You are on page 1of 2

'Nagmamakaawa tayo': Kapa Ministry founder umapela kay Duterte

DAVAO CITY - Umapela si Kapa Ministry founder Pastor Joel Apolinario kay Pangulong Rodrigo Duterte na maawa
sa mga miyembro ng grupo na mawawalan ng trabaho."Nagmamakaawa tayo sa presidente sa paghihikahos,
enrollment ngayon.. Maawa naman kayo presidente, mahigit 1,000 mga empleyado sa fishing and banana wala
trabaho," aniya sa isang live broadcast sa social media nitong Biyernes ng gabi."Kung sakali papirmahan kayo ng
NBI, wag kayo pumirma, hindi ito makakatulong sa atin, marami sila sasabihin pero hindi ito makakatulong sa
atin.Samantala, iginiit naman ni Apolinario na isang source ang nagsabi umano sa kaniya na maayos na ang
kanilang relasyon ng Pangulo.Pastor Joel Apolinario: Pangulong Duterte, Sara tumulong upang magpatuloy ang
Kapa.Ito ay matapos tumaliwas sa kaniyang pahayag si Duterte noong Huwebes.Duterte twits Kapa ministry, warns
against investment scams"Gumawa tayo ng messenger na tutulay sa Pangulo. Tinanong ko siya okay ba i-announce
ko sa mga tao. Medyo nalihis ng landas ating contact, ewan ko lang kung totoo na nakipag-usap siya sa Pangulo,"
aniya."Yung source natin napaka reliable talaga kahit sa abogado natin."Ayon kay Apolinario, plano niyang
mangolekta ng pahayag sa bawat miyembro na ilathala ang magagandang epekto ng Kapa Ministry sa kanilang
buhay.Sinisi naman ni Apolinario ang Securities and Exchange Commission na hindi umano nirespeto ang writ of
preliminary injunction ng Kapa para makapagpatuloy ang kanilang operasyon."Pati ospital at paaralan i-freeze nila
hindi na talaga maawa ang SEC na ito. Ang SEC po ang dahilan kung bakit meron tayong problema na ito,"
aniya.Matatandaang naglabas ang SEC ng cease and desist order Pebrero laban sa Kapa Ministry. Hindi ito
tumugon at sa halip ay nagfile ng 72-hour temporary restraining order na tinanggihan ng korte.

Usap-usapan ngayon ang Kapa Community Ministry International, ang grupong itinatag ni Pastor Joel
Apolinario.Nagsimula bilang isang disc jockey (DJ) at technician sa isang FM radio station sa Bislig City, Surigao del
Sur si Apolinario. Ayon sa isang dating kasama sa trabaho, sa technician's booth ng istasyon unang naipundar ang
Kapa.Proyekto umano ito ni Apolinario para makatulong sa mga mahihirap. Isa si Emmy Gala sa mga unang
nagbigay kay Apolinario ng donasyon.Setyembre 2016 nang naaprubahan ang pagkuha ni Apolinario ng business
permit mula sa lokal na pamahalaan ng Bislig City para sa kaniyang Kapa-Co Convenience Store and General
Merchandise. Noong Marso 2017, napalitan ito at naging Kapa Community Ministry International.Pero noong
Pebrero 2017, napag-alaman ng lokal na pamahalaan na may 30 porsyentong interes na tinatanggap buwan-
buwan ang mga nakakakuha ng "blessings" sa mga donasyon.“They have no convenience store. The
recommendation of the investigation committee is to revoke the business permit," ani Mayor Librado
Navarro.Mula Bislig City, lumipat sa General Santos City ang pamilyang Apolinario at iniwan ang kanilang bahay sa
Castillo Village. Pansamantala itong tinitirhan ng isang pamilyang kaibigan ng mga Apolinario.Maraming mga taga
Bislig City ang nakinabang umano sa Kapa pero mayroon rin iba na nagsabing hindi na ulit sila magpapabiktima sa
mga tinatawag na investment scams.Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa
mga opisyal ng Kapa Ministry dahil sa pagkakaugnay ng korporasyon sa investment scam.Nauna na ring sinabi ng
Securities and Exchange Commission na posibleng isa ang pag-scam ng Kapa sa pinakamalaking scam sa Pilipinas
na aabot sa P50 bilyon ang nakuhang halaga.

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)

ni: J

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang
paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung
patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang
maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising
ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay
nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan.
Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na
gawain.
Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na
pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong
malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya
nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na
rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang
desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga
relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at
isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong
sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung
maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-
inom ng alcohol.

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon
bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong
pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-
alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman
maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit
hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay
kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay
magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon.
2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Kahalagahan ng Pamilya

Akda ni juliajuanitez

Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat
isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa
kapag may dumadating na problema.Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang
pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay
nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga ipinagbabawal na
gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay napapariwara ang buhay, ang iba ay
ginagamit itong inspirasyon sa buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap.Mahalaga ang
pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala tayong masasandalan sa panahon
ng puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong pamilya na ito ay kayang mong
humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang may buong pamilya.

Just let the thief free and forgive the thief who stole your mothers ring because god will bless you and give you
blessing to give the money to your father to buy a another wedding ring for your mom.

Thief who stole your mother's wedding ring.Because that crime isn't that serious unlike the crime where he
murdered 8 children, because taking away one life is a very serious crime how much more if it is 8 because our life
can only come to us once, and we can always buy a new wedding ring or find the stolen one.

I personally think that everything happens for a reason.

Of course you and your mother have the right to be angry. But after all that, its already been stolen so might as
well just forgive the thief, carry on, and just pray for justice to come to the thief. It was just a ring .Maybe he has a
problem with his financial needs.

You might also like