You are on page 1of 8

ITO AY PAGPASLANG O PAGKITIL NG

MAMAMAYAN NANG WALANG


HUSTISYA O HINDI LIGAL ANG
PAMAMARAAN NA MISMONG GINAWA
NG MAY MGA KAUKULAN SA BATAS,
NASA GOBYERNO O MGA AWTORIDAD.

ANG KAHIT NA ANUMANG


EXTRAJUDICIAL O HINDI MAKATWIRAN
NA PAGPAPARUSA AY HINDI
DIPLOMATIKO AT WALANG ETHICS
DAHIL NABA-BYPASS NITO ANG
KONSTITUSYON, MGA BATAS NA
PUMOPROTEKTA SA MGA MAMAYAN AT
MGA KARAPATAN NG ISANG
NABUBUHAY.
WALA ITONG KAPARAANAN NG BATAS
(DUE PROCESS) SA LIGAL NA
HURISDIKSYON.
Ang mga karapatang nalalabag ng
extrajudicial killing ay ang mga
sumusunod:

- Artikulo 3. SEKSYON 1.
Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or
ariarian ang sino mang tao nang hindi
kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino
mang tao ng pantay na pangangalaga ng
batas.
- Artikulo 3. SEKSYON 2.
Ang karapatan ng mga taong-bayan na
magkaroon ng kapanatagan sa kanilang
sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-
bagay laban sa hindi makatwirang
paghahalughog at pagsamsam sa ano mang
layunin ay hindi dapat labagin, at hindi
dapat maglagda ng warrant sa paghalughog
o warrant sa pagdakip...

- Artikulo 3. SEKSYON 11.


Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang
malayang pagdulog sa mga hukuman at sa
mga kalupunang mala-panghukuman at
sapat na tulong pambatas nang dahil sa
karalitaan.
- Artikulo 3. SEKSYON 14
Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang
kriminal ang sino mang tao nang hindi
kaparaanan ng batas. Sa lahat ng mga pag-
uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat
ituring na walang sala hangga’t hindi
napapatunayan ang naiiba, at dapat
magtamasa ng karapatang magmatwid sa
pamamagitan ng sarili at ng abogado,
mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal
laban sa kanya, magkaroon ng mabilis,
walang kinikilingan, at hayagan paglitis,
makaharap ang mga testigo, magkaroon ng
sapilitang kaparaanan upang matiyak ang
pagharap ng mga testigo sa paglilitaw ng
ebidensyang para sa kanyang kapakanan...
Narito ang ilang mga hakbang na
maaring isagawa bilang mamamayan
kaugnay sa naturang pagalabag:

Marahil ang tinutukoy ng katanungang ito


ay ang paglabag sa
karapatang pantao. Ngayon, sa panahon na
nakaranas ang isang mamamayan ng
paglabag, ang unang-unang gawin ay
lumapit sa mga kinauukulan at huwag
matatakot.
Ang ilan sa mga maaaring lapitan dito ay
ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng
Commission on Human Rights (CHR) at iba
naman ay mga non-government
organization (NGO) tulad ng Amnesty
International at marami pang iba.
1. Edukasyon
Kailangan ng mga mamamayan ng kamulatan at
pagkabatid sa mga nangyayari sa kanilang
paligid. Makakatulong ang edukasyon para
mapagtanto nilang mga epekto ng mga
paglabag sa pamayanan.
2. Serbisyo
Mainam din na hikayatin ang mga mamamayan
na maglingkod sa pamayanan. Makakabuti ito
sapagkat makakapagbahagi sila sa ikaayos ng
komunidad. Pag maayos ang komunidad, hindi
nila nanaisin na guluhin ito lumikha ng kahit
anumang makakasasakit sa kanilang kapwa.
3. Insentib
Maganda rin kung magbibigay ng insentib para
mapanatili ang kaayusan sa pamayanan. Pwede
itong maibigay sa pamamagitan ng mga
gantimpala, palaro, regalo at iba pa.
4. Isports
Maiiwasan ang mga bisyo o maling
pakikipagbarkada na minsang nagdudulot ng
paglabag sa mga regulasyon. Kapag malakas
ang programang isports ng pamayanan,
maibabaling ang atensyon ng mga tao sa mas kapaki-
pakinabang na mga gawain.
 Ang Matapat at Matalinong Pagboto
 Pagkakaroon ng Kapaki-pakinabang
na Gawain
 Ang Pagmamalasakit at Gawaing
Pambayan
 Paggalang at Pagsunod sa Batas at sa
mga Makapangyarihan
 Pagiging Matapat sa Republika ng
Pilipinas
 Pagtiwala sa Sariling Kakayahan
 Paggalang sa Karapatan ng Tao
 Mga Tungkulin at Pananagutan ng
mga Mamamayang Pilipino

You might also like