You are on page 1of 4

Sal Terrae - Episode 30 – January 24, 2021

Magandang araw po sa inyong lahat at samahan ninyo po ako sa


Host
pagninilay ng Salita ng Diyos dito sa Sal Terrae

Gospel Mark 1: 14-20 (The Kingdom of God is at Hand!)

Host
What is “Paradigm Shift”?

According to the Merriam Webster dictionary, a paradigm shift is an


important change that happens when the usual way of thinking about
or doing something is replaced by a new and different way.

In Tagalog, ang paradigm shift ay nangyayari kapag may


importanteng pagbabago sa nakagawian na pag-iisp o gawain.

Bagama’t nagsimula ang concept of paradigm shift sa larangan ng


Science, nagsimula na rin itong gamitin sa kahit anong kaisipan ng
tao na nagbabago.

Halimbawa, ang isang tao na lumaki sa kahirapan ay naniniwala sa


simula na ito lamang tadhana niya. Ngunit sa kanyang pagsisikap sa
mga sumunod na taon ay nagbago ang kanyang pananaw na pwede
niyang makamtam ang ginhawa sa buhay. Ang kanyang “poor”
mentality ay napalitan ng “abundance” mentality.

Nagkaroon siya ng paradigm shift.

Isa pang halimbawa, si Sandra ( hindi tunay na pangalan ) ay laging


nahihirapan sa kanyang subject na Mathematics at buong paniniwala
niya ay mahina talaga siya. May kaibigan siya na alam niyang hirap
din sa Math pero nung magkausap silang muli ay nagulat siya dahil
ang kanyang kaibigan ay matataas na ang marka sa Math. Nag-usap
sila at kanyang nalaman ang naging sikreto ng kanyang kaibigan.
Ginawa din ni Sandra ang mga ito at siya ay naging kumbinsido na
kaya niyang itaas ang kanyang mga grado sa Math.

Nagkaroon siya ng paradigm shift.


Sa ating mga pagbasa sa araw na ito, ang mga tao ay hinihikayat ng
radical na pagbabago sa kanilang mga sarili. Si Jonah ay nagbabala
sa mga taga Nineveh, si St. Paul ay nagpaalala sa mga taga
Corinthians at si Jesus ay nangaral sa pagdating ng Kaharian ng
Diyos.

Paradigm shift.

Sa ating buhay Kristiano ay hinihikayat din tayo ng Diyos na


magkaroon ng paradigm shift – from wordly cares to heanvenly
concerns, from “total fear” to “courage despite fears”, from slavery to
sin to freedom, from unhappiness to profound joy.

But we will need radical change in thoughts, words and actions to


make this 180 degree turn.

So ano nga ba ang mga dapat nating gawin?

There are 3 steps:

1. Repent ( Magsisi)

Nung sinabi ni Jonah sa mga taga Nineveh na sila ay bibigyan


na lamang ng Diyos ng 40 araw para magbago kungdi ay
magugunaw ang kanilang city, ang mga tao ay nag declare ng
fasting at nagsuot ng mga sackcloth bilang pagsisi. Kaya’t
naawa ang Diyos sa kanila at hindi itinuloy ang pag-gunaw.

2. Reassess ( Magsuri )

Sinabi ni St Paul sa mga taga Corinthians na “time is running


out” at dapat nilang suriin ang lahat ng kanilang mga sitwasyon
at relasyon kung naaayon ang mga ito sa kagustuhan ng Diyos.
Ang priority ng mga tao ay dapat nakatuon sa Diyos muna –
“Seek ye first the Kingdom of God, and all these things shall
follow”.

3. Respond ( Tumugon )

Matapos hilihin si John the Baptist ay naligalig ang mga disipulo


niya at nagbalik na lamang sa kanilang mga gawaing gaya ng
pangingisda. Dito na sinimulan ni Jesus ang kanyang ministry.
“The time has come, the Kingdom of God is at hand. Change
your ways and believe the Good News”.

Nakita ni Jesus ang magkapatid na Simon at Andrew na


nangingisda. Tinawag Niya sila at ayon sa ebanghelyo ay “ at
once, they abandoned their nets and followed Him”.

Nakita din ni Jesus ang magkakapatid na sina James and John


( sons of Zebedee ). Tinawag din Niya sila at “ immediately
they left their father in the boat with the hired men and followed
Him”.

“at once” at “immediately” denotes readiness and urgency on


the sides of the disciples. They were able to do this because
they have already repented and re-assessed their lives under
John the Baptist guidance. They understood their mission-to-
be. So once they heard Jesus calling them, they
were ready to respond.

Kaya naman po tayong lahat ng kabataan na nais na mapalapit sa


Diyos ay hinihikayat at hinahamon din ni Jesus to REPENT from our
wrong ways, to REASSESS our purpose and mission and to
RESPOND to His call to serve.

Host Tayo po ay manalangin.

Prayer Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.


Amen.

Panginoon,
Salamat po inyong walang sawa na pagpapa-alala sa aming
kabataan ng mga dapat naming gawin upang mapalapit sa iyo. Mahal
ka naming kaya kami po ay patuloy na magsisisi sa mga pagkakataon
ng pagkakamali, pagninilay kung ano ang misyon ng buhay ko at
pagtugon sa Iyong tawag ng pagmamahal at pagsisilbi sa aking
kapwa.

Amen.

Aming Ina ng Laging Saklolo


Ipanalangin mo po kami.
San Lorenzo Ruiz, patron ng Kabataang Pilipino.
Ipanalangin mo po kami.

Salamat po sa inyong pakikilakbay.


Host Kita-kita po tayo sa susunod na Sal Terrae.
God bless po.

You might also like