You are on page 1of 6

TINIK NG PAG-IBIG

Iskrip sa Pagsasadula

Mga Papel:

Jashiane bilang si Constancia Owenn bilang si Mona

John Philippe bilang si Kulas J bilang si Alfonso

John Lloyd bilang si Lucio Shemaiah bilang si Magdalena

Kian bilang si Francisco/Tagapagsalaysay Sebastain bilang si Bobot

Barayti ng Wika:

Dayalek – Tagalog/Ingles (Mga tao sa Idyolek – Pabebe (Constancia)


Kompanya)
Sosyolek – Spanish (Magdalena, Lucio, and
Etnolek – Bisaya (Tribong Amanche) Alfonso)

Pambungad:

Magandang araw po. Ang kwento masusubaybayan ay umiikot sa pamilyang Mondragon na


kung saan ay kilala bilang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa buong Asya. Dahil sa angking
kayamanan, maraming nagnanais na makuha at mamana ito. Nang atakehin si Mr. Francisco sa
puso ay napilitan siyang ipamana ang kompanya sa kanyang nag-iisang anak na si Constancia
Mondragon subalit isa sa mga kondisyon para mamana ang titulo ay ang pagiging legal na kasal.
Alam ni Constancia na ‘di ganon kadali makakita ng mapapangasawa lalong lalo na’t bilang na ang
araw ng kanyang ama. Sa kabila ng mga hindi inaasahang pangayayari mula pagkadukot hanggagng
sa pagkahulog sa bangin, magiging daan na ba ito para makita ni Constancia ang kanyang
hinahanap-hanap na mapapangasawa?

Eksena 1 (Sa loob ng Opisina)

Tagapagsalaysay: Sa kasalukuyang panahon, kung saan ang mga magagarang palasyo ay napalitan
na ng mga matataas na gusali, kung saan ang mga mayayamang negosyante ay sinlakas ng mga
sinaunang hari, mata para sa mata at bisig para sa bisig, gagawin ang lahat upang matamasa ang
kapangyarihang ninanais. Simulan natin ang kwento sa loob ng opisina ng kompanya, kung saan
nakaupo sa gitna ang galante at medyong may edad na na lalaki, siya si Francisco Mondragon, ang
may-ari ng pinakamalaking kompanya sa buong Asya. Siya’y tahimik na nakaupo hanggang may ….

*Kumakatok na tunog*

Lucio & Alfonso: Magandang Araw po sa inyo, Mr. Francisco.

Francisco: Finally, nandito na kayo. Simulan na natin ang business proposal niyo.

*Binigyan ni Alfonso si Mr. Francisco ng mga papeles habang hinahanda ni Lucio ang presentasyon*

Lucio: So plano naming magpatayo ng branch here … and here …. and here.

Alfonso: Maglalagay din kami ng fresh new architectural designs for each branch na ipapatayo natin.
All you have to do is sign the papers and kami na bahala sa lahat.

*Nilagyan ni Lucio ng lason ang kape ni Mr. Francisco*

Lucio: Bago muna ang lahat, inumin mo muna yung coffee niyo baka lumamig yan.

Alfonso: Has puesto el veneno (Nalagay mo na ba ang lason?)

Lucio: Si, lo hice. (Oo, nalagay ko na.)

Francisco: Anong sinabi niyo?


Alfonso: Ay wala, wala, heto na po yung kape niyo.

Francisco: Salamat.

*Ininom ni Francisco ang kape*

Francisco: Nakapagdesisyon nako. So far, my business has been doing well and I’m contented with it.
‘Wag niyo sanang masamain pero I guess I’m turning down this offer.

*Nagpanggap na tila hindi nainis sina Lucio at Alfonso*

Lucio: Thank you sa oras na nilaan niyo para sa amin.

Alfonso: We’ll be back soon.

Francisco: Soon?

*At inatake sa puso si Mr. Francisco at isinugod agad sa ospital*

*Tunog ng ambulansya*

Eksena 2 (Sa loob ng Ospital)

*Nakahiga si Mr. Francisco sa ospital*

*Naggising si Mr. Francisco sa tunog ng pinto, nakita niya ang kanyang nag-iisang anak*

Constancia: Daddy! Okay ka lang ba? I heard na nagkaroon ho kayo ng heart attack.

Francisco: Unfortunately anak! Lumalala na yung sakit ko and wala na akong ganong oras na
natitira. May importanteng sasabihin ako sayo.

