You are on page 1of 3

May dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan na sinusunod sa

pilipinas. Ito ay ang:

Jus sanguinis- ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga


magulang o isa man sa kanila. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa pilipinas.
Halimbawa, kung ang isang dayuhang Indian ay nanganak sa pilipinas, ang
pakamamamayan ng kayang anak ay Indian din katulad ng kaniyang
magulang kahit sa pili[inas ito naipanganak.

Jus Soli- ang prinsipyo na naayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan


anuman ang pagkamamayan ng mga magulang. Ito ang prinsipyo na
sinusunod sa bansang amerika. Halimbawa, ang isang Pilipino na
ipinanganak sa amerika ay magiging American citizen ito kahit Pilipino ang
kaniyang mga magulang dahil sa bansang amerika siya ipinanganak.

Ipinahayag din sa saligang batas ang naturalisasyon o proseso ng pagiging


mamamayang pilipio ng isang dayuhan.
Naturalisasyon- isang hakbang ng estado na nagkakaloob sa isang
banyaga ng mga karaptan at pribilehiyo ng pagkamamamayan.
ang proseso sa pagtamo ng naturalisasyon:
1. Ang paghiling sa hukuman kung saan ipinagkaloob ang naturalisasyon
sa pamamagitan ng paghiling sa alinmang hukumang panrehiyon at
batas na pinagtibay at nilalagdaan ng pangulo.
Upang makwalipika ang isang dayuhan sa naturaisasyon ay dapat siya
ay:
1. Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na.
2. Siya ay naninirahan sa pilipinas nang tuloy tuloy sa loob ng sampung
taon. Ito ay maaaring maging limang taon na lamang kung:
a. Ipinanganak siya sa pilipinas;
b. Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino;
c. Nakapagturo siya ng dalawang taon sa pribado o pampublikong
paaralan;at
d. Mayroon siyang bagong industriya o Nakagawa ng isang bagong
imbensyon sa pilipinas.
3. Siya ay mabuting pagkatao
4. Naniniwala siya sa saligang batas ng pilipinas
5. May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian sa pilipinas
6. Nakapagsasalita at nakakasulat siya ng wikang ingles o Espanyol o
anumang wikang Pilipino
7. Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino
8. Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultua at
kasaysayan ng pilipinas.

Maari ring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng kusa at


di kusang pamamaraan.
Ang kusang pamamaraan ay ang pagtakwil sa kanyang
pagkamamamayan at pag-angkin ng pagkamamayan ng ibang bansa,
panunumpa sa katapatan ng ibang bansa sa sandalling sumapit ang
karampatang gulang at pagpasok sa serbisyo military ng ibang bansa.
Ang di kusa naman ay nagaganap sa pamamagitan ng pagkansela ang
hukuman sa kanyang naturalisasyon at pagtiwalag s sandatahang lakas
ng pilipinas sa panahon ng digmaan.
Kung maaring mawala pwedi din bumalik.
Maaring manatili at makamit muli ang pagkamamayan ng isang Pilipino
kahit na sumumpa pa siya sa pagkamamayan sa ibang bansa alinsunod
sa RA 9225 o ang pagtataglay ng dual citizenship.
Ilan sa mga mga pamamaraan ay;
1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng kongreso
3. Pagbabalik sa pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa
republika ng pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro
ng sandatahang lakas
Ang pakikilahok sa gawaing pansibiko at partisipasyong political ay mga
pagpapahayag ng pagkamamamayan. Pinangangalagaan ng 11948
universal decleration on Human Rights (UDHR) at ng 1976 international
convenant on civil and political rights (ICCPR) ang mga Karapatan at
obligasyon sa kanyang partisipasyong political. Ito ay particular na
ipinahahayag sa artikulo 29 ng UDHR na nagpapahayag… (ang bawat
isa ay may tungkulin sa kanyang pamayanan na kung maaari ay
nagtataglay ng Malaya at ganap na paglinang ng kaniyang pagkatao) at
Artikulo 25 ng ICCPR na nagpapahyag… (ang bawat mamamayan ay
marapat na magkaroo ng Karapatan at pagkakataong
A. Makibahagi sa mga gawaing pampolitika- tuwiran o sa pagkakaroon
ng kanyang inihalal na kinatawan at
B. Maghalal at maihalal

You might also like