You are on page 1of 2

Ligal na Pananaw sa Konsepto ng Pagkamamamayan (CITIZENSHIP)

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang


tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan
ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang
konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado
lamang sa kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan
may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles,
hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok
sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko,
administrador, husgado, at sundalo. Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa
maraming pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa
kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang
indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang
citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging
miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay

PAGKAMAMAMAYAN (Citizenship)

SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:

(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;

(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;

(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at

(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEKSYON 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa
sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1,
Talatataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.

SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang


itinatadhana ng batas.

SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalaim ng
batas, nagtakwil nito.

SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa


ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-
batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.

DALAWANG URI NG MAMAMAYAN


Likas o Katutubong Mamamayan (Natural Born Citizen)
 Ang likas na mamamayan ay anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa
kaniyang mga magulang o parehong Pilipino.
Naturalisadong Mamamayan (Naturalized Citizen)
 Ang mga naturalisadong mamamayan ay mga dating dayuhan na naging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng proseso.

DALAWANG PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYAN


Jus Sanguinis (Right of Blood)
 Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa sa kanila.
Jus Soli o Jus Loci (Right of Soil)
 Naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan
ng kaniyang mga magulang.

Mga Dahilan ng Pagkawala ng Pagkamamamayan


 Pagdaan sa proseso ng naturalisasyon
 Pagpapasyang ipawalang bisa ang naturalisadong pagkamamamayan
 Pagpiling maglingkod sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
 Pagtiwalag o pagtakas sa hukbong sandatahan ng bansa sa panahon ng
digmaan.
 Expatriation o pagtakwil sa pagkamamamayan at pag-angkin ng
pagkamamamayan ng ibang bansa.

You might also like