You are on page 1of 2

"Karapatan mo, ipaglaban mo!

Biktima na nga ng karahasan, Lugmok pa sa kahirapan,


Kamatayan pa ang kahahantungan. Ano bang silbi ng demokrasya?
Nasaan na ba ang hustisya? makakamtan pa nga ba?Tunay nga bang
patas ang batas sa Pilipinas? Tulad ng mga sinasabi ng mga
manananggol o abogado sa ating bansa? Ang sabi nila, may piring si
katarungan ngunit bakit maraming nakakulong sa municipal jail o city jail
ang walang kasalanan. Inabot ng mahabang panahon bago sila
makalabas sa mga piitan, ang iba namatay na at hindi man nakasuhan.
Bakit ganoon ang hustisya sa ating bansa? Mahirap ba siya kaya hindi
niya makamit ang hustisyang kanyang hinihiling? o mayaman siya kaya
pera na lamang niya ang kapalit ng hustisyang lahat ay minimithi?
Nakasilip nga ba ang tagahatol mula sa kanyang pagkapiring? Kaya't
pagkamit sa hustisya ay sadyang kay hirap kunin.

Hustisya, kakambal ng salitang katarungan, ninanais ng mga


taong nawalan ng ari-arian, namatayan, nawalan ng dangal at
karapatang pantao. Isang halimbawa nito ay ang mga kababaihang
nawalan ng dangal dahil sa makamundong pagnanasa ng mga
kalalakihang halang ang kaluluwa. Mga sigaw, paghihinagpis, at sakit
ang namayani sa taong ginawan ng krimeng ito. Mga hinagpis at iyak
ang unang maririnig sa taong pinagsasamantalahan. Isang malaking
kawalan ang kanyang mararanasan kahit siya’y makatakas dito. Sa
tulong ng batas ang mga mapagsamantala ay napaparusahan ngunit
mas madami pa rin ang nakatatakas. Hindi lingid sa ating kaalaman ng
ating bansa ay binubuo ng dalawang uri ng pamumuhay; ang mahirap at
mayaman.

Sa panahon ngayon, may mga pulitiko na hindi pa man


nadadampian ng posas ang braso, pinalaya na. Dahil ba nagpiyansa ng
kalahating milyon? Ngunit kapag ikaw ay mahirap maaaring ang kaso
mo ay mapapawalang bisa dahil hindi mo kayang magbigay ng sapat na
halaga. Sinasabi ng marami na ang pera'y kayang bilhin lahat ngunit
naisip ba natin na kayang bilhin ng halaga ang buhay na pinahiram
lamang sa atin?Na ang iba ang kukuha nito at hindi ang Diyos na
lumikha? Minsan tayo ay napapaisip kung paano nila kayang baliktarin
ang salaysay ng isang kaawa-awang biktima kapalit ng malaking halaga
ng pera na kung iisipin ay malaking pagkakasala nila, ngunit hindi nila ito
naisip dahil sa pagkasilaw nila sa pera. Ano man uri ng krimen ang
ginawa ng isang tao dapat itong magbayad dahil saan man ito tignan sa
natural na batas ay may karampatang parusa.
Sa makabagong henerasyon ngayon marami na ang nagbago
pero huwag sana mawala ang pagkakapantay-pantay natin dahil lahat
tayo ay may karapatan na ipagtanggol ang ating katarungan at
kalayaan. Dapat na tayong magising sa katotohanan, na hindi lahat ng
bagay ay nabibili ng pera. May mga bagay na dapat gawing tama para
magkaroon ng pantay na hustisya at katarungan sa isang bansa.
Tratuhin ang bawat mamamayan bilang isang tao hindi kung ano ang
pamumuhay nito. Ang hustisya ay mahalaga sa bawat tao dahil kapag
walang hustisya ay hindi makakamit ang katarungan. Huwag matakot
sapagkat mayroon tayong karapatan upang makamit ang tunay na
katarungan.

You might also like