You are on page 1of 88

ARALING PANLIPUNAN 4

Batayan ng D
A
Pagkamamamayang Pilipino
Y
1
QUARTER 4 WEEK 1
Balik-aral :

Ano anong ahensiya ng pamahalaan ang


tumutulong sa mga mamamayan kapag may
dumarating na sakuna o kalamidad sa ating
bansa?
Ikaw ba ay isang mamamayang Pilipino?
Ano ang ibig sabihin ng salitang
pagkamamamayan?
Ano-ano ang mga batayan ng isang
mamamayang Pilipino?
Ano ang ibig sabihin ng salitang
pagkamamamayan?
Ang pagkamamamayan ay
nangangahulugan ng pagiging
kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas.
Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay
mamamayan nito dahil may dayuhang
nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito.
Ang pagkamamamayan ay may mga basehan
o batayan at ito
ay nakapaloob sa Saligang Batas ng
Pilipinas.
Ano ang saligang batas?
Saligang Batas – ito ay ang pinakamataas na
batas ng isang bansa at nakasulat dito ang
mahahalagang batas na dapat sundin ng
bawat mamamayan.
Sino ang mga mamamayang Pilipino?
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng
Saligang Batas maituturing na
mamamayang Pilipino ang sumusunod:
1. Ang ama o ina ay mamamayang
Pilipino.
2. Mamamayan ng Pilipinas nang
pinagtibay ang Saligang Batas.
3. Mga dayuhang nagpasyang maging
mamamayang Pilipino ayon sa batas na
naturalisasyon.
4. Mga mamamayang isinilang bago
sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang
Pilipino na pinili ng pagkamamamayang
Pilipino
pagsapit ng 21 taong gulang.
Ang Batas Naturalisasyon ay isang legal na
paraan kung saan ang isang dayuhan na nais
makamit ang pagkamamamayang Pilipino.
Upang mangyari ito, dumaraan sila sa proseso
na kung tawagin ay naturalisasyon. Ito ay
pormal na paghingi ng isang dayuhan ng
pagkamamamayan sa pamahalaan.
Halimbawa: Si Juan Antonio ay isang Espanyol na
isinilang sa Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay
kapwa taga-Espanyaa. Dito na sa Pilipinas lumaki at
nagkaisip si Juan hanggang makapagtapos sa pag-aaral
at makapag-asawa. Di nagtagal, humarap siya sa
hukuman upang humiling para sa pagiging
naturalisasyon. Sa bisa ng batas, si Juan ay naging isang
mamamayang Pilipino.
Isulat sa iyong papel ang TAMA kung ang
pahayag ay tumutugon sa batayan ng
pagkamamamayang Pilipino ayon sa batas
at MALI kung hindi ito tumutugon sa
batayan ng
pagkamamamayan.
____1. Ikaw ay mamamayang Pilipino
kung mamamayan ka
ng Pilipinas bago Pebrero 7, 1973
____2. Hindi na maaaring maging
mamamayang Pilipino ang
isang dating Pilipino na piniling maging
naturalisadong mamamayan ng ibang
bansa
____3. Kapag ang isang Pilipina ay
nakapag-asawa ng isang dayuhan siya ay
hindi na maaaring maging mamamayang
Pilipino.
____4. Si Nanay at si Tatay ay isang
Pilipino, kaya ako ay isang mamamayang
Pilipino.
____5. Ang pagkamamamayan ay
nangangahulugan ng pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas
Ikaw ba ay isang mamamayang Pilipino?

Pinahahalagahan mo ba ang iyong pagiging


mamamayang Pilipino?

Sa paanong paraan mo ito pinahahalagahan?


