Professional Documents
Culture Documents
Mga Alagad, Wala ng Ibang Plano si Jesus
(Disciples, Jesus Had No Other Plan), Trinity Sunday, June 4, 2023
Matthew 28:16-20
Isang pastor ang nangangarap na umunlad sa kanyang vocation. Nag-apply siya for
ordination. Tinanong siya ng Board of Ordained Ministry, “Ano ang ginagawa mo para
umunlad ka bilang pastor?” Na-realize ng pastor na wala siyang plano. Dahil dito,
nagsimulang mag-aral muli ang pastor, nagbasa at nag-attend ng mga seminars.
Nagsaliksik ng mga pamamaraan sa ministry. Nakakita siya ng bagong pamamaraan.
Bandang huli, siya ay ginamit ng Diyos sa mabisang paraan. Lumago ang iglesia, at
nagtagumpay ang misyon.
Kahit hindi ka pastor, o deakonesa, dapat nating maunawaan na may plano ang Diyos para
sa ating buhay.
Ayon sa Gospel of Matthew, alam ni Jesus na may mahalagang plano ang Diyos Ama, para
sa kanya.
Malinaw kay Jesus na siya ay itatanghal na hari.
• Dahil ang kanyang salinlahi (genealogy) ay sa pamilya ni King David (1:6), at hinanap siya
ng mga pantas “bilang hari ng mga Judio” (2:2).
• Ang hula ni Zechariah ay, “tignan ninyo, ang inyong hari ay dumarating, maamo at
nakasakay sa isang asno.” (21:5).
• Tanong ni Pilate, “Are you the King of the Jews?” (27:11).
• Hinamak siya ng mga sundalo, “Hail, King of the Jews!” (27:29).
• Ang hatol sa kanya ay, “SIYA SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO!” (27:37).
• Hinamak din siya ng mga tao habang nakabayubay sa krus, sinasabing “siya ang hari ng
Israel.” (27:42).
• Sa kanyang muling pagkabuhay, naging ganap na ang paghahari ni Jesus.
1. About his disciples. Jesus knew he was dealing with the 11 less-than-
perfect disciples.
Judas even dropped-out!
· God uses ordinary people to do extra-ordinary ministry.
· Mas mapanganib pa yata kapag tayo ay masyadong tiwala sa sarili
habang naglilingkod sa ministeryo, baka maging hadlang pa ang
kataasan at pagmamalaki, sa halip na parangalan ang Diyos.
Kahit sa Mark 16:14, nasusulat, “Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa
labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya
dahil sa hindi nila pananalig sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo,
dahil ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na
siya'y muling mabuhay.”
Pero sila ay patuloy na pinagkatiwalaan ng Panginoong Jesus upang
humayo.
Kaya:
Kahit may duda ka, humayo ka parin.
Kahit may nagawa kang kasalanan? Magsisi ka at hhumayo ka parin. May
isa akong nakilala, siya ay Kristiano. Pero siya ay nakulong. Sa loob ng
selda, patuloy siyang nangaral at marami ang tumanggap sa Panginoon sa
kanyang ministeryo.
May kahinaan ka? Humayo ka parin.
Ipinagkakatiwala ng Panginoon ang Ebanghelyo sa mga mahinang tulad
natin.
At tayo naman, palibhasa may kahinaan po tayo, magtiwala lang tayo sa
kanya.
Isang experiment ang ginawa sa mga estudyante sa Germany. Hinati ang grupo sa dalawa.
Ang isang grupo ay binigyan ng simpleng puzzle. Ang ibang grupo ay binigyan ng puzzle na
walang solution. Pero hindi sinabi ng examiner na walang solution ang mga puzzle sa
second group.
Inulit-ulit ang procedure, at ang mga estudyante sa easy puzzle ay nakadevelop ng
confidence, samantalang ang grupo na may unsolved puzzles, ay nagdevelop ng shame o
hiya, galit at matinding frustrations.
1. Mapapansin na ang mga alagad sa ating Bible Reading ay frustrated, maaring nahihiya at
takot. Patay ang kanilang leader – hindi natin sila masisisi. Kaya nga sila nasa
nagtatago…sila ay takot.
