You are on page 1of 4

Mga Dayuhang Hindi Maaaring Pagkalooban ng

Pagkamamamayang Pilipino

1. Siya ay dayuhang nahatulan sa salang may kaugnayan sa moralidad


tulad ng pagsusugal at prostitusyon.
2. Siya ay dayuhang sumasalungat sa umiiral na pamahalaan.
3. Siya ay dayuhang gumagamit ng dahas para magtagumpay sa
kaisipan at kagustuhan.
4. Siya ay dayuhang walang paniniwala sa kaugalian, tradisyon at
simulaing maka-Pilipino.
5. Siya ay dayuhang nagging mamamayan ng bansang hindi nagkaloob
ng karapatang maging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.
6. Siya ay dayuhang naniniwala sa poligamya.
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang loob man ito
o sapilitan. Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
1.Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa.
2. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit niya
ng 21 taon gulang.
4.Tumiwalag siya sa hukbong sandatahan ng ating bansa at kumampi sa
kaaway sa panahon ng digmaan.
5. Itinakwil niya ang kanyang pagkamamamayan at nag angkin ng
pagkamamamayan ng ibang bansa.
6. Pinawalang- bisa ng hukuman ang sertipiko ng pagkamamamayang Pilipino
Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino
Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa ay
maaaring maging Pilipino muli sa pamamagitan ng mga sumusunod ng paraan:
1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas.
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang Lakas.
Mahalagang malaman kung sino ang mga mamamayang Pilipino dahil may mga karapatang
nakalaan lamang sa mga mamamayan. Halimbawa, ang Karapatan sa pagboto sa eleksyon ay
binibigay lamang sa mga mamamayang Pilipino.
Hindi rin maaaring magmay-ari ng lupa sa Pilipinas ang mga banyaga. Maraming banyaga na
nag-aasawa ng Pilipina upang makabili ng lupa at makapagpatayo ng Negosyo sa ating bansa.
Mahalaga rin malaman kung ang isang pulitiko ay katutubo o naturalisado dahil may mga
puwesto sa pamahalaan na ang unang kwalipikasyonng kandidato ay yaong pagiging katutubong
mamamayan.
GAWAING UPUAN: Isulat ang titik T kung ang salaysay ay tama at M naman kung mali.

1.Pagkakalooban ng pagkamamamayang Pilipino ang dayuhang naniniwala sa poligamya.


2.Mawawala ang Pagkamamayang Pilipino ng sino mang tumiwalag sa hukbong sandatahan
ng ating bansa at kumampi sa kaaway sa panahon ng digmaan.
3.Pagkakalooban ng pagkamamamayang Pilipino ang sumumpa sa katapatan sa Saligang
Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong gulang.
4. Ang pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang
Lakas ay muling magkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino.
5.Hindi pagkakalooban ng Pagkamamamayang Pilipino ang dayuhang sumasalungat sa
umiiral na Pamahalaan.

You might also like