You are on page 1of 7

KARAPATANG PANTAO

Ito ay pamantayan na kumikilala at nagbibigay proteksyon sa dignidad ng bawat tao.

Ito ay mga pangunahing Karapatan at Kalayaan na tinataglay ng bawat tao sa Digdig mula sa
kaniyang pagsilang hanggang sa kaniyang kamatayan.

MGA PRINSIPYONG TINATAGLAY NG MGA KARAPATANG PANTAO

UNIVERSALITY AT INALIENABILITY

INDIVISIBILITY AT INTERDEPENDENCE

EQUALITY AT NON-DISCRIMINATORY

IBA’T-IBANG URI NG KARAPATANG PANTAO

1. Natural Rights

2. Constitution Rights

3. Statutory

NATURAL RIGHTS

-Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado

HALIMBAWA: karapatang mabuhay, maging Malaya, at magkaroon ng ariarian

CONSTITUTIONAL RIGHTS

-Mga karapatang ipinagkakaloob at pinangangalagaan ng Estado o saligang batas ng anomang


bansa.

THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES – ARTIVLE III

Bill of Rights

-Karapatan sa pagpapahayag ng saloobin

-Karapatan sa pamamahayag

-Karapatan sa paglulunsad ng malayang pagpupulong

STATUTORY RIGHTS

Mga karapatang Kaloob ng binuong batas at maaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.

-HALIMBAWA ay Karapatang makataggap ng minimum wage.

IBA’T-IBANG ANYO NG KARAPATANG PANTAO

1. Karapatang Politikal

Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng


pamahalaan.
HALIMBAWA: karapatang bumoto at maiboto

2. Karapatang Sibil

Mga Karapatan na titiyak sa mga pribadong individual na maging kasiya-siya ang kanilang
pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.

HALIMBAWA: Karapatan at Kalayaan sa pagsasalita

3. Karapatang Sosyo-ekonomik

Mga Karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga


individual.

HALIMBAWA: Karapatang magkaroon ng kabuhayaan

4. Karapatan ng akusado

Mga Karapatan na nagbibigay-proteksyon sa individual na inakusahan sa anomang krimen.

HALIMBAWA: Karapatang maipagtanggol ang sarili

KARAPATANG PANTAO

Ang karapatang pangtao ay isang MORAL na prinsipyo na nagsasaad ng pamantayan ng kilos ng


isang tao at pinoprotektahan ng mga batas , ilan sa mga mahahalagang dokumento na nagsisilbing
batayan at manipestasyon sa pag unlad ng konsepto ng karapatang pantao sa paglipas ng panahon
ay ang mga sumusunod:

Cyrus Cylinder na tinaguriang “World’s First Charter of Human Rights Matapos masakop ni haring
Cyrus ng Persia ang lungsod ng Babylon Pagiging Malaya ng mga alipin Kalayaan sa pagpili ng relihiyon
Pagkakapantay ng lahat ng lahi.

Nilagdaan ni haring John | ng England 1215

Ang magna Carta na naglalaman ng ilang karapatan

Hindi maaring dakpin, ikulong at bawiin ang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasya ng
hukuman Ipinasa noong 1628 ang petition of Rights Nagbabawal sa pagkulong sa isang individual ng
walang sapat na dahilan Hindi pagdeklara ng batas military sa panahon ng kapayapaan

Inaprubahan noong 1787 ng congress ng USA ang kanilang saligang Batas Ang Universal Declaration of
Human Rights at ang Bill of Rights

Isa sa mga Dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao.

Karapatang sibil

Politikal

Ekonomikal

Sosyal
Kultural

THE 1987 PHILIPPINE CONSTITUTION

1) Karapatan sa buhay, Kalayaan, o ari-arian (right to life, liberty, and property)

2) Karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsasamsam ( right against


unreasonable searches and seizure)

3) Karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at respondensya ( privacy of Communication)

4) Kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa Karapatan sa mapayapang


magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan (freedom of speech; right to a free press; freedom of
assembly; the right of petition.

