You are on page 1of 4

Mga Uri ng Karapatan

1. Natural - mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ngEstado
Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-arian

2. Constitutional - mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado


• Karapatang Politikal-kapangyarihan ng mamamayan na makilahok,btuwiran man o
hindi, sa pagtatatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
• Karapatang Sibil-mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibiduwal na maging
kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
• Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at
pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
• Karapatan ng Akusado-mga karapatan na magbibigay proteksiyon sa indibiduwal na
inaakusahan sa anumang krimen.

3. Statutory - mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa


pamamagitan ng panibagong batas.
Halimbawa: karapatang makatanggap ng minimum wage

Makikita sa ibaba ang nilalaman ng mga karapatang pantao na kinikilala ng Estado


ayon sa Saligang Batas ng 1987.
1. karapatan sa buhay, kalayaan, o ari-arian (right to life, liberty, and property);
2. karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsasamsam (right
against unreasonable searches and seizures);
3. karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya (privacy of
communication);
4. kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan sa
mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan (freedom of speech; right to a
free press; freedom of assembly; the right of petition);
5. kalayaan sa relihiyon (freedom of religion);
6. kalayaan sa paninirahan at karapatan sa paglalakbay (liberty of abode and the right
to travel);
7. karapatan hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan (right to
information);
8. karapatan na magtatag ng mga asosasyon, unyon o mga kapisanan (right to form
associations);
9. karapatan sa wastong kabayaran (right to just compensation);
10. hindi pagpapatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata (non-impairment
clause);
11. malayang pagdulog sa mga hukuman (free access to court);
12. karapatan ng taong sinisiyasat (right of person under custodial investigation);
13. karapatan sa pyansa at malabis na pyansa (right to bail and against excessive bail);
14. mga karapatan ng nasasakdal (rights of the accused);
15. pribilehiyo ng writ of the habeas corpus;
16. karapatang sa madaliang paglutas ng mga usapin sa mga kalupunang
panghukuman (right to a speedy disposition of the cases);
17. karapatang hindi tumestigo laban sa kanyang sarili (right against self-incrimination)
18. karapatan sa paniniwala at hangaring pampulitika (right to political beliefs and
aspirations);
19. karapatan laban sa malupit, imbi at di-makataong parusa (prohibition against cruel,
degrading human punishment);
20. ‘di-pagkakabilanggo nang dahil sa pagkakautang (non-imprisonment for debts);
21. karapatan laban sa makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag
(right against double jeopardy); at
22. ‘di pagpapatibay ng batas ex post facto o bill of attainder sa isang demokratikong
bansa.

Mayroong dalawang partidong sangkot sa realisasyon at katuparan ng mga karapatang


pantao.
1. Rights Holders. Ito ang lahat ng mamamayan, anuman ang edad, lahi, kasarian, at
relihiyon. Lahat ng tao ay rights holders. Bilang mga indibiduwal, may kaakibat itong
pananagutang ALAMIN, ANGKININ at IPAGTANGGOL ang kanilang mga karapatang
pantao.
Mayroong espesyal na pagtutok at pagtatanggol sa mga indibiduwal na vulnerable, mga
mas madalas maging biktima ng pang-aabuso (disadvantaged), at mga taong nasa
laylayan ng lipunan (marginalized). Kabilang dito ang mga kabataan, kababaihan, mga
katutubo, mga manggagawa, mahihirap, mga may kapansanan, matatanda, mga
nakapiit sa kulungan, mga taong naipit sa armadong labanan, mga indibiduwal na may
iba’t ibang oryentasyong sekswal at ekspresyong pangkasarian, at iba pa.

2. Duty Bearers. Ito ang mga taong may responsibilidad at pananagutang ipagtanggol,
isulong at isakatuparan ang karapatang pantao ng mga mamamayan.
• Obligasyon ng Estado na I-RESPETO ang karapatang pantao. Ibig sabihin, hindi nito
hahadlangan ang pagtamasa ng mga mamamayan sa kanilang mga karapatan. Dapat
din itong umaksyon sa mga panahong di kayang tuparin ng mga mamamayan ang
kanilang mga karapatan. Halimbawa ng paghadlang sa karapatang pantao ay paglimita
sa access sa pagkain, tubig, tirahan, edukasyon, serbisyong pangkalusugan at
censorship.
• Obligasyon ng Estado na PROTEKSIYUNAN ang mga mamamayan mula sa pang-
aabuso sa karapatang pantao. Dapat tulungan ng Estado ang mga tao sa anumang
posibleng paglabag at/o pag-abuso sa kanilang mga karapatan. Kabilang dito ang
paggawa ng mga batas na mag-criminalize sa mga paglabag at pag-abuso sa
karapatang pantao at magtitiyak ng proteksiyon ng kanilang mga karapatan.
Nangangahulugan din na dapat wasto ang pagpapatupad ng mga batas na ito.
• Obligasyon ng Estado na TUPARIN ang karapatang pantao ng mga mamamayan.
Nangangahulugan ito na aktibong magsisikap ang pamahalaan tungo sa katuparan ng
karapatan ng lahat. Dapat gumawa ang Estado ng mga positibong aksyon at hakbang
tungo sa pagtatamasa ng mga mamamayan ng kanilang mga pangunahing karapatan.
Kabilang sa obligasyong ito ang libreng pampublikong edukasyon, feeding programs,
medicine drives at marami pang iba.

Lahat ng tao ay may mga karapatang pantao na may garantiya sa batas. Ito ay
pagkilala na bilang tao, lahat ay may halaga at dignidad. Sa Pilipinas, ang Commission
on Human Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga
karapatang pantao ng mga mamamayan. Nilikha ito ng Saligang Batas ng 1987
alinsunod sa Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII. Ang CHR ay itinatag bilang tugon sa
laganap na pang-aabuso sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.
Bilang National Human Rights Institution (NHRI), ito ay may tungkulin na tiyakin na
itinataguyod at hindi nilalabag ng pamahalaan ang karapatan ng bawat indibiduwal.
Batay sa Saligang Batas, ang CHR ay may mandato na imbestigahan lahat ng kaso o
uri ng human right violations. Kaakibat sa tungkulin nito ay ang layuning palakasin ang
kapasidad ng lahat ng nanunungkulan sa pamahalaan at pribadong sektor upang mas
magampanan ng Estado ang obligasyon nitong igalang, isakatuparan, at proteksiyunan
ang karapatan ng lahat.

You might also like