You are on page 1of 95

Gna October 2023

October 1
Narinig niyo na ba yung katagang “Struggle
is real”. Totoo ito noh? Dahil minsan
nararansan din natin yung struggle sa
pagsunod sa kagustuhan ng Panginoon.
Parang yung two sons sa ating gospel
ngayong araw, parehas silang hindi nagging
totoo sa mga salita nilo. Yung una eventually
sumunod
siya, pero yung pangalawa naman ay hindi.
Kaya sabi ni Jesus "Amen, I say to you, tax
collectors and prostitutes are entering the
kingdom of God before you.” Every saint has a
past and every sinner has a future. Katulad ni
St. Therese of the Child Jesus, na ginugunita
natin ngayong araw. We all know her as the
gentle saint, and yet she also struggled with the
will of God.
Kahit na noong bata pa siya, kailangan pa
niyang magpaalam sa Pope para makapasok
ng Carmel. O kaya naman noong nag struggle
siya sa pakikisama sa masungit na mga
kapatid sa community. And yet she managed
to follow God’s will and be holy. Ikaw, handa
ka ba to follow the will of God, even though
the struggle is real? G ka ba?
October 2
Natanong niyo na ba ang sarili niyo, bakit nga
ba matanong ang isang bata? Pag mayroon bata
na gustong makisali sa isang unfamiliar na laro,
una niyang tanong ay anong nilalaro ninyo? At
paano ba ang laro ninyo? Sa Gospel natin
ngayon, tinanong si Hesus, sino nga ba ang
pinakadakila sa kaharian ng Diyos? Sabi
Niya,“Whoever humbles himself like this child
is the greatest in the Kingdom of
heaven.” Bakit kaya sila ang
pinakadakila sa mata ng Diyos? Dahil
iyan sa humility and teachability ng mga
bata. Iyan ang pagkakakilanlan ng mga
dakila. Madalas, pagdating sa
pananampalataya, sasabihin natin alam
ko na yan.
And yet most of the time, we do not know
kung paano maging banal. Ikaw, handa ka
bang maging teachable sa landas ng
pagpapakabanal? G ka ba?
October 3
Minsan sa buhay, kapag merong mga taong
tila pinupuno tayo o yung sinasagad ang
pasensya natin, we exhibit the tendency to
retaliate and to wish people ill. Sa ating
gospel today, James and John’s temper flared
up. Sinuggest nila kay Jesus na parusahan
ang mga nagreject sa kanila.
Pero, ang naging tugon ni Jesus ay hindi
retaliation but calmness. Sa buhay, madalas
natin naapply yung analogy ng isang
bamboo. Kahit napakalakas ng bagyo at
hangin, ang bamboo ay nanatiling resilient.
Hindi dahil sa matigas at matayog ang
bamboo, ito ay dahil meron itong kakayahan
na magbend and to stay strong sa gitna ng
Malakas na bagyo. Ikaw, Handa ka ba to
be calm and serene even at the face of
persecutors at mga taong hindi ka gusto?
G ka ba?
October 4
Maligayang kapistahan ni St. Francis of Assisi
mga ka GNa! Wag kayo mabibigla kung
maraming pets ngayong araw sa ating mga
simbahan ha. Saktong sakto yung Gospel natin
ngayong araw kay St. Francis. Tinupad niya
yung sinabi sa Gospel na"I will follow you
wherever you go." Sa simula, naging mahirap
ang pagsunod.
Isang kabataan na nanggaling sa mayamang
pamilya, iniwan niya ang lahat para sundan si
Jesus. He even went to hostile lands para
dalhin ang pagmamahal at kapayapaan na
kanyang naranasan dahil kay Jesus. Sa
katunayan, sa sobrang dami nang nainspire
niya, mayroon siyang naging mga tagasunod
na mga pari, madre, at mga layko.
Nainspire sila dito sa isang lalakeng iniwan
ang lahat dahil sa matinding pagmamahal
ni Jesus. Ikaw, kaya mo bang sumunod kay
Jesus even if it demands you to sacrifice
all? G ka ba?
