You are on page 1of 29

Holy Cross Parish – Noveleta, Cavite

Liturhiya Sa Kapistahan ng
Pagtatampok Sa Banal Na Krus
Ika-14 ng Setyembre
PAUNANG SALITA

Namumuno Mga Kapatid, ating ipinagdiriwang ang kapistahan ng


Pagtatampok sa Banal na Krus ng ating Panginoong
Hesukristo.
Ang Krus ay simbulo ng ating kaligtasan dahil sa
pagmamahal ng Diyos. Ang Krus ang nagsilbing tanda ng
pagsisimula ng ating pananampalataya bilang mga
Pilipino. Kaya naman tayo sa bayan ng Noveleta ay
nagagalak sa pagtatampok nating ito sa Krus ng
Kaluwalhatian na may temang: “Pagkatanghal sa Krus na
Banal, Dulot ay Pagpapatawad, Kapayapaan at Pag-ibig”.

(Kung ang Obispo ang mamumuno sa pagdiriwang)

Namumuno Ang ating punong tagapagdiwang ay ang ating


minamahal na Obispo ________________. Magsitayo ang
Lahat.
(Kung pari ang mamumuno sa pagdiriwang)

Namumuno Ang ating punong taga-pagdiwang ay ang ating


minamahal na Kura Paroko/Katuwang na Pari/Bisitang
Pari, Reberendo Padre__________________________.
Magsitayo ang lahat.

Patutunugin ang kampana habang umaawit ng pambungad na awit

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 2
Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus

Aawitin ang Pambungad na Awit


PAGBATI
Tagapagdiwang Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.
Bayan Amen.

Kung Obispo ang tagapagdiwang


Obispo Sumainyo ang Kapayapaan.
Kung pari naman ang magdiriwang
Pari Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Tutugon naman ang bayan


Bayan At sumainyo rin.

PAGSISI SA KASALANAN

Tagapagdiwang Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan at


pagkukulang sa ating Panginoong Diyos, upang tayo’y
maging marapat na gumanap sa Banal na Pagdiriwang.

Bayan Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo mga


kapatid na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita at sa
gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 3
Mahal na Birhen Maria, sa lahat ng mga Anghel at mga
Banal at sa inyo mga kapatid na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.

Tagapagdiwang Kaawaan tayo ng makapagyarihang Diyos, patawarin


tayo sa ating mga nagawang kasalanan at patnubayan
tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan Amen.

KYRIE
Maaring pangunahan ng tagapagdiwang

Tagapagdiwang Panginoon, kaawaan mo kami.


Bayan Panginoon, kaawaan mo kami.
Tagapagdiwang Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan Kristo, kaawaan mo kami.
Tagapagdiwang Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan Panginoon, Kaawaan mo kami.

GLORIA
Bibigkasin ng paawit ng Tagapagdiwang.
Tagapagdiwang Papuri sa Diyos sa kaitaasan.

Maaring awitin o dasalin


Papuri sa Diyos sa Kaitaasan
dinarangal ka namin,
Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |
Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 4
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka't ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 5
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapagdiwang Manalangin tayo. (Tumahimik)

Ama naming makapangyarihan,


niloob mong akuin ng iyong
Anak ang Krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong loob
na ginanap ng iyong Anak
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan Amen.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 6
PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS
Tignan ang Aklat ng Salita ng Diyos

UNANG PAGBASA
Bilang 21:4b-9

Lektor Pagbasa mula sa Aklat ng mga Bilang.

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-


sukot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises,
“Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito?
Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang
kwentang pagkaing ito. “Dahil dito, sila’y pinadalhan ng
Panginoon ng makamandag na ahas at simumang matuka
nito ay namamatay. Kaya’t lumapit sila kay Moises, sinabi
nila “Nagkasala kami Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa
kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si
Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon.
“Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa
dulo ng isang tikin at sinumang matuklaw ng ahas na
tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayon nga ang
ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas
ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.

Lektor Ang Salita ng Diyos.

Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38
Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |
Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 7
Tugon Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng Diyos.