Ang ____________ ay nangangahulugan ng
pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas
Nakasaad sa Saligang Batas ng ____ ng Pilipinas
ang mga katangian ng isang mamamayang Pilipino.
Ayon sa Artikulo ____, Seksiyon 1 ng ________
maituturing na mamamayang Pilipino.
Lagyan ng ( ⁄ ) kung ang pahayag ay tumutugon
sa pagkamamamayang Pilipino at X kung hindi.
_____1. Ang isang Pilipinong nakapangasawa
ng isang dayuhan ay hindi maaaring maging
mamamayang
Pilipino.
_____2. Hindi na maaaring maging
mamamayang Pilipino ang isang dating Pilipino
na piniling maging naturalisadong mamamayan
ng ibang bansa.
_____3. Ang mga dating dayuhan na dumaan sa
proseso ng naturalisasyon ay mamamayang
Pilipino.
_____4. Isa man sa iyong mga magulang ay
Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino.
_____5.Ikaw ay mamamayang Pilipino kung
mamamayan ka ng Pilipinas bago sumapit ang
Enero 17, 1973.
ARALING PANLIPUNAN 4
D
Pagkilala sa mga A
Pagkamamamayang Pilipino Y
2

QUARTER 4 WEEK 1
Balik-aral:

Ano ang tawag sa atin ?

Saang bansa tayo nakatira ?

Lahat ba ng nakatira sa ating bansa ay


Pilipino?
Ipanood ang awiting “ Ako ay Pilipino.
https://video.search.yahoo.com/search/
video?
fr=mcafee&p=ako+ay+pilipino+lyrics&typ
e=E211US714G0#id=1&vid=ab78aecdc202
ca99b362acc298bf0523&action=click
Ayon din sa Artikulo IV Seksiyon 4 ng
Saligang Batas ng 1987, ang isang
mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa
ng isang dayuhan ay mananatiling isang
Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang
sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.
Halimbawa: Si Henry ay ipinanganak sa
Pasig. Ang kaniyang ama ay Pilipino
ngunit ang kaniyang ina ay isang Aleman.
Si Henry ay isang mamamayang Pilipino
pa rin.
Batay naman sa Republic Act 9225 na
nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang
mga dating mamamayang Pilipino na
naging mamamayan ng ibang bansa sa
pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling
maging mamamayang Pilipino. Siya ay
magkakaroon ng dalawang
pagkamamamayan (dual citizenship).
Hal: 1Gerald Anderson – anak ng isang
Pilipino at isang Amerikano
2.Jake Cuenca – anak ng isang Pilipina at
isang Canadian
Pangkatang Gawain :
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng
Pangungusap at Mali kung hindi.
__________1.Ang pagkamamamayan ay
nangangahulugan ng pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa.
___________2. Hindi lahat ng naninirahan sa
isang bansa ay mamamayan nito dahil may
mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi
kasapi nito.
___________3. Batay naman sa Republic Act
9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria
Macapagal
Arroyo noon Setyembre 17, 2003, ang mga
dating mamamayang Pilipino na nagging
_________2. Hindi lahat ng naninirahan sa
isang bansa ay mamamayan nito dahil may
mga dayuhang nakatira dito na maaaring
hindi kasapi nito.
________3. Batay naman sa Republic Act 9225 na
nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
noon Setyembre 17, 2003, ang mga dating
mamamayang Pilipino na nagging mamamayan ng
ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayang Pilipino.
________4. Ayon din sa Seksyon 3 ng
Saligang Batas ng 1987, ang isang
mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng
isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino
maliban na lamang kung pinili niyang sundin
ang pagkamamamyan ng kanyang
napangasawa.
_______5. Hindi maituturing na mamamayang
Pilipino ang mga dayuhang nagpasiyang
maging mamamayang Pilipino ayon sa batas
ng naturalisasyon.
Ang tatay ni John ay isang Amerikano at
nanay niya isang Pilipina. Si John ba ay
maituturing bang Filipino si John ?
TANDAAN NATIN:
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan
ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa
ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng
naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito
dahil may mga dayuhang nakatira dito na
maaaring hindi kasapi nito.
Isulat ang titik ng tamang sagot
1. Anong batas ang nagbibigay ng Karapatan sa
mga Pilipino na
magkaroon ng dual citizenship?
A. RA 9225
B. RA 9226
C. RA 9227
D. RA 9228
2. Anong batas ang nagbibigay pahintulot sa mamayang
Pilipino na manatiling Pilipino kahit nakapagasawa ng
dayuhan?
A. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 1
B. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 2
C. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 3
D. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 4
3. Ilang taon dapat ang isang dayuhan na nais
magkamit ng
pagkamamayang Pilipino?
A. 18 C. 20
B. 19 D. 21
4. Ikaw ay mamamayang Pilipino kung
isinilang ka bago sumapit ang __________.
A. Enero 17, 1972
B. Enero 17, 1973
C. Enero 17, 1974
D. Enero 17, 1975
5. Dito nakasaad ang kasulatan ng isang pagka-
mamamayang Pilipino .
A. Bibliya C. Saligang Batas
B. Diyaryo D. Pasaporte
ARALING PANLIPUNAN 4
D
Pagsuri ng mga Batayan ng
A
Pagkamamamayang Pilipino Y
3
QUARTER 4 WEEK 1
Balik-aral:

