You are on page 1of 1

“TALUMPATI”ILLEGAL NA DROGA: MALING SOLUSYON SA PROBLEMA*

Magandang hapon sa inyong lahat. Ngayoy inyong matutunghayanang naidudulot ng


kahirapan sa ating bansa at ang epekto ng illegal na droga sa ating katawan. *“ Kapit sa Patalim”
marahil ito ang laganap sa salita o sa gawa,dito sa ating bansa.’’ Kahirapan” marahil ito na ang
sitwasyon sa bansa natin ngayon. Kapag nagsama ang dalawang ito, saan ba ito patungo? Mga
kaibigan ang patutunguhan nito ay krimen! Bakit krimen? Balikan muna natin kung ano ang
kahulugan ng kapit sa patalim at kung ano ang dala niyong lagim. Kapit sa patalim, tatlong
salita, binubuo ng labing apat na letra. Ito ang mapait na katotohanan. Bakit? Dahil sa kahirapan
hindi natin napipili kung saan ipanganganak, di natin napipili kung lumaki tayong mayaman o
mahirap.Ito ang buhay na kailangan natin itong tanggapin dahil ito ang ipinag-kaloob saatin.
Kumapit sa patalim para lang manatiling buhay “ survival of the finest” ika nga. Pero bakit sa
kabila ng kahirapan nagagawa paring paggastosan angilegal na droga na iyan? Nakakalungkot
lang isipin mga kaibigan na imbis na magtulungan, tayo pa ay naghihilaan. Nais maka-ahon sa
kahirapan, di naman gumagawa ng paraan. May ginawang paraan mali naman ang kalakaran.
Mga kaibigan di naman daan ang ilegal na droga para umahon sa kahirapan. “ Mga kabataan ang
pag-asa ng bayan” pag-asa ng bayan? Di naman gingabayan, saan napunta sa madilim na
kinabukasan! Humihithit ng rugby sa pasilyo, sumusubok ng marijuan at sigarilyo. Paano
magiging pag-asa ang kabataan kung ito ang nakasanayan.Mga kaibigigan, ang ilegal na droga
ay masama sa ating katawan. Hindi ilegal na droga ang solusyon sa ating kahiripan. Wag takasan
ang mga problema sa maling paraan. Hindi kaginhawaan ang dulot nito kundi kadilimanng
kinabukasan. Nawawala kayo sa inyong katinuan na hahantong sa krimeng ating kinakatakutan.
Kaya mga kaibigan, ilegal na droga ating iwasan. Wala itong maidudulot na maganda,
nagbubunga lang ito ng kasamaan.

You might also like