Kaya ngayon ay making sa turo ko, mga anak,


Inyong dinggi’t ulinigan, salita kong binibigkas;
Itong aking sasabihin ay bagay na talinghaga,
Nangyari pa noong una, kaya ito’y mahiwaga.

Tugon Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng Diyos.

Datapwat noong sila’y lilipulin na ng Diyos,


Nagsisi ang karamihan’t sa kanya’y nagbalik-loob.
Noon nila nagunitang ang sanggalang nila’y ang Diyos.
Ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

Tugon Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng Diyos.

Kaya’t siya ay pinuri, ng papering hindi tapat,


Pagkat yao’y pakuwari’t balat-kayong matatawag.
Sa kanilang mga puso, naghahari’y kataksilan,
Hindi sila nagtatapat sa ginawa niyang tipan.

Tugon Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng Diyos.

Gayon pa man, palibhasa’y Diyos siyang mahabagin


Ang masamang gawa nila’y pinatawad niyang tambing,
Dahilan sa pag-ibig n’ya’y hindi sila wawasakin,
Kung siya ma’y nagagalit, ito’y kanyang pinipigil.

Tugon Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng Diyos.


IKALAWANG PAGBASA
Filipos 2:6-11
Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |
Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 8
Lektor Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga
taga-Filipos.

Si Kristo Hesus, bagama’t siya’y Diyos ay hindi nagpilit na


manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang
lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at
namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y
nagpakababa at nagging masunurin hanggang
kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus. Kaya
naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng
pangalang higit sa lahat ng pangalan. Anupa’t ang lahat
ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa
ay naninikluhod, at sasamba sa kanya, at ipapahayag ng
lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa ikararangal ng
Diyos Ama.

Lektor Ang Salita ng Diyos.

Bayan Salamat sa Diyos.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 9
ALELUYA
Maaring awitin o basahin
Bayan Aleluya! Aleluya!
Kami’y sumasamba sa’yo
At gumagalang sa krus mo
Na kaligtasan ng mundo.

Bayan Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 13-17

Tagapagdiwang Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo,


“Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa
langit – ang Anak ng Tao.”
At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang,
gayon din naman, kailangang itaas ng Anak ng Tao, upang
ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon
ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-
ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang
kanyang bugtong na Anak, upang ang sumasampalataya
sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang
kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang
sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Tagapagdiwang Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |
Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 10
Bayan Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Kung Obispo ang magdiriwang ay mananatiling nakatayo ang lahat at
tatanggapin ang Pagbababas ng Mabuting Balita habng iniaawit ang Aleluya.

Kung pari ay tutuloy sa Homiliya.

HOMILIYA

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
MAHABANG PARAAN
Sumasampalataya ako sa iisang Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa,
ng lahat ng nakikita at hindi nakikita

Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo,


bugtong na anak ng Diyos,
sumilang sa Ama bago pa magkapanahon.
Diyos buhat ng Diyos,
liwanag buhat ng liwanag,
Diyos na totoo buhat ng Diyos na totoo,
sumilang at hindi ginawa,
kaisa ng Ama sa pagka-Diyos,
at sa pamamagitan Niya ay ginawa ang lahat.
Dahil sa pawang mga tao
at dahil sa ating kaligtasan,
Siya ay nanaog mula sa kalangitan.
Nagkatawang tao Siya
lalang ng Espiritu Santo
kay Mariang birhen at naging tao.
Ipinako sa krus dahil sa atin.
Nagpakasakit sa hatol ni Poncio Pilato, namatay at inilibing.
Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |
Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 11
Muling Siyang nabuhay sa ikatlong araw
ayon sa banal na Kasulatan.
umakyat Siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal.
Paririto Siyang muli na may dakilang kapangyarihan,
upang hukuman ang mga buhay at mga patay.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay


na nanggagaling sa Ama at sa Anak.
Sinasamba siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak.
Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at apostolika.
Gayundin sa isang binyag na ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay
at sa buhay na walang hanggan. Amen.

