You are on page 1of 2

Halimabawa ng Pormal na Sanaysay:

“Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak”


ni: J
Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng
addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay
nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong
aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari
kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang
kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala
kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa
iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong
katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na
pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.
Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming
masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit
na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang
mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya
nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang
makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community
at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto
ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos
ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak
sa iyong mga mahal sa buhay.
Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t
naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa
iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling
paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa
iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring
makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol.
Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para
mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon
na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera
na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-
alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na
magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang
madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang
mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong
buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan
ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at
mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon.
2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o inspirasyon sa
mambabasa.

You might also like