Ano ang ibig sabihin ng pagkamamamayang


Pilipino?

Ano ang Saligang Batas?

Sino ang mga mamamayang Pilipino?


May dalawang uri ng mamamayang Pilipino.
Ito ay ang Likas o katutubo at Naturalisado
1. Likas o Katutubong Mamamayan – sila ay
anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa
kaniyang mga magulang o pareho ay Pilipino.
Halimbawa: Si Kaleb ay ipinanganak sa Quezon.
Ang kaniyang mga magulang ay Pilipino. Si Kaleb
ay isang katutubo o likas na Pilipino.
Si Beverly ay ipinanganak sa Pangasinan. Ang
kaniyang ama ay Pilipino ngunit ang kaniyang ina
ay isang Aleman. Si Beverly ay isang likas na
mamamayang Pilipino pa rin.
2. Naturalisadong Mamamayan – May mga dayuhan
nan ais makamit ang pagkamamamayang Pilipino.
Upang mangyari ito , dumaraan sila sa proseso na
kung tawagin ay naturalisayon. Ito ay pormal na
paghingi ng dayuhan ng pagkamamayan sa
pamahalaan. Ang mga legal prosesong ito ay
isinasailalim sa korte o hukuman.
Halimbawa:
Ang mga magulang ni Katherine ay mangangalakal
mula sa Espanya. Dinala siya sa Pilipinas noong siya
ay limang taong gulang lamang. Dito na sya nag-
aral,natutong magsalita ng wikang Pilipino at
kahanga-hangang pag-uugali. Pagtuntong niya sa
edad na 18 gulang ay nag aplay at nagsumite ng
kanyang mga
mga dokumento dahil sa kagustuhan niyang maging
Pilipino. Dahil taglay ang mga kalidad batay sa
pamantayan ng pagiging naturalisadong
mamamayan, siya ay pinagkalooban ng batas ng
Pilipinas.
Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang
dayuhan ay maaaring maging mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
Kapag nabigyan na ng pagkamamamayang
Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang
sumunod sa mga batas at kultura ng bansa.
Matatamasa rin niya ang mga karapatan ng isang
mamamayang Pilipino maliban sa mahalal sa
matataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa.
Ayon sa Batas Republika (RA 9139) “ The
Administrative Naturalization Law of 2000” ang
mga pamantayan upang ipagkalooban ng
pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan.
Ano ang dalawang uri ng pagkakalilanlan
ng isang mamamayang Pilipino?
Pangkatang Gawain:
Buuin ang graphic organizer
Tukuyin ang uri ng pagkamamamayan sa bawat
bilang. Isulat ang
(A) Likas o Katutubong mamamayang Pilipino
(B)Naturalisadong mamamayang Pilipino
_____1. Ito ay isang uri ng mamamayang
Pilipino kapag ang nanay at Tatay ay parehong
Pilipino.
_____2. Ito naman ay batay sa uri ng
mamamayang Pilipino na ang dating dayuhan ay
naging mamamayang Pilipino sa pamamagitan
ng naturalisasyon.
_____3. Si Nathan ay lumaki sa Amerika ngunit
ang kaniyang mga magulang ay parehong
Pilipino.
_____4. Ang nanay ni Samantha ay isang
Haponesa, ang tatay niya ay isang Pilipino.
_____5. Ang pamilya Lee na mga Chinese ay 5
taon nang nakatira sa Pilipinas.
Bilang isang mag-aaral na kasapi ng ating
bansang Pilipinas, Anong uri ng mamamayang
Pilipino ka nabibilang?