MAIKLING PARAAN
Maaring ihalili ito

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |
Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 12
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 13
PANALANGIN NG BAYAN

Tagapagdiwang Manalangin tayo sa ating Mapagmahal na Aman a sa


ati’y lagging nakikinig at ang nais ay ang ating
kaligtasan. Sa bawat panalangin ay ating itutugon:

Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Krus ni Kristo,


Pakinggan Mo po ang aming pagluhog, O Panginoon.

Lektor Ang simbahan sa pamumuno ng ating Santo Papa, ng mga


Obispo, Kaparian, Relihiyoso at Relihiyosa at mga
Diakono nawa’y magpatuloy sa pangangaral at
pagtatanggol na patungo sa tagumpay sa ilalim ng bandila
ng krus ni Hesukristo. Manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Krus ni Kristo,


Pakinggan Mo po ang aming pagluhog, O Panginoon.

Lektor Ang mga mamamayan ng ibang bansa at kultura nawa’y


makatagpo ng Kalayaan at kapayapaan sa pamamagitan
ni Hesukritong itinaas ng Diyos. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Bayan Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Krus ni Kristo,


Pakinggan Mo po ang aming pagluhog, O Panginoon.

Lektor Ang mga nangangailangan ng habag at pagpapatawad ng


Diyos nawa’y makatagpo ng pag-asa sa krus ni Kristo
bilang daan ng kapayapaan at pagkakasundo. Manalangin
tayo sa Panginoon.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 14
Bayan Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Krus ni Kristo,
Pakinggan Mo po ang aming pagluhog, O Panginoon.

Lektor Ang sambayanan ng Diyos dito sa Bayan ng Noveleta ay


lagging mag-alab sa kanilang mga puso ang diwa ng
kababaang-loob, malasakit at dedikasyon upang patuloy
na maging ganap na isang sambayanang Kristiyan o-
Nananampalataya, Nagkakaisa, Mapayapa, Bukas-palad
at Maunlad. Manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Krus ni Kristo,


Pakinggan Mo po ang aming pagluhog, O Panginoon.

Lektor Ang mga nahihimlay kay Kristo nawa’y mapatawad sa


kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng
sakripisyo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan Sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Krus ni Kristo,


Pakinggan Mo po ang aming pagluhog, O Panginoon.

Tagapagdiwang Ama naming karapat-dapat


mahalin nang lubos, isugo Mo sa amin
ang Iyong Espiritung Banal
upang magsikap kaming dulutan Ka
lagi ng ligaya sa pamamagitan
ng aming taos-pusong pagsunod
sa halimbawa ng pagpapakasakit
ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon.

Bayan Amen.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 15
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Aawit sa paghahain ng mga alay

PAGHAHAIN NG ALAY

Tagapagdiwang Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na
ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Kung hindi umaawit ay tutugin ang bayan


Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Tagapagdiwang Kapuri-puri, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
Ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng
Espiritu.

Kung hindi umaawit ay tutugin ang bayan


Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:


Diyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang
kami’y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 16
Maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko ay hugasan at linisin
mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Tagapagdiwang Manalangin kayo mga kapatid upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan.

Bayan Tanggapin nawa ng Panginoon, itong paghahain sa iyong


mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayan niyang Banal!

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Tagapagdiwang Ama naming Lumikha,


sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
maganap nawa ang paghahaing ito
na sa dambana ng krus ay siyang pumawi
sa kasalanan ng buong mundo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan Amen.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 17
PREPASYO: ANG MALUWALHATING PAGTATAGUMPAY SA KRUS

Obispo Sumainyo ang Panginoon.

Bayan At sumainyo rin.

Obispo Itaas sa Diyos ang iyong puso at diwa.

Bayan Itinaas na naming sa Panginoon.

Obispo Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Bayan Marapat na siya ay pasalamatan.

