You are on page 1of 41

Aralin 1: Konsepto at Katuturan ng

Pagkamamamayan (Citizenship)

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Layunin:
➢ Nasusuri ang naging pagbabago sa
konsepto ng pagkamamayan
➢ Nalalaman ang pag-unawa ng mga
mag-aaral tungkol sa katangian ng
isang aktibong mamamayan
➢ Napahahalagahan ang papel ng
isang mamamayan para sa
pagbabagong panlipunan
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
Naniniwala ka bang
IKAW ay isang PILIPINO?
May katibayan ka ba na ikaw ay PILIPINO?
Kung ikaw ay PILIPINO,
masasabi mo bang
mamamayan ka ng Pilipinas?
ANO NGA BA ANG SALITANG
“PAGKAMAMAMAYAN”?
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
Gawain 1: KATANGIAN NG
AKTIBONG MAMAMAYAN
Pamprosesong Tanong:
1.Ano-ano ang mga
katangian ng isang aktibong
mamamayan?
2.Paano ninyo nasabi na
ito ay katangian ng isang
aktibong mamamayan?

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Paksa: Ligal na Pananaw ng
Pagkamamamayan
Ang konsepto ng citizenship
(pagkamamamayan) o ang
kalagayan o katayuan ng isang tao
bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado ay maaaring
iugat sa kasaysayan ng daigdig.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Paksa: Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan
Tinatayang panahon ng kabihasnang
Griyego nang umusbong ang konsepto
ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay
binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis.
Ito ay isang lipunan na binubuo
ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang
mithiin. Ang polis ay binubuo ng
mga citizen na limitado lamang
sa kalalakihan.
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
Paksa: Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang

citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy
sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal
sa isang estado kung saan bilang isang
citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan
at tungkulin.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Paksa: Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan

Ang pagkamamamayan
ay nangangahulugan ng
pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa
ayon sa itinatakda ng
batas.
▪ Hindi lahat ng naninirahan sa
isang bansa ay mamamayan
nito dahil may mga dayuhang
Halimbawa: Mga
nakatira dito na maaaring
dayuhang naninirahan
hindi kasapi nito.
lamang sa ating bansa
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
Paksa: Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan

SALIGANG
BATAS 1987
Ito ay ang
pinakamataas na
batas ng isang
bansa at nakasulat
dito ang
mahahalagang
batas na dapat
sundin ng bawat ARTIKULO IV
mamamayan.
PAGKAMAMAMAYAN
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
SURIIN NATIN: PILIPINO O HINDI
Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Sabihin
kung ang nakasalungguhit na pangalan ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa sitwasyon.
Ipaliwanag ang sagot.

1. Si Julius ay anak ng isang

Igorot at isang Ilokano.
Naninirahan sila sa
Maynila. PILIPINO
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
SURIIN NATIN: PILIPINO O HINDI
Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Sabihin
kung ang nakasalungguhit na pangalan ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa sitwasyon.
Ipaliwanag ang sagot.

2. Nagbabakasyon sa
Pilipinas tuwing mahal
na araw si Nyro na isang
Australyano. HINDI
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
SURIIN NATIN: PILIPINO O HINDI
Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Sabihin
kung ang nakasalungguhit na pangalan ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa sitwasyon.
Ipaliwanag ang sagot.

3. Si Smith na isang Amerikano ay

nakapagpatayo ng isang malaking
kompanya sa Pilipinas. Tatlong
taon na siyang naninirahan sa
Pilipinas. HINDI
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
SURIIN NATIN: PILIPINO O HINDI
Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Sabihin
kung ang nakasalungguhit na pangalan ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa sitwasyon.
Ipaliwanag ang sagot.

4. Si Lenie ay ipinanganak
sa Cebu. Ang kaniyang ama
ay Pilipino at ang kaniyang
ina ay Hapones. PILIPINO
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
SURIIN NATIN: PILIPINO O HINDI
Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Sabihin
kung ang nakasalungguhit na pangalan ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa sitwasyon.
Ipaliwanag ang sagot.
5. Si Kapitan Ben ay isang
sundalong Pilipino na naninirahan
sa Mindanao. Nang sumiklab ang
labanan ng Abu Sayaf at militar,
siya ay tumakas kasama ang
kaniyang pamilya. HINDI
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
Artikulo 4 Section 1 ng Saligang Batas 1987
Ang sumusunod ay mamamayan ng
Pilipinas:

(1)yaong mamamayan ng Pilipinas sa

panahon ng pagpapatibay ng
saligang-batas na ito;

(2) yaong ang mga ama o mga ina ay

mamamayan ng Pilipinas;

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Artikulo 4 Section 1 ng Saligang Batas 1987
Ang sumusunod ay mamamayan ng
Pilipinas:
(3)yaong mga isinilang bago sumapit
ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit
sa karampatang gulang; at

(4) yaong mga naging mamamayan

ayon sa batas.
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
Artikulo 4 Section 2 ng Saligang Batas 1987

Ang katutubong inianak na mga

mamamayan ay yaong mga mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasya na maging mamamayang
Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito
ay dapat ituring na katutubong inianak na
mga mamamayan.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Artikulo 4 Section 3 ng Saligang Batas 1987

Ang pagkamamamayang Pilipino ay

maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Artikulo 4 Section 4 ng Saligang Batas 1987

Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang

Batas ng 1987, ang
isang mamamayan ng Pilipinas na
nakapag-asawa ng isang
dayuhan ay mananatiling isang Pilipino
maliban na lamang
kung pinili niyang sundin ang
pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Artikulo 4 Section 5 ng Saligang Batas 1987

Ang dalawahang katapatan ng

mga mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat
lapatan ng kaukulang batas.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Batay naman sa Republic Act 9225
Ang mga dating
mamamayang Pilipino na
naging mamamayan ng ibang
bansa sa pamamagitan ng
naturalisasyon ay maaaring
muling maging mamamayang
Pilipino. Siya ay
magkakaroon ng dalawang
pagkamamamayan (dual
citizenship).

