You are on page 1of 2

Kahirapan

PAMAGAT NG AWITIN: TIRA TIRANG PAGKAIN SA BASURA LAMAN TIYAN NG ILANG PIILIPINO SA GITNA
NG PANDEMYA
May akda: Maki Pulido
Tauhan:
 SHIELA CESISTA- tatlungpong taong gulang isa sa mga magagalakal ng basura sa isa sa mga
junkshop sa Quezon City
 PRINCESS CESISTA- anak na babae ni Shiela
 JOVAN CESISTA- anak na lalaki ni Shiela
BUOD:

 Trabaho ni shiela ang mangalakal ng basura isa sa mga junkshop sa Quezon city.
Binabayaran si shiela ng may ari ng Junkshop para sa pagpipili ng mga basura at depende
ang kita niya kung ilang kilo ng basura ang kanyang mahiwahiwalay. Pinakamalaki na ang
200 pesos sa isang araw. Bago mag alas dose halos napuno na ni shiela ang isang plastic bag
na pinaglalagyan niya ng mga itinapong pagkain; tulad ng ham na kanyang nakita na
kanyang raw igigisa para sa kanilang tanghalian. Masasabi ni shiela na maswerte na daw sila
ngayon hindi katulad noong panahon ng ECQ kung saan naranasan ng kanilang pamilya na
hindi kumain. Dagdag pa niya sobrang hirap na ng kanilang buhay mas lalo pang humirap
dahil sa pandemiya. Ngunit kahit hirap sa buhay pinipilit ni shiela na mapag aral ang
kanyang mga anak. Sa bawat pag bukas ng plastic ng basura umaasa si shiela na may
mahahanap o makukuha na pwedeng mapakinabangan nilang pamilya.
 Pagsusuri:
A. Panahong kinabibilingan:
Una sa listanahan ng mga nanakop sa pilipinas ay ang mga kastila isa sa mga
malaking epekto ng kanilang pananakop sa pilipinas ay kahirapan . Ang pag aangkin ng
mga kastila sa mga lupain ng mga Pilipino at ang kawalan ng sapat na edukasyon sa
kanilang pamumuno ay naging resulta ng kahirapan.
Sa kasalukuyan ang kahirapang ating tinatamasa noon ating tinatamasa parin natin
ngayon at mas lalo pang lumala dahil sa pandemyang ating kinakaharap.

Sariling puna:  

Noong wala pang pandemya mahirap na ang buhay ng maraming Pilipino, at mas lalong humirap
pa ngayong may pandemya.

Gintong kaisipan:

 Ang bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay. At para mabuhay ay simple lang
naman ang kailangan ng tao - pagkain, damit, at bahay. 
 Tungkulin naman ng gobyerno na pangalagaan at tulungan ang kanyang
mamamayan. 
Kahirapan

Mungkahi sa (positibo at negatibo mukha)

 Bilang isang mag aaral at pinag aaral ng gobyerno, mamumungkahi ko na ang edukasyon ay
ating seryosohin sapagkat kapag may wastong edukasyon, higit na malaki ang pagkakataong
umasenso ang bawat miyembro ng pamilya. Liliit ang tsansang may mga batang hindi matu-
tustusan ang pag-aaral dahil mas malaki ang tsansang magkaroon ng maayos na trabaho at
mabawasan ang kahirapan na ating kinakaharap.

You might also like