Tayong mga Kristiano ay hindi exempted sa mga ganitong karanasan. Ang totoo,
marami ang disappointed, at frustrated sa atin. Marami rin ang nasasaktan sa atin.
Maaring, dumating ka dito kapatid, at nag-away kayong mag-asawa, o baka may
tampuhan kayong mag-nanay o mag tatay. Marami sa panahong ito ang mga kabataan
na may sama ng loob.
Marami sa mga nagsisimba ang hindi natutulungan ng simbahan, dahil darating na luhaan
ang miembro, uuwi rin itong sawi. Kaya mayroong mga…ayaw ng magsimba.
Ganun din si Thomas, na sa unang gabi sa Linggong iyon- absent siya meeting ng mga
alagad. Parang sinasabi niya…”pare-pareho lang yan, present ako o absent, walang
namang pinagka-iba.”
Saliksikin po natin ang sarili bilang simbahan. Ang pagpunta po ba natin sa ating church ay
nagbubunga ng pagbabago sa ting buhay? Ito ba ay nagdadala ng bagong pag-asa, para
maging matatag ang ating pamilya, ang ating pagkatao? Nagbubunga bai to ng tagumpay
sa buhay ng ating mga anak?
O baka, lalo lang itong nagdaragdag sa ating frustrations at disappointments?
Dumating si Thomas sa gabing iyon (second Sunday evening)– expecting
nothing! Gayunman, dumating siya, upang makiisa sa mga alagad na takot, malungkot at
nagtatago.
2. Absent si Tomas Noong First Sunday
Pero, hindi alam ni Tomas, na may nangyari habang wala siya sa first Sunday evening.
Sa First Sunday evening, ang sabi sa ating pagbasa sa verse 19, “Kinagabihan ng araw
ng Linggo, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakasara ang mga pinto ng bahay na
kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa
kalagitnaan nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya.”
Hindi alam ni Tomas, na may nangyaring maganda noong absent siya. He missed that
great Sunday! Because something special happened while he was absent. Kaya sabihin
mo sa katabi mo, “Huwag kang aabsent kapatid every Sunday! Baka hindi mo makita ang
ginagawa ng Diyos sa ating church!”
Sa isang church, marami ang absent… isang Sunday. Pero may dumating na bisita at
nag-offering sila ng 100k. Sila ay miembro na nakatira sa US. Sa susunod na Sunday,
ako yung speaker sa church. Napansin ko, lahat ng naka-attend sa pervious Sunday,
nakangiti. Ang pastor…naku…binigyan ng kape! “DS, kung nandito ka last Sunday, may
pasalubong ka rin sigurado!” But I missed that Sunday!
Pero si Tomas, he missed that day…hindi niya nakita ang dumating na muling nabuhay
na Jesus.
3. 3. Present na si Tomas
Ang mga absent, laging talo. They will miss the joy of fellowship. Thomas missed the
presence of the resurrected Christ. The presence of God dwells in the praises of his people.
Sabi sa Hebreo 10:25,
“Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng
ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating
malapit na ang araw ng Panginoon.”
Dumating si Tomas, at nag-iba na ang mga kasama niya. Pagmasdan ninyo ang ating
mga talata, sa verse 19, sinasabi, “takot sila at nagkakatipon”. Sa verse 26, “nagkatipon
ang mga alagad”. May pinagka-iba ang First Sunday sa Second Sunday! Ano po? Sa
1st Sunday, takot sila. Sa second Sunday, nagkakatipon sila pero, wala na ang
salitang “takot ang mga alagad”!
Subukan nating lumagay sa katayuan ni Tomas. Dumating ka sa bahay na
pinagtitipunan. Dati, lahat ay malungkot, ngayon, lahat nakangiti. Dati, lahat ay takot,
ngayon, lahat ay masaya. At ikaw na lang ang takot at malungkot. Gets mo? Anyare?!
