You are on page 1of 20

Quarter FOUR: Week 2

Mga Karapatan ng Mamamayang


Pilipino
Learning Competencies:
Natatalakay ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino.
AP4KPB-IVc-2
- Natutukoy ang bawat karapatan ng mamamayang Pilipino
- Naiisa-isa ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino, at
-Napahahalagahan ang mga karapatan ng bawat Mamamayang Pilipino
Subukin Natin:
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng bawat
pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob kahon.
A – Karapatang Sibil B – Karapatang Pangkabuhayan C – Karapatang Politikal
D –Karapatan ng Nasasakdal E– Karapatang Panlipunan F- Karapatan ng mga Bata
_____1. Binigyan si G. Juan ng pampublikong abogado para maipagtanggol ang kaniyang
kaso.
_____2. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Shiela na bumoto sa kanilang lalawigan.
_____3. Hindi pinigilan si Iska ng kaniyang ama na sumapi sa relihiyon ng kaniyang
napangasawa.
_____4. Natupad ang pangarap ni Pedro na makabili ng lupa at bahay
_____5. Sina Rena at Renan ay naglalaro pagkatapos nilang walisan ang kanilang bakuran
Tayo ay Magbalik- Aral!
Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga programa ng pamahalaan para
sa kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.
PANGIMPRAESTRUKTUR
A

PANGKAPAYAPAA
PANGIMPRAESTRU PANG-
PANGIMPRAESTRU
KTURA
N KTURA
EKONOMIYA
Mga Sektor ng
Pamahalaan na
Nagtataguyod ng
mga Programa para
sa Mamamayan
PANGIMPRAESTRU
PANGKALUSUGA
PANGIMPRAESTRU PANG-EDUKASYON
KTURA
N
KTURA
Tuklasin:
Suriin:
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng
pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang
bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang
nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito.

Sino ang mamamayang Pilipino?


Madalas na ang pagkamamamayan ng isang tao ay naihahalintulad
sa kaniyang nasyonalidad. Marami ang nag-aakala na ang dalawang
salita ay magkasingkahulugan. Iba ang pagkakamamamayan ng isang tao
sa kaniyang nasyonalidad.

Ang isang taong ipinanganak sa Pilipinas ay nagtataglay ng Pilipinong


nasyonalidad at walang maaaring makapagbago noon. Ngunit maari
naman siyang magkaroon ng ibang pagkakamamamayan sa bansa ayon
sa batas ng naturalisasyon. Samakatuwid ang nasyonalidad ng isang tao
ay hindi napapalitan. Ang tanging nababago ay ang
pagkakamamamayan.
Ang Mamamayang Pilipino
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987,
maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:
• Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng
1987 noong Pebrero 2, 1987;
• Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino;
• Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa
mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino
pagsapit ng 21 taong gulang; at
• Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa
batas ng naturalisasyon
Ayon sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayang ng
Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban
na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.

Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal


Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling
maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang
pagkamamamayan (dual citizenship). Kailangan lamang na aplayan niya ito at
patunayan sa pamamagitan ng kaniyang sertipiko ng kapanganakan mula sa
Philippine Statistics Authority (National Statistics Office) na ang kaniyang mga
magulang o isaman sa kanila ay mamamayang Pilipino saan man siya ipinanganak.
Dalawang Uri ng Mamamayang Pilipino

1. Likas o Katutubong Mamamayan. Ang likas na mamamayan ay anak


ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa kaniyang mga magulang o
pareho ang Pilipino.

2. Naturalisadong Mamamayan. Ang naturalisadong Pilipino ay mga


dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng
naturalisasyon. Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan
ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.
Mga Katangian ng Isang Dayuhan na nais Maging Naturalisadong Pilipino

• Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na.


• Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy sa loob ng sampung taon. Ito ay
maaaring maging limang taon na lamang kung:
a. Ipinanganak siya sa Pilipinas
b. Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino
c. Nakapagturo siya ng dalawang taon sa pribado o pampublikong paaralan; at
d. Mayroon siyang bagong industriya o nakagawa ng isang bagong imbensyon sa
Pilipinas.
• Siya ay may mabuting pagkatao.
• Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas
• May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian sa Pilipinas.
• Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino.

• Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino.

• Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura at


kasaysayan ng Pilipinas.

