You are on page 1of 87

Dambana ng Panginoon

Sama-samang tutunguhin
ang tahanan ng Panginoon
Sama-samang magtitipon
sa dambana ng Panginoon
Tayo'y magalak, tayo'y magsaya!
bahay ng Poon, tunay ang ganda!
Sa Kanyang harap, kamangha-mangha
Sa Kanyang harap, tayo'y magpunta

Sama-samang tutunguhin
ang tahanan ng Panginoon
Sama-samang magtitipon
sa dambana ng Panginoon
Sa Jerusalem, tungo ng tanan
Iisang Poon, iisang angkan
Sasamba doon, mag-aawitan
Atas ng Poon, ating gampanan

Sama-samang tutunguhin
ang tahanan ng Panginoon
Sama-samang magtitipon
sa dambana ng Panginoon
Ating hilingin katiwasayan
Ating idulog para sa tanan
O Poon, dinggin bayan Mong mahal
laging gabayan at gawing banal

Sama-samang tutunguhin
ang tahanan ng Panginoon
Sama-samang magtitipon
sa dambana ng Panginoon
Katiwasayan mapasa-inyo
Bahay ng Poon ang bukal nito
Mapuspos lahat ng paririto
Laging umunlad laging lumago

Sama-samang tutunguhin
ang tahanan ng Panginoon
Sama-samang magtitipon
sa dambana ng Panginoon
Amen
At sumain niyo rin.
PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI
Batay sa himig ng Dandansoy
Musika ni Manoling V. Francisco, SJ

Panginoon, kaawaan mo kami


Panginoon, kaawaan mo kami
 
Kristo, kaawaan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami
 
Panginoon, kaawaan mo kami

Panginoon, kaawaan,
kaawaan mo kami
 
Amen
Papuri sa Diyos

Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin,
dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin.
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Pinasasalamatan Ka namin
Sa 'Yong dakilang angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng mundo
Maawa Ka sa amin, maawa Ka
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng mundo
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Sapagkat Ikaw lamang ang Banal
at ang Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang
Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama,
Amen!
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Amen
Unang Pagbasa
Mga Gawa 5:27B-32, 40B-41
Salamat sa Diyos.
Salmong Tugunan:
Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking
galak.
Ikalawang Pagbasa
Pahayag 5:11-14
Salamat sa Diyos.
Alelulya

Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya
Mabuting Balita
Juan 21:1-14
At sumainyo rin.
Papuri sa iyo,
Panginoon.
Pinupuri ka namin,
Panginoong Hesukristo.
Sumasampalataya ako sa Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat, 
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay 
Hesukristong iisang anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat; 
nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu
Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, 
ipanako sa krus, namatay inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay
na mag-uli. Umakyat sa langit, 
naluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. 
Doon magmumula ang paririto’t
huhukom sa nangabuhay at
nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa
Diyos Espiritu Santo, 
sa Banal na simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga santo, 
sa kapatawaran ng mga
kasalanan.
Sa pagkabuhay na mag-uli ng
mga namatay na tao.  

At sa buhay na walang hanggan. 


Amen.
Panalangin ng Bayan:
Panginoon, dinggin mo ang
aming panalangin.
Amen
Tanggapin ninyo

Tanggapin ninyo, O Diyos naming Ama


Nakayanan naming alay sa Inyo
Galing din po sa Inyo mga biyaya na ito
Tinapay at alak mula sa aming ani
Inyo po nawa itong ikaligaya
Kung mamarapatin po sila'y Inyong
gawing
Katawan at dugo ng Inyong Anak
Minamahal naming Hesus
Minamahal naming Hesus
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at
karangalan, sa ating
kapakinabangan at sa buong
Sambayanan niyang banal.
Amen
At sumainyo rin.
Itinaas na namin
sa Panginoon.
Marapat na siya
ay pasalamatan.
SANTO

Santo, Santo, Santong


Panginoong Diyos ng mga hukbo.
Napupuno ang langit at lupa
Ng kadakilaan mo
Osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito,
Sa ngalan ng Panginoon.
Osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana sa kaitaasan
AMING IPINAHAHAYAG

