang paalahanan ng mga dapat gawin at isulat.

NARS: Kung mayroon ho kayong katanungan huwag pong mahihiyang lumapit


sa amin at magtanong.

Dumaan sa maraming panayam ang mag-asawa bago sila maturukan ng


bakuna.

DOKTOR: Handa na ho ba kayo sa ating bakuna?


ALING BEBENG: Opo dok.
DOKTOR: HUwag pong kakabahan.
MANG FELIPE: Opo dok.

Kahit may pangamba, nakangiting natapos ng mag-asawa ang kanilang


pagpapabakuna.
MANG FELIPE: Mahal, konting tiis na lang at matatapos din ang pagsubok na
ito. Huwag lang tayong mawawalan ng pag-asa at pananalig sa Poong
Maykapal.
ALING BEBENG: Oo nga mahal. Konting tiis na lang. Ito na ang simula ng
pagbabagong ating kakaharapin.

Masayang umuwi ang mag-asawa sa kanilang tahanan dala dala ang pag-
asang darating ang panahon na matatapos din ang pandemyang ito.
Sa buhay ng tao, tanging ang pagbabago lamang ang nanatili sa
mundong ibabaw. Kaya kainakailangang matuto tayong tanggapin at harapin ang
anumang pagbabagong ating mararanasa. Basta laging tandan, habang may
buhay may pag-asa at huwag kalilimutan ang paniniwala at pananalig sa Diyos
na wala siyang binibigay na suliranin na hindi kayang lampasan ng mga tao.

You might also like