Ito ba ay iyong pinapahalagahan?

Bakit?
TANDAAN NATIN: May dalawang uri ng
mamamayang Pilipino. Ito ay ang likas o
katutubo at naturalisado
• Likas o Katutubong Mamamayan. Ang likas
na mamamayan ay anak ng isang Pilipino.
Maaaring isa lamang sa kanyang mga
magulang o pareho ang Pilipino.
• Naturalisadong Mamamayan. Ang
naturalisadong Pilipino ay mga dating dayuhan
na naging mamamayang Pilipino dahil sa
proseso ng naturalisasyon.
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at Mali kung hindi.
___________1. Ang likas na mamamayan ay
anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa
kanyang mga magulang o pareho ang Pilipino.
___________2. Ang naturalisadong Pilipino ay mga
dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino
dahil sa proseso ng naturalisasyon.
___________3. Kapag nagawaran na ng
pagkamamamayan ang isang dayuhan, kailangan na
niyang itakwil ang kanyang dating
pagkamamamayan at manumpa ng katapatan sa
ating bansa.
___________4. Ayon sa Commonwealth Act No.
575, ang isang dayuhan ay maaaaring maging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
naturalisasyon.
___________5. Ang Naturalisasyon ay isang legal
na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais
maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim
sa isang proseso sa korte o hukuman.
ARALING PANLIPUNAN 4
D
Pagsuri ng mga Batayan ng
A
Pagkamamamayang Pilipino Y
4
QUARTER 4 WEEK 1
Balik aral
Ano ang katutubong mamamayan?

Ano ang naturalisasyon?

Anong uri ng pagkamamamayang Pilipino


ka nabibilang?
Mga Prinsipyo ng Pagkamamayang Pilipino
ayon sa Kapanganakan

• May dalawang prinsipyo ng


pagkamamamayang Pilipino ayon sa
kapanganakan. Ito ang Jus Sanguinis at Jus Soli.
• Jus Sanguinis ang pagkamamayan kung
naaayon sa dugo o pagkamamayang ng mga
magulang o isa man sa kanila.
• Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan
ng kanilang mga magulang saan mang bansa sila
ipinanganak Ito ang prinsipyong sinusunod ng
Pilipinas.
• Ang Jus Sanguinis ay salita ring Latin na ang
ibig sabihin ay karapatan ng Dugo. Dito ang
pagkamamamayan ng isang tao ay hindi
nakabase kung saan siya ipinanganak. Kundi ang
kanyang pagkamamamayan ay mamamana sa
pagkamamamayan ng kanyang magulang.
• Ang Jus Sanguinis. Ang batang isinilang ng
isang Pilipinong magulang ay isang Pilipino
kahit na siya’y isinilang sa ibang bansa. Kapag
isinilang naman sa Pilipinas na ang mga
magulang ay parehong dayuhan. Ang
pagkamamamayan ng sanggol ay ibabatay sa
pagkamamamayan ng
kanyang mga magulang nila.
• Ang Jus Sanguinis ay salita ring Latin na ang
ibig sabihin ay karapatan ng Dugo. Dito ang
pagkamamamayan ng isang tao ay hindi
nakabase kung saan siya ipinanganak. Kundi
ang kanyang pagkamamamayan ay mamamana
sa pagkamamamayan ng kanyang magulang.
Ang Jus Soli ay salitang Latin na ang ibig
sabihin ay karapatan ng lupa. Ang
pagkamamamayan ng isang tao ay base sa
lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ay
maaaring sa teritoryo ng isang bansa.
• Ang pagkamamayang Jus soli naman ay
naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan
anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang
mga magulang. Ang ibig sabihin, kung ang
isang tao ay
ipinanganak sa isang bansa na sumusunod sa
prinsipyong ito, siya ay
ituturing na mamamayan ng bansang iyon
anuman ang pagkamamayan ng kaniyang
mga magulang.