Umaawit ang mga kasama mo, “He lives! He lives!”. Teka, sinong buhay? Wala kang
idea? At sinabi nila, buhay si Jesus. Pero ayaw maniwala ni Tomas. Kaya't sinabi sa
kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi
ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa
kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon
at sa kanyang tagiliran.”
a. Every Sunday is the Day of our Testimony.
Alam po ba ninyo kung bakit Sunday tayo sumasamba? Ang mga Moslems, sumasamba
ng Friday. Ang mga Judio, tuwing Saturday.
Sumasamba po tayo ng Sunday, to proclaim that Jesus rose from the dead on this day –
SUNDAY! We do not worship the sun. We worship the Son of God!
b. Every Sunday we meet Jesus.
I would like to confess. May panalangin po ako sa bawat worship, “Panginoon, dumating
ka sa aming pagsamba. Walang silbi ang aming gagawin kung hindi ka darating Holy
Spirit. Patawarin mo kami, kaawaan mo kami, please come Lord.” Gusto ko po kayong
makita tuwing Sunday. But I do not want to go to church, without meeting the presence
of Jesus. Our worship is useless, without God’s presence.
4. Thomas met Jesus again. But this time, Jesus is alive!
Sabi ni Lord, “At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo
ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan (Gk.apistos) pa, sa
halip ay maniwala ka (Gk.pistos).” Nagduda si Thomas, pero hindi nawala ang kanyang
paniniwala (apistos). May duda lang. At gusto niya ay pananampalatayang na may
katibayan. Tulad ni Thomas, hanapin natin ang katibayan ng ating
pananampalataya. Katagpuin natin si Jesus. Hawakan natin siya at yakapin. Tanggapin
natin ang kanyang pagpapatawad. Siguraduhin natin na si Jesus nga tumawag sa atin.
Patunayan natin na totoo ang ating pananampalataya at ibahagi natin ito sa iba. Alam po
ninyo, namatay si St. Thomas sa India. Siya ay pinatay habang siya ay nangangaral.
Katagpuin natin ang Panginoon ngayon. May takot ka ba? May pangamba ka? May
problema ka? See the difference, and let this worship be your encounter with Jesus,
again. Like Thomas, our lives will never be the same again, if only we will meet Jesus.
sa Mayo 31, 2023 Walang komento:
PAGPATONG NG KAMAY
Ipapatong ng pastor ang kanyang kamay sa ulo ng tatanggaping kaanib at sasabihin:
Kapatid na __________, ipagsasanggalang ka ng Diyos sa kanyang makalangit na biyaya,
sa ngalan ng Ama, Anak, at Banal Espiritu, ikaw ay tinatanggap namin sa pananampalataya
at sa samahang ito ng mga tunay na alagad ni Cristo. Amen.
(Ang bagong kaanib ay papahiran ng langis sa noo, at sasabihin ng pastor, "Sumaiyo ang
Banal na Espiritu. Amen" at bibigyan ng Biblia).
PAGTANGGAP SA NAGKAISANG IGLESIA METODISTA
Itatanong ng Pastor:
Nangangako ka ba na magiging tapat ka bilang kaanib ng Nagkaisang Iglesia Metodista sa
pamamagitan ng iyong
Panalangin
Pagdalo
Pagkakaloob
at Paglilingkod?
Opo.
PAGTANGGAP
(Tatayo ang Kapulungan)
Sasabihin ng pastor:
Mga kapatid sa Panginoon,
Inihahabilin ko sa inyo ng buong pag-ibig si kapatid na ________, na ating tinanggap bilang
ating kapatid sa pananampalataya. Gabayan ninyo siya upang lumago sa pananampalataya,
tumatag sa pag-asa, hanggang maging ganap siya sa pag-ibig.
Sasagot ang Kapulungan:
Buong puso at kagalakan, na ikaw ay kinikilala namin bilang kasapi ng Nagkaisang iglesia
Metodista. Kaisa mo kami tungkulin ng pananalangin, pagdalo, pagkakaloob, at
paglilingkod.
Sa tulong ng Diyos, mamuhay tayo na may kaayusan at katapatan ayon sa halimbawa ng
Panginoong Jesus.
Tumatag nawa tayo sa pag-ibig,
at mag-ugat sa pananampalataya,
at maging tiyak na matamo ang buhay na walang hanggan.