Constancia: Dad please, wag kang ganyan.

Francisco: I think oras na.

Constancia: Oras ng ano?

Francisco: Oras na para manahin mo ang kompanya natin subalit isa sa mga kondisyon para maging
CEO ang maikasal ka. Kailangan mo ng maikasal sa lalong madaling panahon. Para mas mapadali,
pakasalan mo nalang ang isa sa mga business partners ko sina Lucio at Alfonso. Papasukin mo na
sila.

*Pumasok si Lucio at Alfonso*

Lucio: Buenos dias senorita, soy Lucio, y creo que t eves preciosa hoy (Good Morning Senorita, I am
Lucio and I think you look lovely today.)

Alfonso: Es un placer conocerte, mi amor. Por cierto, soy Alfonso. (It’s a pleasure to meet you, my
darling. By the way, I am Alfonso.)

Constancia: Anong sinabi nila, Dad? I can’t understand them. Sorry, Pasensya, Patawad, pero I can’t
marry a man I just met.

*Constancia walks out*

Francisco: Pasensyahan nyo yung anak ko, she needs more time.

Alfonso: esta bien senor (It’s okay, sir)

Lucio: adios y gracia senor (thank you and good bye, sir)

*Lumabas sina Lucio at Alfonso*

Eksena 3 (Sa loob ng kwarto ni Constancia)

*Habang umiinom si Constancia ng kape*


Constancia: Handa na ba ako? Pero bago ang lahat, saan ko kaya makikita ang mapapangasawa ko.
Hmm mabuti pa matulog na ako.

*May narinig na tunog si Constancia*

*Pagtalikod ni Constancia, may nagtakip sa kanyang bibig at dinukot siya*

Eksena 4 (Sa loob ng abandonadong bodega)

*Tila nahihirapan si Constancia na tumakas habang takip ang bibig at nakatali ang kamay sa likod*

*Kinuha ni Alfonso ang takip sa bibig ni Constancia*

Constancia: Ano bang kailangan niyo sa akin? Yung kayamanan ko? Yung pera ko? Sayong sayo na
iyon. Kailangan ba talagang umabot sa ganitong punto?

Lucio: Your money? We don’t need that. What we want is revenge?

Alfonso: Queremos Venganza! (We want revenge)

Constancia: Ano? Higante? Sa ano?

*Magdalena walks in*

Constancia: At sino ka na naman?

Magdalena: Ako lang naman ang TUNAY na asawa ng inyong ama bago dumating yang Bernadeth na
‘yan sa buhay niya.

Constancia: Ano ba sinasabi niyo? At ‘bat mo dinadamay yung ina ko? Sino ka ba!

*Pagsasadula*

*Tinig ni Magdalena: Ako si Magdalena Araez, dating asawa ng iyong Ama na si Francisco Mondragon.
Masayang-masaya kami ni Francisco, bunga ng aming pagmamahal ang aking kambal, si Lucio at
Alfonso. Habang binubuntis ko sila ay nadatnan ko sa mismong ospital ang ama mo na may
kasamang ibang babae, buntis, at ito ang iyong ina na si Bernadeth Liwas. Pinapili ko siya kung ako
o yung ina mong kabet pero pinili niya yung ina mo at iniwan kami hanggang kami’y naghirap.

*Palihim na naputol ni Constancia ang mga tali, at kumuha siya ng kahoy*

*Tinig ni Magdalena: Ngayon gusto ko, kunin sa kanya ang lahat ng kayamanan para siya naman ang
maghirap, kaya ipinadala ko ang mga anak ko sa kanya upang ipaghiganti ko sila. At ngayon na nasa
amin ka na, magiging amin na yung kompanya niyo na ipapangalan sa anak ko. Sa wakas,
maghihirap na din si Francisico at ang kanyang pamilya.

*Tumawa si Magdalena at ang mga anak nito*

Magdalena: Itapon siya sa ilog!

*Hinawakan ng dalawang anak si Constancia pero nakalabas ito at hinampas ang kahoy sa ulo ng
tatlo at tumakas*

*Hinabol si Constancia ng tatlo pero nahulog ito sa bangin at di na nakita ng tatlo*

Eksena 5 (Sa lugar ng mga Tribong Amanche)

*Habang nagsasampay si Mona ay nakita niya ang walang malay na si Constancia at nilapitan ito*

Mona: Day! Day! Okay raka, Day? Bot! Kulas! Tabangi sa ko ninyo diri be!

