You are on page 1of 4

Gwyneth Faye T.

Miraflores || Grade 10 STE – Agapito Flores

POLITIKAL NA PAKIKILAHOK (week 1)

Citizenship- Tumutukoy sa konsepto ng pagkamamamayan o ang kalagayan o katayuan ng isang tao


bilang isang miyembro ng pamayanan o estado. Ito ay nagmula sa kabiyasnang griyego.

Griyego o Greece- binubuo ng mga lungsod estado, at ang mga lungsod estado na ito ay tinatawag na
POLIS.

Polis – tumutukoy sa lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at mithiin (parehong
lengguwahe at mga kultura na umiiral sa kanilang lipunan)

•Limitado ang pagiging citizen noon, tanging mga kalalakihan lamang ang pwedeng maituturing na
citizen ng isang bansa, kung saan ang isang citizen ay may kalakip na karapatan at pribilehiyo.

*Karapatan- natatamasa o dapat matamasa ng lahat ng tao

*Pribilehiyo- hindi ito makakamtan ng lahat ng tao kundi ng mangilan-ngilan lamang

•Ayon sa orador na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan
ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa Polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembleya at paglilitis.

•Ang isang citizen ay maaaring:

-Politiko

-Administrador

-Husgado

-Sundalo

(tumutukoy sa kalalakihan lamang)


•Nagbago ang konsepto ng pagkamamamayan sa paglipas ng panahon. Sa kasalukuyan ang citizenship
ay bilang isang legal na kalagayan ng isang indibidwal sa isang nasyon-estado.

•Ang citizenship ayon kay Havens, ay ang ugnayan ng isang indibidwal at ng estado. Bilang isang citizen
siya ay ginagawaran ng mga karapatan at tungkulin.

Saligang Batas ng 1987- dito nakasaad ang legal na basehan ng pagkamamamayan.

Dalawang (2) Prinsipyo ng Pagkamamamayan:

1. Jus Sanguinis- Tumutukoy sa pagkamamamayan ng isang tao na nakabatay sa dugo o


pagkamamayan ng kaniyang mga magulang, prinsipyo na sinusunod sa Pilipinas.

2. Jos Soli- Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan ipinanganak ang isang tao.
Prinsipyong sinusunod sa America. (SOLI – nagmula sa salitang soil o lupa)

Article 4: PAGKAMAMAYAN NA MATATAGPUAN SA SALIGANG BATAS NG 1987

Section 1- Mga batayan ng pagiging mamamayan ng Pilipinas:

1.) Mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas na ito.

2.) Ang ama at mga ina ay mamamayan ng Pilipinas

3.) Ang mga isinilang bago sumapit ang January 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang

4.) Ang naging mamamayan ayon sa batas

Section 2- Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula sa kaniyang
pagsilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin para matamo yung kanilang
pagkamamamayan. Ang mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa section 1.

Section 3- Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaring mawala o muling matamo sa paraang


itinatadhana ng batas.
Section 4- Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng
batas na nagtakwil ito.

Section 5- Ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat


lapatan ng kaukulang batas.

Paano mawawala ang pagkamamamayan ng isang tao?

1. Kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa, ang ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

* Panunumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa

* Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan

* Nawala ang bisa ng naturalisasyon

POLITIKAL NA PAKIKILAHOK (week 2)

• Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin
sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat. Tinitignan ang
indibidwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao.

• Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang


karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa bayan,
kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang
kanilang mga hinaying at mga saloobin.

• Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga katangian ng
isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang katangian ng isang responsableng
mamamayan ay inaasahang o dapat na: Makabayan; May pagmamahal sa kapwa; May respeto sa
karapatang pantao; May pagpupunyagi sa mga bayani; Ganap ang mga karapatan at tungkulin
bilang mamamayan; May disiplina sa sarili; May kritikal at malikhaing pag-iisip.
• Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng 12 gawain na maaaring makatulong sa ating bansa. Ang
mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaring gawin ng bawat isa sa atin. Ito
ay maaaring magbunga ng malawakang pagbabago sa ating lipunan kung ito ay ating magagawa.

=> 12 Hakbangin na maaaring makatulong sa isang bansa:

1. Sumunod sa batas trapiko

2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili

3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggled

4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa bansa

5. Igalang ang nagpapatupad ng batas trapiko, pulis at iba pang lingkod bayan

6. Itapon ng wasto ang basura. Ihiwalay, i-resiklo at pangalagaan

7. Suportahan ang inyong simbahan

8. Tapusin ng may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksyon

9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan

10. Magbayad ng buwis

11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap

12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.

You might also like