You are on page 1of 1

Katotohanang dapat Malaman, Hustisya na dapat Ipaglaban

Ang panahon na ito ay nagsilbing instrumento para mabuksan ang mga


matang bulag sa katotohanan. Salamat COVID dahil sayo nakita ko kung gaano
kabaliko ang hustisya sa bansa ko. Madalas ako’y napapaisip kung nakasilip ba
ang tagahatol mula sa kanyang pagkapiring? kung Kaya't ang pagkamit sa
hustisya ay kay hirap kunin.

Habang ako’y nagmamatyag matinding pagkahabag ang nararamdaman ko


sa mga taong walang kakayahan upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa
sitwasyon ngayon mga kapos palad ang talagang nahihirapan. Katulad nalang sa
pag dakip sa mga nagwewelgang drayber ng jeep na ninanais lang naman na sila
ay tulungan. Kasama roon ang mga may ka edadan, lahat sila ay ikinulong wala
ng debate pa. Ngunit kung iisipin bakit kung ang mga politikong lumabag sa
batas ay nabibigyan ng simpatya at pag uunawa? Ganun na ba sa ating bansa?
pati ang awa ay para lamang sakanila.

Mga politikong hindi nakukulong, dahil sila ay matanda na? ngunit kung
ang mga ordinaryong mamamayan na walang laban ay inisiksik nalang sa mainit
na kulungan. Mga magnanakaw ng bilyong bilyong pera ng bansa ang iba sa
kanila’y malayang nakakalabas-masok sa seldang naka aircon pa. Mga pag labag
ng mga makakapangyarihan na tao ay isinawalang bahala nalang katulad din ng
pag tapon ng mga kaso ng mga taong umaasa na makamit nila ang hustisyang
inaasam, ngunit sa dulo sila ay bigo. Kaya Nakakalungkot isipin na ang sistema ng
hustisya sa atin ay hindi patas kung tumingin. Patuloy na lang ba tayong
magbubulag bulagan?

Oras na para magising sa kototohanan, na ang sistemang mayroon tayo ay


hindi pantay ang pag trato. Kaya bilang estudyante ng Humanidades,
mahalagang alamin natin ang bawat pangyayari sa ating paligid. Mga karapatan
natin bilang isang mamamayan, Isa na dito ang malayang magpahayag ng sariling
nararamdaman. Kaya andito ako para buksan ang mga mata ng bawat isa sa
inyo, dahil kahit tayo ay bata pa lamang hindi ito hadlang upang maging boses sa pag
laban. Tayo ay mag tulungan sa pagkamit ng hustisya at katarungan na onting onti
kinukuha ng mga makakapangyarihan.

You might also like