You are on page 1of 2

1, Kahulugan ng pagkamamayan o citizenship

● Ang pagkamamamayan ay isang katapatang-loob ng isang indibiduwal sa isang estado. Tinutukoy ng bawat
estado ang mga kondisyon na kung saan kikilalanin ang mga indibiduwal bilang mga mamamayan nito, at
mga kondisyon kung saan babawiin ang katayuan nito.
● Ang pagkakamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayo sa
itinatakda ng batas.Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga
dayuhang nakatira dito na maaaring hinddi kasapi nito.

2. Mga batayan ng pagkamamayang Pilipino batay sa isinasaad ng saligang batas.

Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan. ing Pilipinas:

(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;


2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na
ang mga ina ay Pilipino, na PLORETTY pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4)
yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak
na mamamayan.

Seksiyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.

Seksiyon 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga
dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o

pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito. Seksiyon 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan
ay salungat sa kapakanang

pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

3.Mga dahilan at paraan ng pagkamit at pagkawala ng pagkamamayan ng isang Pilipino batay sa


isinasaad ng Saligang Batas ng 1987 at RA 9225.
● Pagsasabi at pagtatakwil ng pagiging Pilipino.
● Pagsabi ng Panunumpa ng Katapatan ng ibang bansa.
● Pagbibigay ng serbisyo sa o paglingkod sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa.
● Pagproklama ng gobyerno na ang isang sundalo ng Sandatahang lakas ay tumiwalag o tumakas sa panahon
ng digmaan.
● Paghiling o pag-apply ng pagiging mamamayan ng ibang bansa (pagiging naturalisado sa ibang bansa).
● Pagkansela ng mga katibayan ng pagiging naturalisadong Pilipino (para sa mga naturalisadong Pilipino).
● Pagpapakasal ng isang babaeng Pilipino sa dayuhan at pagkuha ng nasyonalidad nito.
4.Kahalagahan ng aktibong mamamayan.
aktibong mamamayan. Ito ay dahil ang mga mamamayan ang nagtataaguyod ng kaunlaran ng komunidad. Kung walang mamamayan,
tiyak na babagsak ang isang lipunan. Kung ang mga mamamayan ay hindi sumusunod, magiging magulo ang lipunan. Kung ang
mamamayan ay hindi nakikilahok sa mga programa, masasayang lamang ito.

Ang mga aktibong mamamayan ay malaki ang naitutulong upang maging matagumpay ang mga programa na ipinapatupad sa isang
lipunan

Josang gonis

You might also like