5) Kalayaan sa relihiyon ( freedom of religion)

6) Kalayaan sa paninirahan at Karapatan sa paglalakbay ( liberty of abode and the right of travel)

7) Karapatan hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan ( rights to information)

8) Karapatan na magtatag ng mga asosasyon, union o mga kapisanan ( right to form associations)

9) Karapatan sa wastong kabayaran ( right to just compensation)

10) Hindi pagpapatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata (non-impairment)

11) Malayang pagdulog sa mga hukuman (free access to court)

12) Karapatan ng taong sinisiyasat (right of person under custodial investigation)

13) Karapatan sa pyansa at malabis na pyansa (right to bail and against excessive bill)

14) Mga Karapatan ng nasasakdal ( rights of the accused)

15) Pribelehiyo ng writ of the habeas corpus


16) Karapatan sa madaliang paglutas ng mga usapin sa mga kalupunang panghukuman (right to a
speedy disposition of the cases)

17) Karapatang hindi tumistigo laban sa kanyang sarili(right against self-incrimination)

18) Karapatan sa paniniwala at hangaring pampulitika ( right to political beliefs and aspiration)

19) Karapatan laban sa malupit, imbi at di makatarungang parusa (prohibition against cruel,
degrading human punishment)

20) Di-pagkakabilanggo nang dahil sa pagkakautang (non-imprisonment for depts)

21) Karapatan laban sa makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag ( right


against double jeopardy)

22) Di-pagbibigay ng batas ex post facto o bill of attainder sa isang demokratikong bansa.

Ating tandan, na nasa ating kamay ang pagpapatatag sa Demokrasya ng ating bansa at ang
pangangalaga sa dignindad nating mga mamamayan ang siyang dapat pangunahing prioridad ng ating
estado. Ito ay ating maisusulong lamang kung patuloy nating susuportahan at patatagin ang mga
Samahan at ahensya na nagtataguyod nito.

CITICENSHIP

Ang usapin ng aktibong pagkamamamayan ay lubhang mahalaga upang mas maimulat ang mga tao
sa kanilang gampanin at responsibilidad tungo sa kanilang minimithing mas maunlad at
progresibong lipunan.

• Nagsimula sa kabihasnang Griyego ang konsepto ng CITIZEN

POLIS

Binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin “hindi lamang sarili ang iniisip ng
mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado”

• Nagbago ang konsepto ng pagkamamamayan sa paglipas ng panahon

• Ang citizenship ay bilang isang legal na kalagayan ng isang individual sa isang nasyon o estado

Ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng


isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado. Tinitingnan natin ang
pagkamamamayan bilang isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon o
estado.

Artikulo IV: Pagkamamamayan

Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:

1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito;

2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;


3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili
ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. Mga dayuhang nagpasiyang maging
mamamayang Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon.

Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa


sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak
na mamamayan.

Seksiyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang


itinatadhana ng batas.

Seksiyon 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas


na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay
ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

Seksiyon 5. Ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at


dapat lapatan ng kaukulang batas.

Republic Act No. 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003

Batay dito ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa
pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring maging mamamayang Pilipino muli. Siya ay
magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Ang dating mamamayang
Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaring
muling maging mamamayan Pilipino.Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan o
DUAL CITIZENSHIP. Kailangan lamang niya itong aplyan sa National Statistics Office .

Dalawang Uri ng Mamamayan

1. Likas o Katutubo - anak ng Pilipino, parehong mga magulang o alinman

2. Naturalisado - dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng


naturalisasyon

NATURALISASYON

Ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa
ay sasailalim sa isang proseso sa korte o sa hukuman

Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan

1. Jus sanguinis. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa


sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
2. Jus soli. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino


Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang
dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa
mga ito ay ang sumusunod:
a. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
b. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan;
c. nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Isa sa mga pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang


pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang kanilang
pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa kanila ay mahalaga para sa
ikatatamo ng kabutihang panlahat.
Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan
sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad nito sa
isang estado.
Noong Agosto 19, 1939, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-61 taon ng kaniyang kaarawan,
nagpalabas ang Pangulong Manuel L. Quezon ng Atas Tagapagpaganap Blg. 217 (Executive
Order No. 217) ng mga panuntunang sibiko at etikal- na tinatawag na Kodigo ng
Pagkamamamayan at Kagandahang Asal- na ituturo sa lahat ng mga paaralan. Ang mga aral ng
nasabing kodigo ay nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon.

You might also like