You are on page 1of 2

Kasaysayan ng Taguig

Bago dumating ang mga Espanyol, Ang Taguig ay isang bahagi ng Kaharian ng Tondo na
pinamumunuan ni Rajah Soliman. Mayroong din mga ebidensiya na ang mga Intsik ay namalagi sa lugar
na yaon na nasiwalat kamakailan-lamang sa pagkakahukay sa mga iba't-ibang mga artifacts tulad ng
baso, tasa, mga plato at iba pang mga kagamitan, na mayroong mga karakter na Intsik. Ito ay
pinaniniwalaang nagmula sa dinastiyang Ming sa Tsina.
Ang Taguig ang isa sa mga pinakaunang kilalang teritoryo kung saan lumaganap ang kristiyanismo nang
masupil nang mga Espanyol ang isla ng Luzon sa pamamagitan ng paglalayag ni Legazpi noong 1571.
Sa pagitan ng mga taon ng 1582 at 1583, ang Taguig ay isang encomienda ng Tondo na
pinamamahalaan ng isang Alcalde Mayor, Captain Vergara. Taong 1587 nang ang Taguig ay itinatag
bilang isang hiwalay na "pueblo" (bayan) ng dating lalawigan ng Maynila. Si Juan Basi ang Kapitan mula
1587 hanggang 1588. Ayon sa mga tala, ang Taguig ay dating may siyam (9) na mga baryo;
Bagumbayan, Bambang, Hagonoy, Palingon, Sta. Ana, Tipas, Tuktukan, Ususan, at Wawa. Nakita sa
tala na ang Tipas ay naghain na nang pagnanais na maging isang independyenteng bayan ngunit ay
tinanggihan ng pamahalaang Espanyol.
Noong panahong iyon, ang Taguig ay mapupuntahan sa pamamagitan ng Ilog Pasig, na kung saan ay
konektado sa dalawang malalaking katawan ng tubig, ang Manila Bay at Lawa ng Laguna. Ang
populasyon noon ay tinatayang 800 na tributes. Ang bayan ay napagkukunan ng sapat na bigas para sa
kanilang pagkonsumo subalit may kakaunting mga tubo para dalhin sa kiskisan. Ang mga tao ay
nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda habang ang mga kababaihan ay naghahabi ng telang koton
at "sawali" mula sa mga piraso ng kawayan.
Ang mga tao ng Taguig ay kilala sa paglaban sa parehong pamamahalang kolonyal ng
mga Espanyol at Amerikano. Noong mga unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol, sinubukan ni
Don Juan Basi, "Kapitan" ng Taguig noong 1587 hanggang 1588, na pabagsakin ang pamahalaang
Espanyol subalit siya'y nabigo, at ipinatapon nang dalawang taon bilang kaparusahan. Nang bago pa
lang ang Katipunanmaraming mula sa Taguig ang naging mga tagasunod at di-naglaon ay sumali sa pag-
aalsa. Ang mga tao ng Taguig ay sumali rin rebolusyonaryong pamahalaan ni Heneral Emilio
Aguinaldo noong 6 Agosto 1898.
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, sila ay nakibaka laban sa pwersa ni Heneral Wheaton sa
ilalim ng pamumuno ni Heneral Pio del Pilar. Nasa tala rin na noong 6 Pebrero 1889, ang mga pwersa
ng Pilipino kasama ang mga "revolutionarios" ang nagpalayas sa isang kampo ng mga Amerikano sa
burol ng Taguig, na ngayon ay bahagi ng Pateros at Fort Bonifacio. Subalit natalo sila sa mga Amerikano
sa higit nitong kahusayan sa pagsasanay at magagandang kagamitan. Tuluyang napasailalim ang Taguig
sa First Washington Volunteer Infantry na pinamumunuan ni Col. Wholly.
Ang pagkatalo ng mga Pilipino matapos ang dalawang taon ng pakikibaka laban sa mga pwersang
Amerikano ang nagpasailalim sa Pilipinas sa ibang sistema ng pamamahala. Noong 14 Agosto 1898,
inukopa ng Estados Unidos ang isla at nagtatag ng pamahalaang militar kung saan si Heneral Wesley
Meritt ang itinalagang Unang Gobernador-Militar. Ginampanan niya ang kapangyarihan lehislatibong
hanggang 1 Setyembre 1900.
Sa simula ng rehimeng Amerikano, ang Taguig ay hinirang bilang isang independyenteng bayan sa
pagpapatupad ng General Order blg. 4 noong 29 Marso 1900. Ang bayan ay isinama sa
kagagawang lalawigan ng Rizal nang ipinatupad ng Komisyon ng Pilipinas ang Act. Blg. 137 sa 11 Hunyo
1901. Noong 12 Oktubre 1903, Ang Taguig, Muntinlupa at Pateros ay ipinagsama sa bisa ng Act. blg.
942 kung saan ang Pateros naghost ng pamahalaang-bayan. Ang pagsama-sama ay hindi tumagal ng
dahil makalipas ang isang buwan ang Muntinlupa ay inihiwalay at ginawang bahagi ng Biñan nang ang
Act. blg. 1008 ay ipinatupad noong 25 Nobyembre 1903. Gayunpaman, ito ay ibinalik sa Taguig noong 22
