You are on page 1of 1

KASARIAN

PAMAGAT NG AKDA: TIGNAN: Gender-sensitive restroom sa opisina ng PNP


MAY AKDA: ABS-CBN News
INIULAT NI: Zhander Cayabyab
URI NG PAMPANITIKAN: Balita

 Nagtayo ng gender-sensitive restroom ang Human Rights Affairs Office ng Philippine National
Police sa Camp Crame nang i-renovate ito nitong taon. Ayon kay PNP-HRAO chief Brig. Gen.
Dennis Siervo, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong uri ng palikuran upang maiwasan ang
diskriminasyon at hindi mailang ang LGBTQ community sa pampublikong palikuran.  Tatlong uri
ang cr sa kanilang opisina: isang panlalake, isang pambabae, at isang para sa lahat ng uri ng
kasarian. Hinihimok ni Siervo ang pribadong sektor at lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magtayo o magtalaga rin ng gender-sensitive comfort rooms. Nitong Martes, pinagbawalan ng
isang empleyado ng mall sa Quezon City ang isang transwoman na gumamit ng pambabaeng
banyo.

 PAGSUSURI:

A. PANAHONG KINABIBILANGAN
o Kasalukuyang panahon
B. SARILING PUNA
o Sa balitang ito pinakita kung gaano kabukas ang mga isipan ng Philipine National Police
officers sa pananaw ukol sa pagkakaroon ng pagkapantay-pantay na pagtanggap sa uri
ng kasarian sa kasalukuyang panahon.
C. GINTONG KAISIPAN
o Pagkakaroon ng pantay na trato at pagrespeto sa ibat-ibang uri ng kasarian meron tayo
ngayon sa kasalukuyan lipunan.
D. MUNGKAHI O SOLUSYON
o Nararapat lang na ito’y gawing huwarang nang nakakarami upang ang diskriminsayon sa
kasarian dito sa ating lipunan ay mabawasasn o mas maagi kung mawala na.

You might also like