HIMNO
PAGPAPALA
Ang Diyos Ama,
ang Diyos Anak,
At ang Diyos Espiritu Santo,
ang magpapala, magpapanatili at mag-iingat sa inyo, ngayon at magpakailanman. Amen.
sa Mayo 25, 2023 Walang komento:
Bago pumanaw, mayroon siyang huling habilin. "Anak, sa aking burol...panoorin ninyo ang
aking mga recorded video sa aking cellphone." At pumanaw ang matanda.
Sa burol, ipinalabas ang video ng matanda. Sa screen, lumabas ang kanyang masayang
mukha, at bungad niya, "HELLO! SALAMAT PO SA LAHAT NG DUMALO SA AKING
BUROL! SANA PO KASAMA KAYO HANGGANG SA AKING LIBING!"
Ganun pala ang balak ng lola para sa kanyang libing. Habilin pa niya, "Bawal ang
malungkot. At magsuot kayo lahat ng makulay na damit. Bawal din ang KJ."
Ano ang plano mo para sa sarili mong burol at libing?
Napaka-hirap yatang magplano para sa sariling burol o libing. Lalong hindi maaring iplano
ang burol at libing ng isang mahal sa buhay. Hindi pwedeng sabihin sa asawa, "Sweetheart,
ang plano ko sa libing mo..." Baka sampalin ka ng asawa mo!
Ang Plano ni Jesus Para sa Kamatayan ni Lazaro.
1. Una, nagkasakit si Lazaro, kaya pinatawag ang Panginoong Jesus. Ngunit hindi bumisita
si Jesus sa malubhang kalagayan ng kaibigan niyang si Lazaro.
3"nagpasabi kay Jesus ang magkapatid, “Panginoon, ang minamahal ninyong kaibigan
ay may sakit.”4 Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, “Hindi niya ikamamatay ang
sakit na ito."
Malinaw na alam ng Panginoon ang kalagayan ng kanyang kaibigan. Maysakit si Lazaro.
"Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito." wika ng Panginoon.
6 Gayunman, nagpalipas pa siya doon ng dalawang araw mula nang mabalitaang may
sakit si Lazaro.
2. Pangalawa ipina-alam sa Panginoon ang kalagayan ng kanyang kaibigan, namatay si
Lazaro at inilibing.
Ayon sa talatang 11-13,
11“Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.”
12“Panginoon, kung natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad.
13Ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay
Nais ko po kayong anyayahan na makinig sa tagpong ito, dahil kayo ay malungkot. Nandito
kami na inyong mga kapatid sa pananampalataya upang samahan kayo sa pananalangin.
Mula pa noong magkasakit si ________________, ay kasama na ninyo kaming lumalapit sa
Diyos. Nakatitiyak po ako na hindi nakalimutan ng Panginoon ang kanyang kaibigan. Hindi
niya tinalikuran si Lazaro noong ito ay may sakit pa. At lalong hindi tinalikuran ng Panginoon
ang kanyang kaibigan, noong ito ay pumanaw na. Ganito po ang sabi ng Biblia sa Psalm
116:15;
“Precious in the sight of the Lord is the death of his saints.”
1. Sa pagkakataon pong ito, nais kong sabihin sa inyo na mahal ng Panginoon ang
yumaong si _______________. Ang kanyang pangalan ay nakasulat sa palad ng
Panginoon. Hindi maaring kalimutan ng Diyos ang kanyang kaibigan. Kung maging buhok
natin ay bilang ng Diyos? Kung ang mga ibon sa himpapawid ay bilang ng Diyos? Paano pa
kaya ang mga kaibigan ng Diyos na kilala niya sa pangalan at buhay. “Precious in the
sight of the Lord is the death of his friends.”
2. Kaya dumating ang Panginoong Jesus. During the death of his friend, he offered his
presence.