Aming ipinahahayag,
Na namatay ang iyong Anak.
Na nabuhay bilang Mesiyas
At magbabalik sa wakas
Para mahayag sa lahat.
DAKILANG AMEN

Amen, Amen
Amen, Amen
AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo kami ng aming
Kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming
Ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama
Sapagkat iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at
ang kapurihan
magpakailaman, Amen.
Amen
At sumainyo rin.
KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos na nag-aalis


ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin!
Kordero ng Diyos, maawa Ka.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin!
Kordero ng Diyos, maawa Ka.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng
mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.
Panginoon, hindi ako karapat
dapat na magpatuloy sa iyo,

ngunit sa isang salita mo


lamang ay gagaling na ako.
AWIT NG PAGHAHANGAD

O Diyos Ikaw ang laging hanap,


Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.
Ika'y pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang ‘Yong
pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking
kamay,
Magagalak na aawit ng papuring
iaalay.
Gunita ko'y Ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y
taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak.
Aking kaluluwa'y kumakapit sa ‘Yo,
Kaligtasa'y t'yak kong hawak Mo
ako.
Magdiriwang ang hari ang Diyos
S'yang dahilan.
Ang sa Iyo ay nangakong galak
yaong makakamtan.
Gunita ko'y Ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa
tuwina'y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak.
KAILANPAMAN

Kailanpaman 'di mawawalay


Pag-ibig Ko sa inyong tapat at
tunay.
Kailanpama'y h'wag mabahala
'Pagkat kapiling Ako t'wina.
'Di na mag-iisa,
Mangangamba,
mangungulila.
Kayo'y Aking hinango,
Muling sinuyo sa 'King puso.
Kailanpaman 'di mawawalay
Pag-ibig Ko sa inyong tapat at
tunay.
Kailanpama'y h'wag mabahala
'Pagkat kapiling Ako t'wina.
Kahit anong dilim,
Anong lagim ng tatahakin,
Kayo'y aalagaan,
Gagabayan kailan pa man.
Kailanpaman 'di mawawalay
Pag-ibig Ko sa inyong tapat at
tunay.
Kailanpama'y h'wag mabahala
'Pagkat kapiling Ako t'wina.
Bansang Aking sinugo,
H'wag masiphayo at h'wag
susuko.
Kayo'y pangungunahan,
'Pagsasanggalan kailan pa man.
Kailanpaman 'di mawawalay
Pag-ibig Ko sa inyong tapat at
tunay.
Kailanpama'y h'wag mabahala
'Pagkat kapiling Ako t'wina.
Amen
At sumainyo rin.
Amen
Amen
Amen
Amen
Salamat sa Diyos.
O BAYAN NG DIYOS

O Bayan ng Diyos, itaas ang kamay at


magdiwang! (at magdiwang!)
Awit ng sigla ibaling sa kalangitan,
Purihin ang Diyos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal, inaaruga na't
kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay saya (kay lalim
kay saya).
O Bayan ng Diyos, itaas ang kamay at
magsayaw! (at magsayaw!)
Liwanag ng Diyos nagpawi ng kadiliman,
pangungulila't lungkot.
H'wag nang mag-alala, puso nating aba
nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay sigla (kay
lalim kay sigla).
Kung sarili N'yang Anak pinagkaisa
N'ya sa sisinghap-singhap na bayan
nating makasarili, makasalanan.
H'wag nang mag-alinlangan pang
tayo'y Kanyang sasamahan.
Kailanma'y 'di tayo iiwan.
Kailanma'y 'di tayo iiwan.
O Bayan ng Diyos, itaas ang kamay at
magdiwang! (at magdiwang!)
Awit ng sigla ibaling sa kalangitan,
Purihin ang Diyos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal, inaaruga na't
kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay saya (kay
lalim kay saya).
O Bayan ng Diyos, itaas ang kamay at
magsayaw! (at magsayaw!)
Liwanag ng Diyos nagpawi ng kadiliman,
pangungulila't lungkot.
H'wag nang mag-alala, puso nating aba
nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay sigla!
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay sigla!
Kay lalim kay sigla!

You might also like