• Ang mga magulang ay walang kanalaman


sa pagkamamamayan ng batang isinilang.
• Sa ilalim ng batas, ang isang Pilipino na
nag-asawa ng banyaga ay nananatiling
mamamayang Pilipino maliban lamang
kung dahil sa sariling kagustuhan o
kapabayaan ay iwinaksi niya ito.
Ang Jus Soli ay salitang Latin na ang ibig
sabihin ay karapatan ng lupa. Ang
pagkamamamayan ng isang tao ay base sa lugar
kung saan siya ipinanganak. Ito ay maaaring sa
teritoryo ng isang bansa.
• Ang pagkamamayang Jus soli naman ay naaayon sa
lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang. Ang
ibig sabihin, kung ang isang tao ay ipinanganak sa
isang bansa na sumusunod sa prinsipyong ito, siya ay
ituturing na mamamayan ng bansang iyon anuman ang
pagkamamayan ng kaniyang mga magulang.
• Ang mga magulang ay walang kanalaman sa
pagkamamamayan ng batang isinilang

• Sa ilalim ng batas, ang isang Pilipino na nag-asawa


ng banyaga ay nananatiling mamamayang Pilipino
maliban lamang kung dahil sa sariling kagustuhan o
kapabayaan ay iwinaksi niya ito.
Pangkatang Gawain :
Isulat ang pagkakaiba ng dalawang prinsipyo ng
pagkamamamayan ayon sa kapanganakan.
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at Mali kung hindi.
_____________1. Sa Jus Sanguinis ang
pagkamamayan kung naaayon sa dugo o
pagkamamayang ng mga magulang o isa
man sa kanila.
_____________2. May tatlong prinsipyo ng
pagkamamamayang Pilipino ayon sa
kapanganakan.
____________3. Ayon sa Jus Sanguinis
sinusunod ng mga anak ang
pagkamamamayan ng kanilang mga
magulang saan mang bansa sila ipinanganak.
____________4. Ang Jus Sanguinis ay
salitang Latin na ang ibig sabihin ay
karapatan ng lupa.
____________5. Ang Jus Soli ay salita ring
Latin na ang ibig sabihin ay karapatan ng
Dugo.
Si Alma ay ipinanganak sa Japan, anak siya ng
isang Pilipina at isang Hapon, siya ba ay isang
mamamayang Pilipino?
Ano ang kaniyang batayan sa kaniyang pagiging
mamamayang Pilipino?
TANDAAN NATIN:
May dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang
Pilipino ayon sa kapanganakan. Ito ang Jus
Sanguinis at Jus Soli.
• Jus Sanguinis ang pagkamamayan kung
naaayon sa dugo o pagkamamayang ng mga
magulang o isa man sa kanila.
• Ang Jus Soli Ang pagkamamamayan ng
isang tao ay base sa lugar kung saan siya
ipinanganak. Ito ay maaaring sa teritoryo ng
isang bansa.
Isulat sa patlang kung Jus Sanguinis o Jus Soli
ang tinutukoy ng bawat pangungusap.
____________1. Ang pagkamamayan kung
naaayon sa dugo o pagkamamayang ng mga
magulang o isa man sa kanila.
___________2. Sinusunod ng mga anak ang
pagkamamamayan ng kanilang mga magulang
saan mang bansa sila ipinanganak Ito ang
prinsipyong sinusunod ng Pilipinas.
____________3. Ang batang isinilang ng isang
Pilipinong magulang ay isang Pilipino kahit na
siya’y isinilang sa ibang bansa. Kapag isinilang
naman sa Pilipinas na ang mga magulang ay
parehong dayuhan.
____________4. Ito ay salitang Latin na ang
ibig sabihin ay karapatan ng lupa.
___________5. Ang pagkamamamayan ng
isang tao ay base sa lugar kung saan siya
ipinanganak. Ito ay maaaring sa teritoryo ng
isang bansa.

You might also like