October 5
Naranasan niyo na bang mapadala sa isang
Misyon. Mahirap di ba? Pero kung titignan
natin, parang mahirap ang magmisyon ayon
sa criteria ni Jesus. Sabi sa Gospel ngayong
araw, “Behold, I am sending you like lambs
among wolves. Carry no money bag, no sack,
no sandals; and greet no one along the way.”
Ipapadala daw ang mga disciple sa mga
delikadong situation at sa mga lugar na
maraming bawal. Sigurado, mahirap ito.
Minsan sa buhay, pinapadala tayo ni Lord sa
iba’t ibang klase ng misyon. But what can
one carry when going on a mission? We
carry the mercy of God. The mercy of God
will
overcome all resentment, all rejection and
all fears. God is an ocean of mercy. Thus,
Jesus is telling us through St. Faustina:
“Let nothing frighten you or disconcert
you”. Ikaw, handa ka bang maging
instrumento ng pagpapalaganap ng awa at
kapayapaan ni Jesus? G ka ba?
October 6
Alam niyo ba ang kwento ni St. Bruno of
Cologne at ng kanyang teacher? SiDiocres
ay isang pari na kilala sa pagiging mabait
at makatao. Araw araw siyang nagmimisa
at marami ang naiinspire dahil sa galing
niya sa pagtuturo. Nang mamatay siya ay
sobrang dami ang nakipaglibing. Ngunit
nang simulan na ang misa ng paglilibing,
bumangon si Diocres at sumigaw sa lahat
“Alas, I am damned”. Yung araw araw palang
pagmimisa ni Diocres ay hindi tumimo sa
kanyang puso at marami siyang itinagong
kasalanan. Nang makita ni Bruno ito ay
naconvert siya at iniwan ang lahat. Sakto sa
Gospel ngayong araw. Sabi dito, “woe to you”.
Bihirang bihira natin mabasa sna si Jesus ay
mainis at mairita. Sabi niya “Whoever
listens to you listens to me. Whoever rejects
you rejects me. And whoever rejects me
rejects the one who sent me." Most of the
time, we look at rejection as an outright
rejection through words.
However, isang paraan din ng pag reject
sa Panginoon ay ang pagiwas sa
pagbabagong buhay at pagkakasala.
Ikaw, handa ka bang magbago ng
pananaw at gawi at sumunod kay Jesus?
G ka ba?
October 7
Alam niyo ba na isa sa mga ipininta ng
kilalang artist na si Juan Luna ay ang Battle of
Lepanto.? Ano nga ba ito at ang koneksyon
nito sa Our Lady of Holy Rosary? Naipanalo
lang naman ng mga Kristiyano ang digmaan
laban a larger Turkish force sa pamamagitan
ng pagrorosaryo.
Si Pius V, isang dominikano, kasama ang mga
Christian sailors ay walang tigil na nagdasal
ng Santo Rosaryo at inalay ang pagkapanalo
nila to the intercession of our Lady of the
Holy Rosary, na ang unang tawag ay our Lady
of Victory. Parang sa Gospel ngauying araw,
sabi dito, “I give you praise, Father of heaven
and earth”
Minsan sa buhay, dumadaan tayo sa mga
sarili nating Battle of Lepanto. Pero ang
kaganapang ito ay atunay na ang
pagrorosaryo ay malaking sandata laban sa
kasamaan. Sana makita natin ang power ng
pagrorosaryo. Dahil kapag hawak natin at
dinadasal ang santo rosaryo we will always
win over sin and evil. G ka ba?
October 8
Naranasan mo na ba yung meron kang
ipinahiram pero nung kukunin mo na para
bang ayaw nang ibalik sayo ? Ipinagkatiwala
mo sa iba pero gusto na itong angkinin? Hindi
ba nakakarelate tayo? Kagaya na lamang sa
Gospel natin ngayon, ipinagkatiwala ng
landowner ang
kanyang vineyard sa mga tenant, pero nung
gusto niya nang kunin dahil anihan na, ang
ginawa ng mga tenant ay pinatay ang mga
tauhan, maging ang anak ng Landowner. Isang
paalala ito na ang lahat ay hiram natin sa Diyos.
Walang sa atin, at hindi natin Karapatan
angkinin kung ano ang ipinahiram Niya sa atin.