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

Ang Naturalisasyon ay ang hakbang o proseso na ginagawa ng
Pamahalaan upang ang isang dayuhan ay maging Pilipino sa
mga kondisyon na dapat sundin nito sa bansa.
Ang naturalisadong mamamayan ay dapat :
▪ nasa 21 taong gulang.
▪ Sampung taon (10 years) ng naninirahan sa bansa.
▪ mahusay at malinis ang pagkatao.
▪ naniniwala sa konstitusyon ng bansa.
▪ kinakailangang may ari-arian tulad ng lupa at
matatag na hanapbuhay. -
▪ nakakapagsalita sa wikang ginagamit ng bansa.
▪ tinatanggap ang kultura ng bansa.
▪ nalalaman ang kasaysayan ng bansa.
Dalawang URI NG MAMAMAYAN

LIKAS o KATUTUBO NATURALISADO

Dating dayuhan na naging
Anak ng Pilipino, parehas mang
mamamayang Pilipino dahil sa
magulang o isa lang.
proseso ng naturalisasyon
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino

Jus sanguinis Jus soli

Naaayon sa lugar ng kaniyang
Naaayon sa dugo o
kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng mga
Pagkamamamayan ng
magulang o isa mansa kanila.
kaniyang mga magulang
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYAN
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibiduwal.
Paano kaya ito nawawala?
Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa
proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.) ang panunumpa ng katapatan sa
Saligang-Batas ng ibang bansa;
2.) tumakas sa hukbong sandatahan ng
ating bansa kapag may digmaan, at
3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
PAGLALAHAT:

Bilang isang Pilipino,

naisasabuhay mo ba ang
iyong
PAGKAMAMAMAYAN?

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

PAGTATAYA: Basahing mabuti ang sumusunod
na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa mga
salita sa loob ng kahon.

Jus Sanguinis Jus Soli Saligang Batas

Citizenship Naturalisayon Polis

1. Ang kalagayan o katayuan ng isang

tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado.

2. Kasulatan kung saan nakasaad ang

pagkamamamayang Pilipino

3. Ang pagkamamamayan ng isang

tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang
mga magulang.

4. Ang pagkamamayan ay nakabatay

sa lugar kung saan siya ipinanganak.

5. Isang legal na paraan kung saan

ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang
bansa ay sasailalim sa isang proseso
sa korte
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
MGA SAGOT
Jus Sanguinis Jus Soli Saligang Batas
Citizenship Naturalisayon Polis

1. Ang kalagayan o katayuan ng isang

tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado.
CITIZENSHIP
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
PAGTATAYA: Basahing mabuti ang sumusunod
na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa mga
salita sa loob ng kahon.

Jus Sanguinis Jus Soli Saligang Batas

Citizenship Naturalisayon Polis

2. Kasulatan kung saan nakasaad ang

pagkamamamayang Pilipino
SALIGANG BATAS
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
PAGTATAYA: Basahing mabuti ang sumusunod
na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa mga
salita sa loob ng kahon.

Jus Sanguinis Jus Soli Saligang Batas

Citizenship Naturalisayon Polis

3. Ang pagkamamamayan ng isang

tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang
mga magulang. JUS SANGUINIS
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
PAGTATAYA: Basahing mabuti ang sumusunod
na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa mga
salita sa loob ng kahon.

Jus Sanguinis Jus Soli Saligang Batas

Citizenship Naturalisayon Polis

4. Ang pagkamamayan ay nakabatay

sa lugar kung saan siya ipinanganak.
JUS SOLI
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
PAGTATAYA: Basahing mabuti ang sumusunod
na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa mga
salita sa loob ng kahon.

Jus Sanguinis Jus Soli Saligang Batas

Citizenship Naturalisayon Polis

5. Isang legal na paraan kung saan

ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa korte
NATURALISASYON
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
MGA KATANGIAN
NG ISANG
PILIPINO
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
MGA KATANGIAN AT UGALI
ng isang PILIPINO

▪ Pasasalamat
▪ Marunong makibagay at
makiangkop
▪ Maaruga at magiliw
▪ Matiyaga at malikhain
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
(Active Citizenship)

➢ Makabagong Pananaw sa Pagkamamamayan

▪ Responsableng mamamayan
▪ Taliwas sa tinatawag na standard view o
tradisyunal na pananaw – nakatuon sa
pagsunod ng batas at pagtupad sa tungkulin
na nagsisilbing kapalit ang mga karapatang
tinatamasa na itinadhana din ng batas at
inaasahang igalang at protektahan ng estado.
#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
(Active Citizenship)

➢ Ang makabagong pananaw ay nagsasabing

ang mga mamamayan ay hindi lamang
tagatanggap ng mga proyekto o programa ng
pamahalaan kundi sila din mismo ang
kumikilos at nakikilahok sa pagbuo ng mga
programa at mga patakaran ng pamahalaan.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
(Active Citizenship)

➢ May tatlong uri ng pakikilahok batay sa

makabagong pananaw hinggil sa
pagkamamamayan:

1) Personally Responsible Citizen;

2) Participatory Citizen; at
3) Just-Oriented Citizen.

#AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan

You might also like