You are on page 1of 29

4TH QUARTER

AKT I B O
PAGKAMAM
N
A
G
MAYAKTIBO
A N

IKAAPAT N
A
MARKAHAN
MO D Y U L
1

MAMAYAN
Panatang Makabayan
Hinalaw mula sa DepEd Order 54, s. 2001

Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang


sinilangan, tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang maging
malakas, masipag at marangal. Dahil
mahal ko ang Pilipinas, Diringgin ko ang
payo ng aking magulang, susundin ko
ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng
mamamayang makabayan: naglilingkod,
nag-aaral at nagdarasal nang buong
katapatan. Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap sa bansang
Pilipinas.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ano ang mga pangakong inilahad sa panata?


2. Bakit mahalagang gawin ng isang kabataang
katulad mo ang mga tungkulin at pananagutang
iyong nabasa?
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ka
makatutulong sa paglago at pag-unlad ng bansang
kinabibilangan mo?
SURIIN NATIN

Maraming mga tao sa buong mundo ang kailanman ay hindi


nakaranas o nakasaksi sa aktibo at kritikal na
pagkamamamayan.
Ang ibang mga kultura sa ilang mga bansa ay mas
pinahahalagahan ang pagsunod sa mga nasa kapangyarihan
kumpara sa aktibong pakikisangkot sa pamamahala.
SURIIN NATIN

Ang usapin ng aktibong


pagkamamamayan ay lubhang mahalaga
upang mas maimulat ang mga tao sa
ANO ANG
kanilang gampanin at responsibilidad CITIZENSH
tungo sa kanilang minimithing mas I P ?
maunlad at progresibong lipunan.
Ano ba ang ibig sabihin ng pagkamamayan o citizenship?
KONSEPTO
KONSEPTO NG
PAGKAMAMAMAYA

AMAMAMAYAN
1. LEGAL NA PANANAW
Ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa
kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado.
Tinitingnan natin ang pagkamamamayan bilang isang legal na
kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon o estado.
Artikulo IV: Pagkamamamayan

Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng
pagpapatibay ng Saligang Batas na ito;

2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng


Pilipinas;
Artikulo IV: Pagkamamamayan

3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na


ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang
Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at

4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.


Artikulo IV: Pagkamamamayan

Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay


yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na
wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin
upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang
Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang
Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring
na katutubong inianak na mamamayan.
Artikulo IV: Pagkamamamayan

Seksiyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring


mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
Artikulo IV: Pagkamamamayan

Seksiyon 4. Mananatiling angkin ang kanilang


pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang
kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng
batas, na nagtakwil nito.
Artikulo IV: Pagkamamamayan

Seksiyon 5. Ang dalawang katapatan ng mamamayan ay


salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng
kaukulang batas.
Republic Act No. 9225 o Citizenship
Retention and Reacquisition Act of 2003

Batay dito ang mga dating mamamayang Pilipino na naging


mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng
naturalisasyon ay maaaring maging mamamayang Pilipino
muli. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan
(dual citizenship).
2. LUMAWAK NA PANANAW
Isa sa mga pinakamahalagang aspekto ng
pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang pagkakabuklod-
buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
Ang kanilang pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling
inaasahan mula sa kanila ay mahalaga para sa ikatatamo
ng kabutihang panlahat.
2. LUMAWAK NA PANANAW
Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga
ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo
ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad nito sa isang
estado.
2. LUMAWAK NA PANANAW
Noong Agosto 19, 1939, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-61
taon ng kaniyang kaarawan, nagpalabas ang Pangulong
Manuel L. Quezon ng Atas Tagapagpaganap Blg. 217
(Executive Order No. 217) ng mga panuntunang sibiko at
etikal- na tinatawag na Kodigo ng Pagkamamamayan at
Kagandahang Asal- na ituturo sa lahat ng mga paaralan. Ang
mga aral ng nasabing kodigo ay nananatiling buhay at
mahalaga sa kasalukuyang panahon.
2. LUMAWAK NA PANANAW
Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang
mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang
dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang
kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.
2. LUMAWAK NA PANANAW
Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga
dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang
bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling
maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang
pagkamamamayan (dual citizenship).
Gawain 1
Panuto: Punan ang mga impormasyong kinakailangan
ng Venn diagram sa ibaba. Kopyahin sa ISANG BUONG
PAPEL ang Venn diagram na nasa ibaba. Isulat ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng legal at lumalawak na
konsepto ng pagkamamamayan.
VENN DIAGRAM

LUMALAWAK
LEGAL
Gawain 2
Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang.

Ang pagkamamamayan ay ang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa


nakatakdang batas. Sa Ingles ito ay tinatawag na (1) ______________. Sa Pilipinas, ang
pangunahing batayan ng pagkamamamayan ay ang (2) _______________. Ang isang
dayuhan ay maaaring maging isang mamamayang Pilipino ayon sa batas ng (3)
_____________. Ayon sa (4) _______________ ng Saligang Batas ng 1987, ang isang
mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang
Pilipino maliban na lamang kung pinili nyang sundin ang pagkamamamayan ng
kanyang napangasawa. Alinsunod naman sa
(5) ____________ na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Styembre
17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang
bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaari muling maging mamamayang
Pilipino.
Gawain 3
Sagutan: Isulat ang titik lamang.
1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng
isang pamayanan o estado ay mas kilala bilang:

karapatang pagkamamamay
A pantao C an
gawaing mabuting
B pansibiko D pamamahala
>
2. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987
ipinaliliwanag ang mga probisyon ukol sa mga
tunay na mamamayang Pilipino?

A Artikulo 7 C Artikulo 5

B Artikulo 6 D Artikulo 4

>
3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino?

Isinilang noong Enero 15, 1995 si Mich. Mamamayan ng Pilipinas si


A Ang kaniyang ina ay Pilipino. Pinili
niya ang pagkamamamayang Pilipino
pagsapit sa karampatang gulang.
C Abdul nang pagtibayin ang
Saligang Batas ng 1987

Ang ama ni Rachelle ay


Mga naging mamamayan
B mamamayan ng
Pilipinas
D ayon sa batas

>
4. Ang ama at ina ni Mark ay kapwa Pilipino subalit
ipinanganak at lumaki siya sa California. Si Mark ay:

parehong mamamayang mamamayang


A Pilipino at Amerikano C Amerikano lamang
mamamayang Mga naging
B Pilipino lamang D mamamayan ayon sa
batas

>
5. Nakapangasawa ng isang Australian si Via at nagdesisyon silang sa
Australia na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas
upang dalawin ang kaniyang mga magulang at kapatid sa Nueva Ecija
at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Via?

Australian, sapagkat sa Pilipino, sapagkat hindi


A Australia na siya
naninirahan.
C naman niya itinakwil ang
kanyang pagkamamamayan.
Pilipino, sapagkat madalas pa
Australian, sapagkat rin naman siyang umuwi sa
B nakapangasawa na siya
sa Australia.
D Pilipinas para dalawin ang
kanyang pamilya at
magbakasyon.

>

You might also like