Dahil ang lahat ng meron tayo dito
sa lupa ay pinagkatiwala lang at tayong mga
tao ay katiwala lamang. Dahil darating ang
panahon babalik ang lahat sa Diyos. Kaya
naman gamitin ayon sa kalooban ng Diyos
para sa ikaluluwalhati ng Diyos at kanyang
kaharian. Ikaw ba handa ka bang magbalik
at hindi mangakin? G ka ba?
October 9
Paano ba ang maging Good Samaritan?
Kapag ba tumulong ka na may picture good
Samaritan na ba yun? Pero paano naman
yung mga hindi nakikita, pero gumagawa
ng mabubuti? Sa Social media marami
tayong napapanuod na tumutulong sa
kapwa, pero marami din naman totoo.
Ang pinakanakakatakot ay yung maging
indifferent, yung may kakayahan kang
tumulong, pero mas pinipili mo ang walang
gawin dahil hindi naman ikaw ang nasa
kalagayan nila. Sakto sa Gospel natin ngayong
araw na about sa Good Samaritan. Parang
yung sabi ni Pope Francis sa kanyang
Encyclical letter na Fratelli tutti, ang pagiging
mabuting Samaritano sa panahon natin
ngayon ay embracing a spirit of fraternity and
solidarity towards all people, particularly
those who are vulnerable, marginalized, or in
need. Hindi lang kung sino ang gusto mong
tulungan kundi lahat. Ikaw, handa ka bang
maging good Samaritan sa panahon natin
ngayon na walang pinipili? G ka ba?
October 10
Natanong mo na ba ang sarili mo kung
ano ang mas gusto mo, gusto mo bang
maging katulad ni Martha na naghahanda
sa Panginoon gaya ng ginagawa ng ibang
mga server sa Simbahan – naglilingkod.
O Kaya naman si Mary na nakikinig, gaya
ng ibang tao na nagsisimba, nakikinig ng
Salita ng Diyos at isinasabuhay. Sa Gospel
natin ngayon, inilalarawan ang magkapatid. Si
Martha na aligaga sa pagaasikaso sa
Panginoon, at si Mary naman ay nakikinig sa
pangaral ng Panginoon. Magkaiba man, pero
may iisang layunin, at ito ang mapalapit sa
Diyos. Sa buhay, madalas nakatuon tayo sa
iisang aspeto lang. Pero, pwede tayong
maging parehong Martha at Mary.
Naglilingkod ka and at the same time
nakikinig ka ng Salita ng Diyos. Ikaw,
handa ka bang maging Martha na
naglilingkod at Mary na nakikinig ng Salita
ng Diyos. Ano, G ka ba?
October 11

Kilala niyo ba si Pope John XXII? Kilala din


siya sa sa tawag na The Good PopeHis humor,
together with his simplicity, humility, and joy,
were defining traits of his character. Kaya
naman hindi sya nahirapan makilala ng mga
tao. Siya rin ang nanguna sa panawagan na
buksan ang Vatican II.
Sa Gospel ngayong araw, iniimbitahan tayo na
dasalin ang unang dasal na itinuro sa atin ng
Panginoon, ang Our Father. Nagbigay
inspirasyon ang dasal na ito upang magkaroon
ng mas matibay na pananampalatay, hindi
lamang ang mga apostles, pati na rin tayong
lahat.
Masasabi natin na katulad nung ating
Gospel, ang katauhan ni John XXIII ay
source of inspiration for many people
seeking a deeper connection with their faith
Ikaw ba handa ka bang maging source of
inspiration kagaya ni Pope John the XXIII?
G ka ba?
October 12
Minsan ba tinatanong niyo ang inyong mga
sarili, bakit ba tayo nagdarasal? Dahil ba
meron kayong kahilingan o gustong
makuha? Sa ating Gospel ngayong araw,
narinig natin na sinabi ni Jesus; “ ask and
you will receive, seek and you will find,
knock and the door will be opened to you
Sa buhay natin, madalas, dinidktahan
natin ang Panginoon kung ano ang
mga dapat ibigay niya sa atin.Pero
tandan natin na kailangan natin ng
kapakumbabaan, para kung ano ang
will ni Lord sa atin, yun ang
mangyari. Ikaw, G k ba?
