You are on page 1of 5

Citizenship (pagkamamamayan) - ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.

- Sa panahon ng kabihasnang Griyego nagsimula ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga
lungsod-estado na tinatawag na polis.

POLIS - Ang lipunan na ito ay binubuo ng ng mga indibidwal na may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay
binubuo ng mga mamamayan na limitado lamang sa mga kalalakihan

Ayon kay Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kapakanan ng estado. Ang isang citizen ay
inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis.

Citizenship - tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging
miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.

Sa Pilipinas, inilahad ng estado sa Saligang-batas kung sino ang itinuturing na mga citizen at mga kaakibat na tungkulin at
karapatan ng mga mamamayan nito.

Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Ito ay ang ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na
nagpapahayag tungkol sa pagkamamamayan.
Karagdagang kaalaman:

Maaring magkaroon ng dalawang pagkamamamayan (Dual Citizenship) ang isang indibidwal sa


pamamagitan ng isang legal na proseso na tinatawag na Naturalisayon. Ang indibidwal na ito ay dapat
nang sumunod sa mga batas at regulasyon ng dalawang bansa.

Sa kabilang banda, maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal dahil sa mga
sumusunod:

1. kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa


2. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
3. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
4. nawala na ang bisa ng naturalisasyon

Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating
bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat
isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito ng
malawakang pagbabago sa ating lipunan

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggled. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang
gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingcod bayan.
Suriin
7
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10.Magbayad ng buwis.
11.Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12.Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.

Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang


• may pagmamahal sa ibang tao o sa kapuwa,
• may respeto sa karapatang pantao,
• gaganap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan,
• pagpupunyagi sa bayani,
• may disiplina sa kanyang sarili o self-discipline,
• may kritikal at malikhaing pag-iisip,
• pagiging makabayan
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng
yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad
ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights.

Magna Carta - Hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinoman nang walang pag- papasya
ng hukuman

Petition of Right - - Hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament


- Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan

Bill of Rights - -Karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at iba pang nanirahan sa bansa
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen - - Karapatan ng mga mamamayan
Pagkakasunod sunod ng pangyayari ayon sa kontekstong historical ng pag-unlad ng karapatang pantao

I. Cyrus Cylinder
II. Magna Carta
III. The First Geneva Convention
IV. Universal Declaration of Human Rights
V. United Nations Convention on the rights of the child
VI. Bill of Rights

3 uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa

 NATURAL RIGHTS
 CONSTITUTIONAL RIGHTS
 STATUTORY RIGHTS

Constitutional Rights

1. Karapatang Politikal - Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag


at pangangasiwa ng pamahalaan.

2. Karapatang Sibil - mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang
kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.

3. Karapatang Sosyo-ekonomik - mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong


kalagayan ng mga indibiduwal.

4. Karapatan ng akusado - mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa


anomang krimen

Commission of Human Rights (CHR) – institusyong Nilikha sa pamamagitan ng Seksyon 17 Artikulo XIII na mangangalaga sa
karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas
Amnesty International - Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.” Pangunahing adhikain nito ang
magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig

Mamamayan – ang kapangyarihan ng estado ay nagmumula sa mamamayan

Universal Declaration of Human Rights (UDHR) – “Magna Carta for All Mankind” dokumentong binuo ng United nations na
nagbalangkas ng magiging batayan ng pagsasakatuparan ng karapatang pantao sa lahat ng bansa.

Ekspatrasyon – pagtatakwil sa pagkamamayan sa pagtakas sa digmaan

2004 ISSP Citizenship Survey – Ayon sa naging resulta ng survey ang Pilipinas ay au nangunguna sa lagging pagboto sa halalan.

Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987 ang maaaring makaboto ay

1. mamamayan ng Pilipinas

2. hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas

3. 18 taon gulang pataas at tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa
anim na buwan bago mag-eleksyon.

Mga diskwalipikadong bumoto

1. mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kanya

2. mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at
anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos
ang parusang inihatol sa kaniya

3. mga taong ideneklara ng mga eksperto bilang baliw.

You might also like