*Lumapit si Bobot at Kulas kay Mona at sa walang malay na si Constancia*

Bobot: Kinsa mana siya?

Kulas: Gwapa lagi na siya, datu guro ni siya ba.


*Naggising si Constancia sa ingay ng tatlo*

Constancia: Hm! Aray! Teka, nasaan ako? Huh!? Sino kayo?

Mona: Unsa daw? Bot, kasabot ka?

Bobot: Ambot lang, basin makasabot si Kulas kay nagtuon mana siya og Tagalog.

Constancia: Anong pinagsasabi niyo? Nasaan ako? Tulong! Tulong!

Kulas: Miss Miss, huminahon ka. Nandito ka sa lugar naming mga tribo Amanche. Nakita ka naming
dito na walang malay.

Constancia: Baka mga kasabwat kayo nina Alfonso, bitawan niyo ako! Uuwi na ako.

Mona: Unsa daw?

Bobot: Ambot lang.

Kulas: Hindi pwede, ipagamot muna natin ang mga sugat mo.

Mona: Sugat? Kinsay sugaton?

Bobot: SHHHHH…

Constancia: Paano ba ako makasisigurado na mapagkakatiwalaan ko kayo?

Kulas: Bigyan mo kami ng pagkakataon na ipakita ang pagiging matutulungin naming. Parte ng
aming kultura ang pagpapahalaga sa mga iba kahit di namin katribo o kakilala. Hayaan mo kaming
ipakita ang pagiging makatao ng aming tribo sa iyo.

Constancia: Sige, sige, bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Aalis na ako pag nasa mabuting lagay na
ako.

Mona: Lagay daw? Lalaki diay na siya?

Bobot: Ambot nimo Mona uy. Maypag maghilom ka.

Constancia: Ay pala, ako pala si Constancia.

Kulas: Ako si Kulas. Eto naman si Bobot at Mona. Pasensyahin mo na sila ‘di sila marunong
magtagalog.

*Nagpalit ng kamay ang apat at tumungo agad sa tahanan ni Kulas upang gamutin ang mga sugat ni
Constancia*

Eksena 6 (Sa loob ng Ospital)

*Habang nagpapahinga si Mr. Francisco, pumasok si Magdalena*

*Naggising si Fransisco habang nakatingin sa kanya si Magdalena*

Magdalena: Buti na at gising ka, panahon na para kunin ko ang ‘di nararapat sayo.

Francisco: Di mo makukuha ang kompanya, mamanahin ito ng anak ko na si Constancia.

Magdalena: Constancia? Yung anak mong patay?

Francisco: Patay?

Magdalena: At kung lalala ang sakit mo, ako ang matitirang magmamana sa kompanya at
papahirapan kita gaya ng pagpapahirap mo sa amin.

Francisco: Hindi mangyayari yan at lalong lalo ng hindi patay ang anak ko.

Magdalena: Ewan ko sa iyo, lasapin mo na ang nahuhuli mong mga araw. Heh!
Francisco: Magdalena! Magdalena!

*Umalis si Magdalena sa kwarto at iniwang luhaan si Francisco*

Eksena 7 (Sa lugar ng mga tribong Amanche)

Tagapagsalaysay: Sa loob ng isang buwan nanatili si Constancia kasama ang tribong Amanche. Sa
loob ng isang buwan na ito ay natutunan niyang mahalin ang wika, kultura, at mga tao ng tribong
ito. Nagsimula din ang magandang relasyon ni Constancia sa mga tao lalong lalo na kay Kulas kaya
may ipagtatapat siya dito.

*Nagsasampay si Mona at nakita ito ni Constancia*

Constancia: Tabangin na kita, Mona. Baka magkalisud ka pa.

Mona: Okay lang. Gakamaayo naka magbisaya ha.

Constancia: Ay opo.

*Tumawa si Constancia at Mona at biglang dumating si Kulas*

Kulas: Ate Mona, hulamon sa nako si Constancia ha?

Mona: Sige sige, amping mo.

Eksena 8 (Sa hardin na puno ng bulaklak)

*Binigyan ni Kulas si Constancia ng bulaklak*

Kulas: Alam mo para tayong bulaklak at bubuyog.

Constancia: Bakit?

Kulas: Magkaiba man tayo sa iba’t ibang paraan pero magkatugma naman ang ating nararamdaman.
Constancia..

Constancia: Kulas..

Kulas & Constancia: Gusto kita.