October 13
Naranasan niyo na ba yung
nagkaroon ng pagkakahati-hati o
factions na may kanya kanyang
cliques sa Parokya at sa komunidad
na kinabibilangan niyo? Alam natin
na gusto ni Lord na tipunin at pag-
isahin ang kanyang
mananampalataya pero alam din
naman natin sa kabila ng ating
kahinaan di maiiwasan na mayroong
mga ganitong pangyayari. Sa Gospel
natin ngayong araw, narinig natin na
sinabi ni Jesus: “whoever is not with
me is against me,
and whoever does not gather with me
scatters.” Ano nga ba yung antidote
para sa pagkaka watak-watak?
Walang iba kundi maging kaisa ni
Jesus, dahil kapag si Jesus ang nasa
center ng ating buhay sigurado tayo
na sa kabila ng ating
kahinaan hindi tayo lalamunin ng ating
pagiging makasarili, dahil bilang mga
tunay na disipulo ni Jesus, ang atin din
magiging hangarin ay maging kaisa
ang ating kapwa. Ikaw, kaisa ka ba ni
Jesus upang maging tagapag buklod ng
komunidad ng mga disipulo, G ka ba?
October 14

Natanong mo na ba ang sarili mo, ano nga ba


talaga ang gusto nating marating sa buhay?
Sigurado, lahat tayo gustong marating ang
mapagapalang buhay. Sa ating gospel ngayong
araw, the Lord challenged us “Who do you
seek to favor and bless?” Sa hamon na ito,
ipinakita sa ating
Gospel na tanging ang salita lamang ng
Diyos ang siyang magiging daan upang
marating natin ang buhay na ganap at
kasiya-siya. Kaya nga magandang pansinin
na tuwing tayo ay dumadalo sa Misa sa
parte ng pagbabasa ng Gospel tayo ay
tumatayo ito ay sumisimbolo sa pagbibigay
ng pag-galang
at papuri sa Salita ng Diyos. Kaya ikaw
ano pa ba ang aasamin mo? Handa ka
bang pakinggan ang salita ng Diyos at
isabuhay ito, G ka ba?
October 15
Nakapunta ka na ba sa isang malaki at
bonggang handaan? Ang daming pagkain,
mga decorations at ang daming tao. Minsan
maririnig mo pa yung kumakain sasabihn na
“wow heaven, ang sarap naman nitong
pagkain na toh”. Sa gospel ngayong araw,
inihalintulad ang heaven sa isang kasal ng
anak ng Hari.
Sabi dito, ”behold, I have prepared my
Banquet.” Sa buhay minsan, hahanapin natin
saan ba yung banquet natin. Pero hindi natin
napapansin na ang Banal na Misa ang siyang
Banquet na ibinigay at inihanda sa atin ng
Panginoon.
Ikaw dadalo ka ba sa isang pinging
ang Banal na Misa hindi dahil sa ito
ay obligation lamang dahil pinipili
mo ang Diyos at minamahal mo siya
ng buong-buo, G ka ba?
October 16
Sa ating buhay mahalaga ang mga
palatandaan lalo na sa isang lugar na hindi
tayo pamilyar. Lagi tayong naghahanap ng
mga palatandan na patungo tayo sa tamang
direction . Sa Gospel natin ngayong araw,
naghahanap din sila ng “palatandaan” . Sabi
dito, ”it seeks a sign”. Sa buhay, palagi
tayong maghahanap ng mga palatandaan.
Pero, isa lang ang concrete sign natin, ito ay
si pagmamahal ni Lord. Parang yung itinturo
ng ating Santa ngayong araw si St. Mary
Margaret Alacoque, alam natin na sa
madreng ito nagpakita ang Sacred Heart of
Jesus.
Itinuturo rin sa atin na ang devotion sa
Mahal na puso ni Hesus, ang isa ding
concrete sign ng lubos na pagmamahal ni
Jesus sa sangkatauhan. Ikaw ba maaari ka
din bang maging “sign” o “tanda” ng pag-
ibig ng Diyos para sa ating kapwa? G ka
ba?
