You are on page 1of 17

PAGKAMAMAMAYAN:

Konsepto at Katuturan

IKAAPAT NA MARKAHAN
Modyul 1 – Aralin 1
Kasaysayan ng salitang
PAGKAMAMAMAY “citizen”
AN:
Makabagong konsepto
ng pagkamamamayan

Legal na pananaw ng
pagkamamamayan
Ang citizenship o pagkamamamayan ay
kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado ay
maaaring iugat sa kasaysayan sa daigdig.
K Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang
A umusbong ang konsepto ng citizen.

S Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga


A lungsod-estado na tinatawag na polis.
Y
S Polis – ito ay isang lipunan
A na binubuo ng mga taong
may iisang pagkakakilanlan
Y at isang mithiin. Ang polis
A ay binubuo ng mga citizen
N na limitado lamang sa
kalalakihan.
KATANGIAN NG • Limitado ang pagiging citizen sa mga
kalalakihan, kung saan ang isang citizen
CITIZEN SA ay may kalakip na karapatan at
SINAUNANG GRESYA pribilehiyo.
• Ayon sa orador na si Perciles, hindi
lamang sarili ang iniisip ng mga citizen
kundi maging ang kalagayan ng estado.
• Ang isang citizen ay inaasahan na
makilahok sa mga gawain sa polis tulad
ng paglahok sa mga pampublikong
asembliya at paglilitis.
• Ang isang citizen ay maaaring politiko,
administrador, husgado at sundalo.
MAKABAGONG KONSEPTO
NG PAGKAMAMAMAYAN

Ayon kay Murray Clark


Heavens (1981), ang
citizenship ay ang ugnayan ng
isang indibidwal at ng estado.
MAKABAGONG KONSEPTO
NG PAGKAMAMAMAYAN
Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibidwal sa isang estado, kung saan bilang isang
citizen siya ay ginawaran ng mga karapatan at
tungkulin. Sa Pilipinas nakasaad sa Saligang Batas 1987
ang legal na basehan ng pagkamamamayan.
Paano mo ba
masasabi na ikaw
ay mamamayan ng
isang bansa?
Ikaw ba ay isang
Pilipino?
Ano ang maaari nating maging
basehan upang matukoy ang
pagkamamamayan ng isang tao?
SALIGANG BATAS 1987

Ito ang pinakamataas na


batas ng isang bansa at
nakasulat dito ang
mahahalagang batas na
dapat sundin ng bawat
mamamayan.
ARTIKULO IV: PAGKAMAMAMAYAN

SEKSYON 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng Pilipinas:

(1) Ang mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng


Saligang Batas na ito;
(2) Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) Ang mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina
ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng
karampatang gulang; at
(4) Ang naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSYON 2. Ang katutubong inanak na mamamayan ay
ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang
na wala nang kinakailangang gampanan ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamayang Pilipino.

SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay


maaaring mawala o muling matamo sa paraang
itinatadhana ng batas.
SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng
mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay
ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito.

SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan


ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan nang
kaukulang batas.
Mga prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino

1. Jus Sanguinis – ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang


o isa man sa kanila. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa Pilipinas. Halimbawa,
kung ang isang dayuhang Indian ay nanganak sa Pilipinas, ang
pagkamamamayan ng kanyang anak ay Indian din katulad ng kanyang
magulang kahit sa Pilipinas ito naipanganak.

2. Jus Soli – ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan


anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang. Ito ang prinsipyo na
sinusunod sa bansang Amerika. Halimbawa, ang isang Pilipino na
ipinanganak sa Amerika ay magiging American Citizen ito kahit Pilipino ang
kanyang mga magulang dahil sa bansang Amerika siya ipinanganak.
LUMAWAK NA PANANAW
NG PAGKAMAMAMAYAN
Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang
isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus,
maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng
kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay
nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at
sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang
panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi
ng isang lipunan kasama ang ibang tao.
1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto.
Bilhin ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkodbayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.

You might also like