You are on page 1of 2

Atty. Leila M.

De Lima
attyleiladelima@gmail.com

SOLIDARITY MESSAGE FOR THE PEOPLE’S


SONA

Mula po dito sa PNP Custodial Center, Camp Crame,


magandang araw po!

Una po sa lahat, nagpapasalamat ako sa pagkakataon na


ito para makapaghatid ng mensahe sa inyo, sa kabila ng
sitwasyon ko ngayon kung saan mahigit anim na taon na akong
ipinakulong dahil sa mga gawa-gawa at imbentong paratang, na
ang tanging dahilan ay ang paglaban sa baluktot at mapang-
abusong kalakaran.

Nagpapasalamat din ako sa bawat isa sa inyo, sa patuloy


na pagmamatyag, pagpuna, at pakikibaka sa katiwalan, pang-
aabuso sa karapatang pantao at kawalang katarungan sa
gobyerno at sa ating lipunan. Maraming salamat po sa
pagtataya at paglaban para mapigilan ang mga di-makatao at
mapang-abusong polisiya.

Tulad na lang ng pagturing na terorista sa ating mga IP


leaders sa Cordillera.

Matagal na nating panawagan: Hindi terorista ang mga


aktibista!

Paano magiging ‘Bagong Pilipinas’ kung luma at dati pa


ring mga kalakaran ang umiiral?

Ang batas ay ipinatutupad para pangalagaan, hindi para


sikilin ang karapatan at kalayaan ng taumbayan!

Nasaan ang pagkakaisa kung nagpapatuloy ang inhustisya


at ang kawalan ng respeto sa dignidad ng ating mga kababayan,
lalo na ang mga naghahangad lamang na matugunan ang
kanilang mga pangangailangan at maitaguyod ang marangal na
pamumuhay? Nasaan ang pagkakaisa kung patuloy na ginigipit
at ipinakukulong ang mga kritiko? Nasaan ang pag-unlad kung
patuloy na kumakalam ang sikmura ng maraming Pilipino?

Taon-taon ang SONA, ang ulat sa estado ng ating bansa.


At muli akong nagpapasalamat sa inyong lahat, dahil sa mga
pagtitipon na tulad nito, ay ipinahahayag ninyo ang mga isyu sa
ating lipunan na dapat maisama sa SONA—para ang maihayag
ay ang PEOPLE’s SONA, ang SONA na mula sa pakikinig sa
mga hinaing at pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

Mula dito sa aking detention quarters dito sa PNP


Custodial Center, ako po ay patuloy na nakikiisa sa inyo.
Ipagkait man ang aking kalayaan, hindi po nila maikukulong
ang aking prinsipyo. Kasama ninyo akong naninindigan para sa
Katotohanan, Demokrasya at Karapatang Pantao.

Maraming salamat at isang mapagpalaya at


makatarungang Pilipinas sa ating lahat!

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame


24 July 2023

You might also like