October 17
Madalas natin naririnig sa ating mga
magulang yung “maghugas ng kamay”.Pero
minsan nakakalimutan natin ito. Naalala ko
yung Gospel natin ngayong araw. Nagagalit
ang mga pharisees kay Jesus dahil hindi niya
inoobserve ang law na maghugas ng kamay
bago kumain. Sabi dito, “although you
cleanse
The outside, you are pure evil and
plunder on the inside. Sa buhay, madalas
ang nililinis natin yung panlabas lang,
para maging maayos tayo, maganda
tignan. Pero, mas mahalaga pa rin yung
panloob na kalinisan. Ikaw, handa ka
bang linisan ang iyong puso? G Ka ba?
October 18
Narinig n’yo na ba yung katagang “Nominal
Catholics?” Ito yung mga katoliko lang sa
pangalan at hindi naman nagsasabuhay ng
teachings of the faith. Marami ang
nabinyagan, pero kaunti lang ang nagsisimba.
Marami daw sa population natin ay Catholic,
pero ilan lang sa atin ang
evangelizers. Sabi sa gospel, the harvest is
abundant but the laborers are few.” Tinatawag
tayo na maging mga aktibong witnesses at
lively participators sa ating pananampalataya.
Ngayong araw ay Feast day ni St Luke. Siya ay
isa sa apat na nagsulat ng Gospels.
Ipinalaganap nya ang kwento ng ating
Panginoon sa iba’t ibang lugar. Sa kanyang
isinulat na ebanghelyo,
makikita natin ang mercy and goodness of
God. Sa ating pagiging mabuti sa ating kapwa
ay ipinahahayag na natin ang Mabuting Balita
ng Panginoon na nahahayag sa ating mga
gawa at halimbawa. Ikaw, handa ka bang
maging aktibong tagapaghatid ng mensahe ng
kabutihan ng Diyos? G ka ba?
October 19
Masakit sa damdamin kapag nakakarinig
tayo ng puna mula sa iba at yung para bang
jinujudge nila tayo. Sa gospel ngayong araw,
sinasaway ni Hesus ang mga scholars of the
law na hindi nagagampanan ang kanilang
tungkulin bilang mga teacher of the true
meaning of the Scriptures. Sa aming mga
pari, masakit din po kapag
may mga batikos kung sa tinggin ng iba ay di
na nagiging totoo sa aming tungkulin at
nagiging hadlang pa sa iba. Na-aappreciate
namin ang mga lumalapit at with all sincerity
na magsasabi ng ilang mga paala-ala o kaya ay
pagtatama. When we humble ourselves and be
open to corrections, it help us mature spiritually
and avoid becoming
obstacles to others’ faith. Iakay natin ang
ating kapwa tungo sa kabutihan at
kabanalan. Huwag nating hayaan na ang
ating mga kilos at pag-uugali ay maging
sanhi ng pagkaligaw ng pananampalataya
ng iba. Handa ba tayong maging
instrumento na tumutulong ilapit ang ating
kapwa tungo kay Lord? G ka ba?
October 20
Ipokrito ka! Ipokrita ka! Tinamaan ka ba
dun? Masakit noh? Bakit masakit kapag
sinabihan tayo na ipokrito? Sa Greece, ang
hypocrite daw ay tumutukoy sa mga Theatre
Actors na nakasuot ng maskara. Wala
namang problema kung sa stage lang ito at
para sa sining, pero kung sa totoong
buhay na ay may maskara pa ring suot, ibang
usapan na yata ito. Kaya binatikos ni Hesus
ang mga Pariseo sa gospel natin ngayon araw.
Ito ay dahil nagkukunwari lamang sila na
matuwid ngunit baluktot ang kanilang mga
intensyon, o pakitang-tao lang. Binibigyan
tayo ng warning ni Hesus sa pagiging
mapagimbabaw. Tinatawag tayo na magmuni-
muni sa katotohanan
Tandaan natin na mas mahalaga kung
ano ang nasa kalooban natin. Sa puso
natin makikita ang pagmamahal,
kabutihan, at katapatan na ikaw at ang
Diyos lang ang nakakaalam. Ikaw, G
ka ba na maging honest and sincere sa
iyong puso at kalooban at hindi
pakitang-tao lang?