Maramdaman nawa ninyo, tulad ni maria at Martha, na mahal ng Panginoon ang yumao. At
maramdaman din naa ninyo, na mahal po kayo ng Panginoon. Kayo na nagluluksa. At hindi
lamang kami ang kasama ninyo ngayon sa inyong kalungkutan, narito rin po ang inyong
mga kamag-anakan, mga kaibigan at kapatid sa iglesia. Ngunit higit sa aming presensya,
kasama natin ngayon ang Panginoon. Madama nawa ninyo ang pagyakap ng Diyos sa
kabila ng inyong kalungkutan.
3. When Jesus came, he offered Martha and Mary words of assurance.
Para sa akin, mukhang may hugot si Martha sa pasalubong niya sa Panginoong Jesus.
Sabi niya, "Panginoon, kung dumating ka lamang kaagad, hindi sana namatay ang kapatid
ko." Hindi po ba ito salita ng panunumbat? Bakit hindi ka kaagad dumating? Ang dami
mong pinagaling, bakit hinayaan mo ang kaibigan mo?
"Kaya sa kanyang pagkamatay, pakiramdam ko...para lang siyang ikinasal sa Diyos. Kaya
ibinibigay ko po sa Diyos ng buong puso ang aking anak, at ang regalo kong naipon, para sa
mapapangasawa ng aking anak. "
A. Isang Nagmamahal sa Panginoon.
Si Stephen ay isang tapat na lingkod ng Panginoon. kabilang siya sa pitong piniling diakono
o lingkod sa iglesia ayon sa Gawa 6:5,
Nalugod ang buong kapulungan sa panukalang ito, kaya't pinili nila si Esteban, isang
lalaking lubusang nananampalataya sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo.
Sa pelikulang Last Samurai, may tanong tungkol sa bida (Tom Cruise). Ang tanong ng
Emperor, "How did he died?" Ang sagot ng mensahero, "Mahal na Hari, hindi ko isasalaysay
kung paano siya namatay. Ang aking isasalaysay ay kung paano siya nabuhay."
Iyan po si Stephen. At hindi ako nahihiyang sabihin, na ganyan din ang ating yumaong
kapatid na si _________________. Sa aking ala-ala, siya ay nabuhay na naglilingkod sa
Diyos sa ating iglesia.
Sa palagay po ba ninyo, nasayang ang kanyang buhay dahil siya ngayon ay pumanaw na?
Sa palagay ko po, hindi naman.
Paglipas ng ilang araw, muling tumawag ang anak ng matandang binisita ng pastor.
"Pastor, salamat po sa pagbisita ninyo sa aming tatay. Nais po naming ipaalam na pumanaw
na po ang aming ama. Pero, tanong ko lang po pastor, noong namatay si tatay, natagpuan
po siyang wala ng hininga pero... nakayakap po siya sa isang upuan?!"
Ang mga tao na pumapanaw na nananalangin ay mga taong nakaugnay sa Diyos. ganyan
po si St. Stepehn, pumanaw siyang nananalangin.
Lubos ang kanyang pananalig na sa kamay ng Diyos uuwi ang kanyang espiritu. Ayon sa Ecclesiastes
12:7,
"Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating espiritu ay
magbalik sa Diyos na may bigay nito."
Isang mabuting bagay kung maipagkatiwala po natin ang ating espiritu sa Diyos, kahit
habang tayo ay nabubuhay pa. Dahi tayo lahat naman ay hahantong sa kamatayan. Ang
Diyos ang nagbigay ng buhay, Diyos din ang magsasabi kung kailan ito magwawakas.
4. Panghuli, Stephen, a man of God, he died forgiving his own killers.
May pakiusap po ako, lao sa pamilya ng yumao. Kung may nagawa po siyang pagkukulang
sa inyo na kanyang pamilya, pwede po bang patawarin ninyo ang yumao. At kung
nakagawa kayo ng pagkukulang sa kanya, maari po bang ihingi ninyo ng kapatawaran sa
Diyos ang inyong naging pagkukulang?
But a man of God like Stephen, he died forgiving, praying, even preaching. Trusting God that
his death will not be in vain. So is the death of any person who loves the Lord.
_______________________
"Ang isang boteng pabango ay mapababaho ng isang patay na langaw. Ang bahagyang
kamangmangan ay nakakasira sa karunungan at karangalan."