Kapag nagawaran na ng pagkamamamayan ang isang dayuhan, kailangan na


niyang itakwil ang kaniyang dating pagkamamamayan at manunumpa ng katapatan
sa ating bansa
Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino
ayon sa Kapanganakan
• JUS SANGUINIS. Ang pagkamamamayan kung naaayon sa
dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa
kanila. Ito ang prinsipyong sinusunod ng Pilipinas dahil ito ay
nakasaad sa Konstitusyon ng 1987.

• JUS SOLI. Ang pagkamamamayan ay naayon sa lugar ng


kaniyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng
kaniyang mga magulang.
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng
mga ito:
1. Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
2. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit
niya ng 21 taong gulang.
4. Nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong pagkamamamayang Pilipino.
5. Napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa at
kumampi sa kaaway sa panahon ng digmaan.
6. Itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayan at nag angkin ng
pagkamamamayan ng ibang bansa (expatriation)
Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino

Ang isang Pilipino na naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa


ay maaaring maging Pilipino muli sa pamamagitan ng sumusunod na
mga paraan:
1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa
Republika ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na
miyembro ng Sandatahang lakas
Mga Dayuhan na Hindi Maaaring Maging Mamamayang Pilipino

Hindi lahat ng mga dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino ay maaaring


bigyan ng pagkamamamayan. Narito ang mga dahilan:

1. Gumamit ng dahas upang magtagumpay ang kanilang kagustuhan.


2. Sumasalungat o nagrerebelde sa nakatatag na pamahalaan.
3. Nahatulan sa kasalanang may kaugnayan sa moralidad gaya ng pagsusugal at
prostitusyon.
4. Hindi naniniwala sa kaugalian, tradisyon, at simulain ng mga Pilipino.
5. Pagiging mamamayan ng isang bansang hindi nagkakaloob ng karapatang
maging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.
Pagyamanin
Panuto: Punan ng mga salita o lipon ng mga salita ang bawat hugis na nasa
cluster map na nasa ibaba.
Mamamayan ng
Pilipinas nang Ang ama o ina ay
PANGIMPRAESTRU
pinagtibay ang
PANGIMPRAESTRU mamamayang
KTURA
Saligang
KTURABatas ng Pilipino
1987 noong Pebrero
2, 1987; Sino ang
mamamayang
Pilipino ayon sa Mga mamamayang
Mga dayuhang Saligang Batas? isinilang bago sumapit
ang Enero 17, 1973 sa
nagpasiyang maging mga inang Pilipino na
PANGIMPRAESTRU
mamamayang
PANGIMPRAESTRU pinili ang
KTURA
Pilipino
KTURAayon sa pagkamamamayang
batas ng Pilipino pagsapit ng 21
naturalisasyon. taong gulang;
Isaisip:
Saligang Batas ng Pilipinas ang mga
Nakasaad sa ______________________
katangian ng isang mamamayang Pilipino. May dalawang uri ng
pagkamamamayang Pilipino : likas o katutubo naturalisado
at______________________. May dalawang prinsipyo ng likas na
pagkamamamayan ayon Jus sa kapanganakan
Sanguinis : ang Jus Soli
______________________at ________________. Ang mga dayuhan ay
maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng prosesong
Naturalisasyon
_____________________________.

Jus Soli naturalisado

Naturalisasyon Jus Sanguinis

Saligang Batas
Isagawa:
Panuto: Iguhit ang bandila kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagka Pilipino ayon
sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987 at araw kung hindi.

______ 1. Ang batayan ng pagiging isang Pilipino ay ang Saligang Batas ng 1987 Art. IV
Sek.1
______ 2. Sa Amerika ipinanganak si Jose. Ang kaniyang mga magulang ay pinanganak sa
Amerika.
______ 3. Anak ng isang Mangyan at isang Ilokano si Pablo. Naninirahan sila sa
Pampanga.
______ 4. May magulang na parehong Pilipino.
______ 5. Si Letecia ay isang Tsino at nakapag-asawa ng Amerikano.
Pagtataya:
Panuto: Pagtugmain ang mga pahayag sa hanay A at hanay BPagtugmain
ang mga pahayag sa hanay A at hanay B.
A B
1. Pagkamamamayan ayon sa dugo ng magulang A. Dual Citizenship
2. Proseso ng pagiging mama mayan ng isang
dayuhan ayon sa batas B. Jus Saguinis
3. Pagkamamamayan batay sa lugar ng
kapanganakan C. Jus Soli
4. May dalawang pagkamamamayan D. Naturalisasyon 5.Kasulatan kung
saan nakasaad E.Saligang Batas
ang pagkamamamayang Pilipino F.Pagkamamamayan

You might also like