October 21
Naranasan mo na ba na yung biglaan kang
pinagbigay ng speech sa harap ng
maraming tao? Nakakakaba di ba? baka
kasi bigla ka na lang ma-mental block.
Bigla ka na lang mapapapadasal sa Holy
Spirit na tulungan ka. Sa gospel natin
ngayon, itinuturo ni Hesus na ang Holy
Spirit ay ating kakampi at tagapagtanggol.
Ang Holy Spirit ang magkakaloob ng
wisdom at guidance sa sinumang disciple
ni Jesus. Sa kagipitan, siya ang ating
“ayuda.” We can rely on the Holy Spirit to
provide us with the right words and
discernment when there are opportunities
to share our faith. Kailangan lang natin ay
willingness
to be open kung saan man tayo dadalhin ng
Banal na Espiritu. Kapag ibinabahagi ang
message ni Jesus, handa man tayo o hindi ay
tiyak na gagabayan tayo ng Espiritu Santo
kung magtitiwala tayo sa kanya. G ka ba to
trust the Holy Spirit and embrace that he
will teach you everything you need?
October 22
Nabudol ka na ba? Yung umorder ka online
pero ibang iba sa nasa picture, yun pala,
scam! Ang kwento sa gospel natin ngayon
ay sa pagitan ni Hesus at ng mga Pariseo na
nagtatangkang i-trap at budulin si Hesus by
throwing a question about paying taxes to
Caesar. Kung sabihin kasi ni Hesus na
hindi dapat na ibigay ang
tax sa Cesar, magagalit sa kanya ang mga
Romans at pwede siyang tawaging rebelde na
hindi sumusunod Roman authority. Kung
sabihin naman n’ya na dapat ibigay ang tax,
magagalit naman ang mga kapwa n’ya Hudyo
at titingnan syang traydor sa kanilang bayan.
Humingi sya ng isang barya, at matalinong
sinagot ang iba. Sabi pa nya, “Give to Caesar
what belongs to Caesar and to God what
belongs to God.” Pareho nyang binigyan ng
pagpapahalaga ang dalawa. Sa buhay,
minsan binobola pa natin si Lord sa
panalangin. Pero lagi natin tatandaan, alam
n’ya kung ano ang nasa puso natin. Hilingin
natin sa kanya na always guard our hearts
from arrogance, doubt, and any actions that
may test his goodness. G ka ba?
October 23
Madalas natin naririnig yung mga katagang
“isa lang ang buhay, maikli lang, ingatan mo
na.” Bakit nga ba? Dahil isa ito sa mga
mahahalagang biyaya na ating natanggap
mula sa ating Panginoon a Sa Gospel natin
ngayon, the Lord is reminding us to focus
ourselves on the greatest gift we have
received from Him - and that is the gift of l
Life. Narinig natin ang isang mayamang
lalaki na mas binibigyang halaga ang
kanyang mga material na kayamanan.
Ngunit, muli tayong pinapaalalahanan ng
ating Panginoon, that life is short. Kapag
tinawag na tayo ng Panginoon, hindi na natin
madadala ang lahat ng ating kayamanan sa
langit. Ang dami nating gustong i-value sa
ating buhay. And as I celebrate my 61st
birthday today, maging aral nawa sa atin
na ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng
Diyos ay ang pinakamahalagang yaman
na ating matatanggap mula sa kanya. Let
us value life more than anything else. G
ka ba?
October 24
Nakahanda ka ba sa muling pagdating ng
ating Panginoon? Marahil marmi sa atin
nagsasabi na hindi pa. Sa Gospel natin
ngayong araw, maririnig natin kung paano
tayo magiging handa sa kanyang muling
pagdating. We can see an unusual image of a
master of a household putting on an apron in
response to his servant's faithfulness and
vigilance. Makikita natin ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng oras at panahon sa
paglilingkod. Gaya ng santong inaalala natin
ngayong raw. Nakita natin sa pamumuhay ni
St. Anthony Mary Claret kung paano siya
naging handa at naglaan ng oras upang
maglingkod sa kapwa at sa Diyos. Bilang
founder ng Claretian missionaries, ginamit
niya ang kanyang oras at husay sa
paglilingkod sa kapwa, paglalaganap ng
salita ng Diyos, at pamarisan ang buhay ni
Hesus. Ikaw, handa ka bang maglaan ng
oras at panahon para sa paglilingkod sa
kapwa at sa Diyos? G ka ba?
