You are on page 1of 12

BOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY BILAR CAMPUS

ZAMORA, BILAR, BOHOL

IKALAWANG BAHAGI
Mga Hakbang Upang Mabigyang
Proteksyon Laban sa Mga Paglabag
sa Karapatang Pantao
Pagdulog sa mga
lokal na hukuman
Kapag nalabag ang iyong karapatan, maaring magsimulang dumulog sa
katarungang pambarangay lalo na kapag ang uri ng paglabag ay sakop nito.
Kapag hindi sakop, ang kaso ay ipapasa sa tamang hukuman. May mga libreng
abogado ang Kagawaran ng Katarungan, ang Komisyon sa Karapatang Pantao,
at iba pang institusyon na maaaring makatulong sa pagsasampa at paglilitis ng
kaso. Ang mga karapatang sibil at pulitikal ang karaniwang dinidinig ng mga
korte sa Pilipinas.
Ang mga kawani ng pamahalaan ay maaring magsampa ng reklamo sa kanilang
mga opisina o sa Komisyon ng Serbisyo Sibil at kung ang pagkakasala ay may
malakas na ebidensya, maari itong idulog sa Sandigang Bayan.
Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo ay tumutulong naman sa mga
manggagawa hinggil sa paglabag ng kanilang karapatang may kinalaman sa
paggawa.
Ang Komisyon ng Karapatang Pantao at Public Attorney‘s Office ng Kagawaran
ng Katarungan ay nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga Pilipinong
mahihirap
Pagdulog sa Kapag ang mga kaso ay patungkol na sa mga alitan
ng tao na galing sa iba‘t ibang nasyonalidad o
Pandaigdigang Korteng alitan ng mga bansa, ito ay idinudulog sa
Pangkatarungan Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan. Nililitis
(International Court of nila ang mga kaso na nagiging sagabal sa
Justice). pagsusulong ng karapatang pantao.
Edukasyon para sa karapatang pantao.
Ito ang isa sa pinakamahusay na paraan upang hindi malabag ang
karapatang pantao. Ang pag-alam sa iba‘t ibang karapatan ng tao, maging
ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging mapayapa ang ating
lipunan. Ang pag-aaral ng ating karapatan ay siyang magmumulat ng ating
kaisipan upang ito ay isabuhay.
Pagsasabuhay
ng karapatang
pantao.
Mahalagang hindi huminto ang pag-aaral
ng karapatang pantao sa pagsasaulo
lamang ng mga probisyon ng mga batas.
Ang pagsasabuhay ng mga natutuhan
sa pang-araw-araw na pamumuhay ay
isang hamon sa pagsusulong natin ng
karapatang pantao. Ito ang tunay na
pagkilos upang mapigilan ang paglabag
sa ating karapatan at sa karapatan ng
iba.
STATE OBLIGATIONS
▪ RESPECT – ang di pagawa ng
mga aksyon o polisiyang
maaring maka-abuso sa
karapatang pantao
▪ PROTECT – pagdepensa sa
mga karapatang pantao ng
mga indibiduwal at pagpigil sa
pangaabuso na maaring gawin
ng ibang partido
▪ FULFILL – pagawa ng mga
aksyon upang masigurong
tuloy-tuloy na matatamasa ang
mga karapatang pantao
OBLIGATIONS
OF NON-STATE
ACTORS
▪ RESPECT – siguraduhing di
gagawa ng anumang bagay na
maaaring maka-abuso sa
integridad ng mga tao
▪ FULFILL – responsibilidad na
makatulong sa pagpapalawig ng
karapatang pantao
HUMAN RIGHTS
ABUSES
BY COMMISSION BY OMMISSION
Paggawa ng mga aktong umaabuso Di paglagay ng mga batas o
sa karapatang pantao o programa na proprotekta sa mga
Pagsasatupad ng batas na aabuso sa karapatang pantao o Di pag-aksyon
karapatang pantao o Pagalis ng mga para sa pagpapalawig ng karapatang
batas ng pumoprotekta sa pantao
karapatang pantao
LAHAT NG MGA KARAPATAN AY…

INDIVISIBLE INTERDEPENDENT INTERRELATED


(di nahahati), (nakaasa sa isa‘t isa) (magkakaugnay)
Paggalang sa Karapatang Pantao
ni Charlene L. Lizardo

I
Nakikita mo silang nasasaktan?
Dahil yan sa iyong kaugalian
Na dulot ng masama na kaisipan
Na gusto mag-sira sa mga tauhan

II
Ang hinihingi lang naman ay respeto,
Hindi lang sa akin kundi rin sa iyo
Halika at tayo‘y magsasama magtrabaho
Upang makamit ang kapayapaan sa dulo

III
Ang kapayapaan ba ay talagang gusto mo?
Kung gusto mo, magsimula ka sa pagrespeto
Ito ay hindi lang para sa akin kundi pati rin sa iyo
Magsimula tayo sa paggalang ng karaptang pantao
SALAMAT

You might also like