You are on page 1of 3

Bakit Kaya Nangingimay, Namimintig o

Namamanhid ang mga Kamay at Paa

April 6, 2018
698
SHARES
 Facebook  Twitter

Bakit nakakaramdam ng pangingimay, pamimintig o pagkamanhid gaya halimbawa sa paa at


kamay at sa iba’t ibang parte pa ng ating katawan?

Ayon kay Doc Willie Ong, ang dahilan nito kadalasan ay ang pagkaipit sa nerves o ugat kung
kaya nakakaramdam ng namamanhid o namimitig.

Ang pamamanhid o pamimitig ay puwedeng maramdaman sa


iba’t ibang parte ng katawan, tulad ng kamay at paa. Ang mga
nerves natin ang siyang nagbibigay ng pakiramdam sa ating
katawan at kapag naipit ito, may mararamdaman kang parang
nagtutusok-tusok,  kinu-kuryente, o parang may langgam na
Images CTTO naglalakad sa iyong kamay o paa.

Subalit kung pinisil-pisil at ginalaw-galaw mo ang iyong paa o


kamay, pagkatapos ng ilang segundo ay babalik naman agad ang ating pakiramdam.

Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagkaipit ng nerves ay ang matagalang pag-upo o pagtayo na
kung saan ay posibleng maipit ang mga nerves sa parte ng katawan na apektado tulad nga sa
kamay, sa paa at sa likod.

Ang paglalagay halimbawa ng makapal na pitaka sa likurang


bahagi ng suot na pantalon na kung saan ay madalas mo itong
maupuan ay posibleng maging dahilan sa pagkaipit ng iyong
neves sa puwitan (sciatic nerve) na magdudulot ng
pamamanhid sa hita, binti o sa paa. Ito ay tinatawag na “Fat
Wallet Syndrome”. Upang maiwasan ito, kinakailangan
Images CTTO
bawasan ang kapal ng iyong wallet o kaya naman ay ilagay na
lamang ang pitaka sa harapang bulsa upang kung ikaw ay uupo
ng matagal hindi ito maiipit.
Kung ikaw naman ay matutulog iwasan gamitin ang kamay bilang unan dahil maiipit ang mga
nerves nito na magdudulot din ng pamamanhid ng iyong kamay.

Ayon naman sa siyentipikong pananaliksik may iba pang dahilan ang pinagmumulan ng
pamamanhid o pamimitig, isa dito ay may kinalaman sa mababang lebel ng electrolytes sa

dugo tulad ng calcium, potassium at sodium. Upang makasigurado kinakailangan magpa


konsulta sa doktor upang ma check maipasuri ito sa pamamagitan ng laboratory tests.

Ang bisyong tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo ay posible din magdulot ng pagkasira
ng mga nerves kung kaya makakaramdam din ng pamamanhid o pamimitig.

Sa mga nagkaka-edad naman, ang posibleng dahilan ay ang sakit tulad ng diabetes, carpal
tunnel syndrome at stroke.

Ang solusyon upang malunasan agad ang pamamanhid ay ang magamot kaagad ang sakit
tulad ng diabetes at stroke.

Isa din sa magandang lunas ang pagkain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay at
isda, gayun din ang uminom ng vitamins araw-araw.

Images CTTO

You might also like