You are on page 1of 9

Kabataan , ang pagasa ng

bayan. Yan ang sabi nila


ngunit ,Bakit ganun ? Ang
mga kabataan na sinasabing
pagaasa ng bayan ay
nasasangkot sa
masasamang pangyayare sa
ating bansa .Kabilaan ang
ating nababalita na ang mga
ilang kabataan ay pinatay
dahil sangkot ito sa
bentahan ng droga
sinasabing nang laban ang
mga ito sa mga pulis dahil
nahulihan nila ito na may
mga shabu.Kabataang
pinatay dahil sangkot daw ito
sa bentahan ng droga at
nanlaban ang bata kaya
pinatay ng mga pulis .Sa
sitwasyon na ito aking
masasabi na mali ang
ginawa ng mga pulis sa mga
kabataang sangkot sa
bentahan ng droga ,Dahil
unang una ,Di sila Diyos
para kumitil ng buhay
.Pangalawa ,Wala tayong
karapatan na pumatay ng
ating kapwa tao .Pangatlo ,
May korte tayo para
mapatunayan nga na
nagkasala ang mga
nasabing sankot sa droga .
at Pangapat, May kulungan
tayo para sa mga taong
napatunayan nga na
nagkasala sa mata ng
korte .Ou maganda ang
ideya tungkol sa War on
drugs dahil mawawala ang
mga dik sa ating lipunan
.Droga ang syang puno’t
dulo kung bat nasisira ang
ating buhay dahil sa
paggamit ng mga ito at dahil
din sa palitan o Bentahan ng
droga sa ating bansa ay
nasisira din ang imahe ng
ating bansa .Aminin na naten
na marami talagang adik sa
ating bansang kaya’t pati
sarili natin na bansa ay ating
kinatatakutan na dahil sa
kabilaang patayan at mga
pakalat kalat na mga
bangkay sa lansangan na
may tama ng baril o binaril
.Ang mga patay raw na ito ay
mga sangkot sa bentahan ng
droga .Dahil laganap ang
bentahan ng o palitan ng
droga sa pinas ang agad na
inaaksyunan ito ni
Pangulong Rodrigo Duterte
dahil ito ang puno’t dulo ng
patayan sa ating bansa
.Ngunit, Bakit ganun
kelangan ba talaga natin na
pumatay ng sarili natin na
kababayan .Pumatatay ng
Kabataan dahil drug
adik.Pumatay ng kabataang
walang kalaban
laban.Pumatay ng walang
pagdadalawang isip.Ang
sakit isipin na maraming
namamatay at nawawalan
ng mahal sa buhay .Masakit
din isipin na humihingi sila
ng hustisya dahil sa
pagpatay ng kanilang mga
mahal sa buhay.Tao tayo
hindi Hayop kaya may
karapatan tayo na ipaglaban
ang kanilang sarili sa korte at
pagsisihan ang mga
pagkakamaling kanilang
nagawa .Karapatan din nila
na mabuhay kahit na may
mali sila na nagawa sa
buhay nila.Sana gawin nila
nang tama ang paghuli sa
mga sangkot sa bentahan ng
droga.Ginawa nila ang mga
bagay na yan dahil gipit sila
sa pera .Ang mga drug
dealers naman siguro ay
kayang magbago kung
hahanap sila ng matinong
trabaho para matustusan
ang pangangailangan ng
kanilang mga pamilya .Bat
ba sila nagbebenta ng droga
bakit nga ba ? Dahil wala sila
mahanap na mabilis na
mapapagkakitaan upang
mabigay sa mga pamilya nila
pero kabila nyan pagbalik
baliktadin man ang mundo
mali ang magbenta ng droga
upang matustusan ang
pangangailangan ng mga pamilya nila.

Alam naten na hindi tama ng pumatay ng kapwa tao natin dahil di tayo diyos
upang gawin yun. Diyos lang ang may karapatan na bawiin ang buhay na
ipinahiram nya sa atin .Sa mundong ating ginagalawan parang lahat ata ng
tao ay wala nang nagawang tama sa lipunang ito dahil hindi na nila iniisip
kung tama ba pa o mali ang mga ginagawa nila kaya’t pati sarili natin na
bansa ay ating kinatatakutan na din dahil pati administrasyon ng pulisya ay
hindi nagiisip ng tama .Patay lng sila ng patay , di nila naiisip na may pamilya
din sila na mangungulila pag nawala ang isa sa pamilya nila .San maisip din
ng gobyerno na pare pareho lang tayo na tao na may karapatang magbago at
mabuhay .Sana maisip din ninyo na kung tama ba ang pagdakip nyo sa mga
sangkot sa droga Hindi yung patay lang kayo ng patay na lang.ninyo ng
walang kalaban laban .Bakit mahihirap lng yung taeget nyo bakit hindi nyo din
bigyan pansin yung mga mayayaman na druglord o di kaya yung mga nasa
politika na sangkot sa droga.Palibhasa pera labanan sa bansang ito kahit pati
sa pagkamit ng hustisya di patas.Pagmayaman ka malinis ka pero
pagmahirap ka basura ka sa paningin nila . Sana maisip nyo na kahit nasa
mataas kayo na kinalalagyan , sana naisip nyo kahit bilang tao na lang bigyan
nyo sila ng karapatang mabuhay at ipaglaban ang kanilanh mga sarili upang
magbago.Sana din mabigyan ng hustisya ang mga kabataang pinatay ng mga
pulis .

You might also like