Marso 1905 sa pagpapatupad ng Act. blg. 1308. Noong 29 Pebrero 1908, ang Taguig ay ipinahayag muli
bilang isang malayang munisipalidad sa bisa Executive Order Blg. 20. Kalaunan, ang Pateros ay
nahiwalay mula sa Taguig at parehong naging malayang bayan ng lalawigan ng Rizal noong 1 Enero
1918.
Sa simula ng rehimeng Amerikano, ang Taguig ay hinirang bilang isang independyenteng bayan sa
pagpapatupad ng General Order blg. 4 noong 29 Marso 1900. Ang bayan ay isinama sa
kagagawang lalawigan ng Rizal nang ipinatupad ng Komisyon ng Pilipinas ang Act. Blg. 137 sa 11 Hunyo
1901. Noong 12 Oktubre 1903, Ang Taguig, Muntinlupa at Pateros ay ipinagsama sa bisa ng Act. blg.
942 kung saan ang Pateros naghost ng pamahalaang-bayan. Ang pagsama-sama ay hindi huling
hanggang sa isang buwan mamaya Muntinlupa ay segregated mula sa mga ito at ginawang bahagi
ng Biñan kapag Act. No 1,008 ay enacted sa 25 Nobyembre 1903. Gayunpaman, ito ay ibabalik sa
Makati sa 22 Marso 1905 sa pagpoproklama Act. No 1,308. Sa 29 Pebrero 1908, Makati ay ipinahayag
na muli ng isang malayang munisipalidad sa pamamagitan ng Executive Order No 20. Sa kalaunan,
Pateros separated mula sa Makati at sa parehong naging malayang munisipyo ng Rizal lalawigan sa 1
Enero 1918.
Sa panahon din ng Kolonya ng Amerika nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos ang 25.78 kilometro-
kwadradong ari-arian ng Taguig para sa layuning militar. Ang malaking piraso ng lupa na may TCT
petsang 1902, ay ginawang isang kampo at pagkatapos ay pinangalanang Fort McKinley (pinangalanan
alinsunod sa ika-25 na pangulo ng Estados Unidos William McKinley). Nang inukopa ng
mga Hapones ang Pilipinas noong 1942, sinakop ng Japanese Imperial Army ang Fort McKinley. Inukopa
nila ang kampo ng militar hanggang sa katapusan ng digmaan noong 1945.
Pagkatapos maging malaya nang Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946, ibiniigay ng
Estados Unidos sa Republika ng Pilipinas ang lahat ng karapatan ng pagmamay-ari, kapangyarihan,
pangangasiwa at kontrol sa teritoryo ng Pilipinas maliban sa paggamit ng mga base militar. Noong 14
Mayo 1949, ang Fort McKinley ay inilipat sa Pamahalaan ng Pilipinas sa bisa ng US embassy Note Blg.
0570.
Ang Fort McKinley ay ginawang permanenteng punong-himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong
1957 at di kalauna'y pinalitan ng pangalan patungong Fort Bonifacio alinsunod sa ng Ama
ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya, si Andres Bonifacio.
Ang pampolitikang pagkakahati ng bayan ay pinalitan nang barangay alinsunod sa pagpapatupad ng
Integrated Reorganization Plan (IRP) sa bansa noong 1970 nang ang bansa ay nasa ilalim ng Batas
Militar. Dahil sa IRP nadagdagan ang pagkakahati nito sa 18 mga barangay; Bagong Tanyag,
Bagumbayan, Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo-Tipas, Ligid-Tipas, Lower Bicutan, Maharlika,
Napindan, Palingon, Signal Village, Sta. Ana, Tuktukan, Upper Bicutan, Ususan, Wawa, at Western
Bicutan. Di kalauna'y naidagdag sa kanyang nasasakupan ang Barangay Fort Bonifacio. Noong 7
Nobyembre 1975, ang Taguig ay kinuha mula sa lalawigan ng Rizal sa para mabuo ang Kalakhang
Maynila sa pamamagitan ng Presidential decree blg. 824. Sa ngayon ang Taguig ay isa pa rin sa
labingpitong (17) mga lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila.
Taong 1998, isang batas ang ipinasa Kongreso na nagsusulong sa pagiging lungsod ng Taguig. Ang
resulta nang plebisito noong Abril ay nagpakita na ang mga mamamayan ay ayaw sa pagiging lungsod
nit. Isang petisyon ang inihain sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na muling bilangin ang naganap
na plebisito at noong 19 Pebrero 2004 inatasan ng Kataas-taasang Hukuman sa Komisyon sa Halalan na
magbilang ulit. Ayon sa muling pagbibilang marami sa mga mamamayan ang may gusto na maging isang
lungsod ang Taguig(21,105 ang 'oo' at 19,460 'hindi'). Noong 8 Disyembre 2004 ang Taguig ay ganap
nang naging lungsod.

Pinagmulan ng pangalan
Ang Taguig ay nangaling na salitang taga-giik na ang ibig sabihin ay rice thresher. Ang "Tagi-ig" ay
kalaunay naging Taguig.

You might also like