Obispo Ama naming makapagyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.
Iyong ipinasyang sa kahoy na krus
ang sangkatauha’y tubusin ni Hesus.
Sa punong-kahoy nagkapuwang ang kamatayan.
Sa punong-kahoy itinanghal ang pagkabuhay.
Sa kahoy na krus sia’y nadaig
Ng masunuring Anak mo.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sayo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO
Aawitin

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 18
IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay

Tagapagdiwang Ama naming banal.


Dapat kang purihin ng tanang kinapal
Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak
Ng aming Panginoong Hesukristo
At sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
Ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
Upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
Maihandog ang malinis na alay
Para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay

Ama, sinasamo naming pakabanalin mo


Sa Kapangyarihan ng Banal na Espiritu
Ang mga kaloob na ito
Na aming inilalaan sa iyo.

Krukrusan ang tinapay at kalis.

Ito nawa ay maging + Katawan at Dugo


Ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Na nag-uutos ipagdiwang ang misteryong ito.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 19
Pagsasalaysay at Pagtatalaga

Noong gabing ipinagkanulo siya,


Hinawakan niya ang tinapay,
Pinasalamatan ka niya,
Pinaghati-hati niya iyon,
Iniabot sa kanyang mga alagad
At sinabi.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Gayon din naman, noong matapos ang hapunan


Hinawakan niya ang kalis
Muli ka niyang pinasalamatan,
Iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
At sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SAKIN.

Tagapagdiwang Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya.

Maaring awitin o dasalin.

Sa krus Mo at pagkabuhay,
Kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan,
Ngayon at magpakailanman.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 20
Pag-alaala at Pag-aalay

Tagapagdiwang Ama,
Ginugunita naming
Ang pagkamatay ng iyong Anak
Na sa ami’y nagligtas,
Gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
At pag-akyat sa kalangitan
Samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinanabikan
Kaya bilang pasasalamat
Ngayo’y aming inialay sa iyo
Ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan mo ang handog na ito
Ng iyong simbahan
Masdan mo ang iyong Anak
Na nag-alay ng kanyang buhay
Upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.

Loobin mong kaming magsasalu-salo


Sa kanyang Katawan at Dugo
Ay mapuspos ng Espiritu Santo
At maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Kami nawa ay gawin niyang handog


Na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana
Kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,
Kaisa ng Kanyang kabiyak ng pusong si San Jose
Kaisa ni Sta. Elena na aming Patrona
Kaisa ng lahat ng mga Banal
Na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming
Kapakanan.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 21
Nakikipagmisa 1 Ama, Ang handog na ito ng aming
(Isang Pari) pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa N.
aming Obispo na si N.
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
Na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.

Nakikipagmisa 2 Amang Maawain,


(Isang Pari) Kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak
Sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.
+ Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
At sama-samang magtatamasa ng iyong kaningningang
walang maliw
sapagka’t aming masisilayan ang iyong kagandahan
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
Na siyang pinagdaraanan
Ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan.

Pagbubunying Pangwakas

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya


Ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Aawitin
AMEN.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 22
ANG PAKIKINABANG

Tagapagdiwang Sa tagubilin ng mga nakagagaling nautos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin ng lakas loob.

Ama namin sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo kami ngayon
Ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala
Para ng pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot
Sa tukso at iadya Mo kami
Sa lahat ng masama.

Nakalahad ang Kamay

Tagapagdiwang Hinihiling naming


Kami’y iadya sa lahay ng masama.
Pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
Iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin ang Kamay at magbubunyi.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 23
Sapagka’t sa iyo ang kaharian
At ang kapangyarihan at ang kapurihan
Magpakailanman. Amen

PAGBIBIGAY NG KAPAYAPAAN

Tagapagdiwang Panginoong Hesukristo,


Sinabi mo sa iyong mga Apostol;
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan Amen.

Tagapagdiwang Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Bayan At sumainyo rin.
Tagapagdiwang Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

PAGHAHATI-HATI NG TINAPAY

Hinahati ang tinapay habang pabulong na dinarasal.

Tagapagdiwang Sa pagsasawak na ito


ng katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa naming sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 24
Samantala ay binibigkas o inaawit ang Kordero.

KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Pabulong na dinarasal.