October 25
Paano nga ba natin tinitingnan ang posisyon at
estado natin sa bahay, lalo na sa panahon
ngayon? Narinig natin sa Gospel natin ngayon
kung paano pinuri ng ating Panginoong Hesus
ang tapat at matalinong alipin dahil sa kanyang
pagiging pagkamaingat. Sa buhay, mapapaisip
tayo, "What does it mean to be a wise and
faithful servant?"
Pinapaalalahanan tayo ng Panginoon na hindi
sapat ang mga achievements, recognitions, at
positions natin kung hindi natin ito ginagamit
ayon sa kalooban ng Panginoon. Tayong lahat
ay alipin at katiwala ng Panginoon sa
paglalaganap ng kanyang kaharian dito sa
lupa. Ang pagiging katiwala ay paanyaya sa
atin na makibahagi at maging katuwang sa
pagbuo ng payapang komunidad ng
mananampalataya. Gaya ng sinabi ng writer
na si Richard Rohr sa kanyang librong Adam's
Return, "It is true that your life is not about
you. I live now not my whole life but the life
of Christ who lives in me." Ikaw ba , handa
ka bang maging matalino at tapat na katiwala
ng ating Panginoon? G ka ba'?
October 26
Ilang beses na siguro natin narinig ang
katagang, "The truth hurts but the truth will
set you free." Sa mga nangyayari sa atin
ngayon sa ating buhay, hindi ba't kapag
sinabi mo ang katotohanan, madami ang
magagalit. May mga nag-aaway at nasisirang
relasyon dahil sa paglaganap ng fake news
and disinformation. Sabi ni Hesus sa ating
Gospel ngayong araw, "Naparito ako upang
magdala ng apoy sa lupa..." Hindi ba't parang
nakakagulat dahil sinabi niyang hindi
kapayapaan ang kanyang dinala kundi
pagkakabahagi-bahagi. Alam naman nating
ang turo ni Hesus ay pag-ibig, kapayapaan, at
pagkakaisa. Pero bakit sinabi niya ang ganito?
Kung titignan natin, maari nating ihalintulad
ang apoy na sinabi ni Hesus bilang ang Apoy
ng Kapayapaan - the fire of Truth. Lagi tayong
nirremind ni Lord na ituwid ang mga mali at
kasinungalingan sa pamamagitan ng pagsasabi
ng katotohanan lamang. Many followers and
believers of Christ have suffered, persecuted,
and hated for preaching the truths of the
Gospel.
Ikaw, handa ka bang maging
laging tapat sa iyong mga
sinasabi at ginagawa. G ka ba?
October 27
Naranasan mo na ba yung bago ka umalis ng
bahay, napansin mo na parang makulimlim
kaya nagdala ka ng payong ? Likas sa ating
mga Pilipino ang tumitingin sa mga signs sa
ating kapaligiran upang malaman at maging
handa sa mga posibleng mangyayari.
Marami din ang mga
naniniwala sa mga pamahiin. Ganito ang
mga tao na tinutukoy ni Hesus sa
Ebanghelyo natin ngayon araw. Naniniwala
sila sa mga signs na meron sa kapaligiran
pero hindi nila pinapansin ang mga babala
at turo ni Jesus tungkol sa kanilang mga
ginagawa. Hindi rin tayo nalalayo sa mga
ganitong kaugalian. Mas pinaniniwalaan
natin ang mga superstitions
and signs na hindi angkop sa turo ni
Hesus. Paanyaya sa atin na alamin at
basahin ang sign of the times. We learn
from the world of its current state and
from there we discern in light of the
Gospel. Pinapaalalahanan tayo na isabuhay
ang mga aral at turo ni Hesus ng
pagbabagong buhay at pagbabalik loob sa
kanya. G ka ba?