*Nagyakapan ang dalawa*

Constancia: Panahon na yata para umuwi ako at ipakilala kita sa ama ko.

Kulas: Sasamahan kita.

Eksena 9 (Sa loob ng Ospital)

*Pumasok sina Constancia at Francisco sa kwarto habang nakaupo si Mr. Francisco*

Constancia: Dad?!

Francisco: Anak! Akala ko patay ka na, buti at nandito ka na. Kailangan mo ng bumalik sa kompanya
ngayun na.

Constancia: Una sa lahat, Dad. Nakilala ko na po yung mapapangasawa ko. Eto po si Kulas, ang
nagligtas sa buhay ko.

Francisco: Ikinagagalak kong makilala ka, Kulas. Pero gaya ng sinabi ko, wala ng oras. Ngayun
mismo yung pagpapalit ng pangalan ng kompanya kay Magdalena. Pigilan niyo sila!

Constancia: Sige po, Dad. Tara!

*Nagmamadaling lumabas ang dalawa*

Eksena 10 (Sa loob ng Opisina)


*Pumasok agad-agad si Constancia at Kulas kasama ang mga pulis*

Magdalena: Impossible!

Constancia: Kunin niyo na siya.

Magdalena: Pero bakit?

Pulis: Inaaresto po kayo sa pagtangkang pagpatay kay Constancia Mondragon, sumama na po kayo
para iwas gulo

*Humugot si Magdalena ng baril mula sa likod*

*Tinutok it okay Constancia*

Magdalena: Akala niyo ganon lang kadali?

Constancia: Tama na, Magdalena! Ganyan ba talaga kahirap magpatawad? Alam kong may
pagkakamaling nagawa ang aking ina sayo dati pero hindi dapat ito maging dahilan para tumigas ang
iyong puso, Magdalena. Buksan mo ang iyong puso at turuan mo ang iyong sarili na magpatawad.
Hindi pa huli ang lahat, Magdalena, ibaba mo ang iyong baril, at iwan natin ang lahat ng
masasamang alaala sa nakaraan. Handa ka bang magbago at magsimula muli, Magdalena?

Magdalena: Hindi!

*Napayuko si Magdalena at binaba ang baril*

*Nagbago ang isip ni Magdalena, itinaas ang ulo at baril*

*Pinutok niya ito subalit sinagip ni Kulas ang bala at inilayo si Constancia sa peligro*

*Nabitawan ni Magdalena ang baril at ‘di makapaniwala sa ginawa*

*Sinampal ni Constancia si Magdalena*

*Inaresto ang tatlo*

Constancia: Kulas! Gumising ka! Parang awa mo na! KU LAS! KULAS! KULAS!

Eksena 11 (Sa Sementeryo)

Tagapagsalaysay: Magkatapos ang ilang buwan, umabot din sa hantungan. Ang pagmamahal na
wagas ay kailanma’y di kukupas. Buhay man ang pagitan ay mananatili ang pagmamahal ng
dalawang tunay na nagmamahalan.

*Bumisita sina Constancia, Mona, Bobot sa sementeryo habang may dala na bulaklak at kandila*

Tagapagsalaysay: Pero kapag may mawawala, may dadating para punan ang mga sugat na minsan
ng nagdala ng sakit at hapdi, dadating para samahan ka sa bawat sandali, dadating para kantahan
ka ng walang hanggang himig, at dadating para tanggalin ang tinik ng pag-ibig.

*Dumating si Kulas habang bitbit ang litrato ng yumaong Mr. Francisco*

*Nagyakapan ang apat*

MAIKLING DESKRIPSYON TUNGKOL SA DULA:

Ipinakita ng dula na ito na sa kabila ng pagkakaiba ng kultura, wika, at paniniwala ay


maaari pa din ito magbunga ng pagmamahal. Lahat ng tao ay may karapatang mahalin at magmahal
sa kabila ng kanilang estado sa buhay at lipunang kinabibilangan. Kaugnay sa naging talakayan sa
wika, hindi lamang ang wikang kinalakihan ang maaaring gamitin sa pakikipag-usap sa iba ngunit
maaari din natin gamting ang wikang pambansa bilang tulay para magkaintindihan at
magkaunawaan ang dalawang taong magkaibang-magkaiba. Ipinakita ni Kulas kay Constancia na
hindi lamang umiikot ang mundo sa pera at kayamanan bagkus umiikot ito sa mga taong tunay na
nagmamahalan.

You might also like