Tagapagdiwang Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 25
PAGSASALO

Tagapagdiwang Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan Panginoon, hindi ako karapat-dapat


na magpatuloy sa iyo
nguni’t sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

Pabulong na darasalin.
Tagapagdiwang Ipagsanggalang nawa tayo ng Katawan at Dugo ni
Kristo para sa buhay na walang hanggan.

PAGKOKOMUNYON
Aawit ng nararapat na awit.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 26
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Tagapagdiwang Manalangin tayo.

Panginoong Hesukristo,
kaming nagsalu-salo sa banal na pakikinabang
ay nakikiusap sa iyo na ang mga nasagip ng kahoy na
krus
na nagbibigay-buhay ay iyong ihatid sa pagkabuhay sa
kaluwalhatian
sapagka’t ikaw ang Panginoon magpasawalang hanggan.

Bayan Amen

PAG-IINSENSO
Tagapagdiwang Ating itanghal ang Krus ng Kaluwalhatian.

Iinsensohan ng Obispo/Pari ang Banal na Krus, habang inaawit ng sambayanan


ang nararapat na awitin

PANALANGIN SA MAHAL NA POONG SANTA CRUZ

Tagapagdiwang O Krus na kagalang-galang, katuwa-tuwa na dapat


handugan ng dilang Kapurihan! O himalang kataka-taka,
na ang ibinunga ay ang katamisang kaligayahan, na
kinaroroonan nang mana ng langit; sa iyong mahalaga at
mga hinog na bunga na nasumpungang kanin ng
nagugutom, tubig nang nauuhaw, damit nang mga
hubad, awa sa mahihirap, tulong sa balo, gamot nang
nasasalanta.
Sino ang sumilong sa Iyong lilim, na di mo sinukuban ng
malalabay Mong sanga? Sino ang dumulog sa Iyo na salat
na di mo binigyang kaaliwan? O ginhawa at kapalaran
namin at sukat ipamarali. Ang lahat ng kagalingan at
kapalaran namin ay dumating sa amin dahil sa
Kapangyarihan ng Kahoy ng katakatakang Krus. Habang

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 27
kami’y nabubuhay ay ipinanatili namin araw-araw ang
aming mga puso’t kaluluwa at katawan. Hindi na namin
ibig humiwalay sa iyo. Amen.

(Gaganapin ang pasasalamat ng kura paroko.)

PAGTATAPOS

Tagapagdiwang Sumainyo ang Panginoon

Bayan At sumainyo rin.

PAGBABASBAS

Tagapagdiwang Yumuko kayo’t hingin ang pagpapala ng Diyos.


(Tumahimik)

Binigyan tayo ng Ama ng halimbawa ng walang pag-


iimbot napag-ibig sa pagpapakasakit ng kanyang
bugtong na Anak. Sa pamamagitan ng iyong
paglilingkod sa Diyos at sa iyong kapwa, matanggap
nawa ninyo ang kanyang mga biyaya.

Bayan Amen.

Tagapagdiwang Sumasampalataya kayo na sa pamamagitan ng kanyang


Kamatayan habang-buhay nang winasak ni Kristo ang
kamatayan. Nawa’y bigyan niya kayo ng buhay na
walang hanggan.

Bayan Amen.

Tagapagdiwang Nagpakumbaba siya alang-alang sa atin. Tularan nawa


natin ang kanyang halimbawa at makabahagi nawa kayo
sa kanyang muling pagkabuhay.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 28
Bayan Amen.

Tagapagdiwang Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak + at Espiritu Santo.

Bayan Amen.

PANGWAKAS

Tagapagdiwang Tapos na ang ating banal na pagdiriwang.


Humayo kayo’t ipahayag ang Kaluwalhatian at
kapangyarihan ng Krus.

Bayan Salamat sa Diyos!

Pagkatapos, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng


tagapagdiwang at matapos makapagbigay pitagan kaisa ng tagapaglingkod, siya ay
hahayo. Habang inaawit naman ang Awit sa Paghayo.

Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus |


Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite | 29

You might also like