October 28
Kanina habang naglalakad lakad ako, may
narinig akong tatlong magkakaibigan na
naguusap-usap. Yung isa sabi niya, pinili
ako pero di ako minahal, yung isa naman
ang sabi minahal ako pero di naman
pinili. Sumagot yung isa nilang kasama
ng ako hindi na pinili hindi pa minahal,
hindi na tayo nakajackpot. Naalala ko
bigla yung Gospel natin ngayong araw.
Pinili na ni Hesus ang kanyang Disciples o
mas pamilyar sa atin bilang the twelve
disciples, sabi dito “ he called his disciples
to himself, and from them he chose the
Twelve. Minsan sa buhay, mararanasan
natin yung hindi tayo pinipili, hindi tayo
minamahal, at hirap na hirap tayo
makita yung hinahanap nating jackpot.
Pero kay Lord, sigurado Jackpot ka.
Bakit? Kasi pinili ka na niya, minahal
ka pa niya. Total package ika nga. G ka
ba?
October 29
Kahapon, napagkwentuhan natin yung minahal
at pinili, ngayong araw naman,
pagkkwentuhan natin yung equal love. Ano
nga ba ang ibig sabihin ng equal love o yung
pantay na pagmamahal para sayo ? Eto ba
yung kapag pinakitaan ka niya ng kabutihan o
pagmamahalay susukulian mo
rin siya ng same amount of love na
binibigay niya? Sa Gospel natin ngayong
araw, tinanong si Hesus kung ano ba ang
greatest commandment. Ang sabi niya, “you
shall love your God with all your heart, with
all your soul and with all your mind.” At
and sumunod ay “You should love your
neighbor as you love yourself.”
Minsan sa buhay natin, nagiging makasarili
tayo pagdating sa pagmamahal sa ating
kapwa. Pero ang paalala sa atin ni Hesus
ngayong araw, hindi mo pwedeng mahalin
si Lord kung hindi mo minahal ang kapwa
mo at ang sarili mo. Ikaw, handa ka ba na
magbigay ng equal love sa sarili at sa iba?
G ka ba?
October 30
Naalala niyo ba kung ano yung
pakiramdam mo paggising mo at wala ka
nang sakit? Ang sarap sa pakiramdam
noh? Yung wala nang masakit sa katawan
mo, hindi ka na nahihilo at ready ka na
ulit gumalaw at kumilos. Para bang isang
miracle and you are set free. Naalala ko
yung Ebanghelyo ngayong araw.
Jesus healed a crippled woman, at sabi
Niya matapos niya itong pagalingin ay
“Woman, you are set free of your
infirmity.” Sa buhay natin, marami at
iba’t ibang klase ang sakit na
dumadapo satin. Mayrong sakit sa
pangangatawan, meron ding sakit sa
kalooban.
Ngunit sa kahit anong sakit, kahit
anong unos, si Lord ang ating
ultimate healer. Ikaw, ready ka ba sa
pagpapagaling at miracle na ibibigay
sayo ni Lord? G ka ba?
October 31

Mayroon akong kaibigan na unang beses


nagtanim. Dalawang klase ng halaman yung
tinanim niya, isang fruit bearing plant, at
isang flower bearing plant. Nung nakaraan,
nakita niya sa unang pagkakataon na
nagkaroon na ng bunga yung mga halaman
niya. May isang magandag bulaklak,
at may isang maliit nga bunga. Amaze na
amaze siya. Naalala ko tuloy yung Gospel
ngayong araw, eto yung kwento ng
mustard seed. Sabi dito, ‘What is the
Kingdom of God like? To what can I
compare it? It is like a mustard seed that a
person took and planted in the garden.
When it was
fully grown, it became a large bush” . Sa
buhay natin ngayon, ang gandang isipin
kung papanong itinanim sa puso mo ang
mga magagagandang gawain at asal, kung
paano magbboolm and blossom ang
kingdom of God sa puso mo dahil sa mga
ito. Ikaw, G ka bang magtanim upang
magbloom ang Kingdom of God?

You might also like