You are on page 1of 34

PAGBUBUKAS NG

PINTUAN NG JUBILEO
AT PAGDIRIWANG NG
BANAL NA EUKARISTIYA

PINAMUMUNUAN NG
LUBHANG KAGALANG-KAGALANG

MYLO HUBERT C. VERGARA, D.D.


O BISPO NG P ASIG

HULYO 28, 2019


SANTA MARTA PARISH CHURCH
KALAWAAN, PASIG CITY
2 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PAGBUBUKAS NG PINTUAN NG JUBILEO


Magkakatipon ang lahat ng mananampalataya sa harap ng Pintuan ng Jubileo. Ang obispo at
mga tagapaglingkod ay magkakatipon sa isang angkop na lugar upang maghanda para sa gaganaping
pagdiriwang. Ang obispo ay nakasuot ng kappa, mitra at may tangang bakulo.
Ang Banal na Pintuan ay mapapalamutian ng mga bulaklak sa paligid nito. Tanging ang ilaw lamang sa
may harap ng pintuan ng Jubileo ang nakabukas.

PRUSISYON PATUNGO
SA BANAL NA PINTUAN NG JUBILEO
Kapag natitipon na ang Sambayanan, pasisimulan ang prusisyon patungo sa Pintuan ng Jubileo.
Pangungunahan ito ng tagapagdala ng krus na napapagitnaan ng mga tagapagdala ng kandila. Habang
ginaganap ang prusisyon, ang koro ay aawit.
Pagsapit sa itinakdang lugar na malapit sa Pintuan ng Jubileo, aalisin ang mitra at iaabot ang bakulo
sa isang tagapaglingkod.
Obispo:

S
Bayan:
a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Amen.
PAGBATI
Obispo:

Sumainyo ang kapayapaan.


Bayan:

At sumaiyo rin.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 3
PAUNANG SALITA
Obispo:

M minamahal kong mga kapatid,


bilang isang bayang binibigkis sa pag-ibig ng Ama
marapatin natin siya‟y ating papurihan at pasalamatan
sa mga biyayang ating nakamtan
sa dalwampu‟t limang taon na lumipas.
Ngayong ating maringal na pinasisinayaan ang taon ng Jubileo
sa pagdiriwang ng ika-dalwampu‟t limang taon
ng anibersaryo ng pagkakatatag
ng Simbahan ng Santa Marta bilang isang parokya
sa pamamagitan ng pagbubukas ng banal na pintuan.
Si Kristo na kumakatawan sa banal na pintuan
ang tagapagligtas, pastol at guro.
Winika niya,
“Ako ang pintuan ang sino man na nagnanais pumasok
sa pintuan ko ay maliligtas.”
Buong galak nating buksan ang Banal na Pintuan
na tanda ng ating pagtahak patungo sa landas ng kabanalan.
Manahan nawa ang Diyos sa ating puso at kalooban
upang dumaloy ang kanyang walang hanggang awa at biyaya.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 4
PAGBASA NG DEKRETO NG JUBILEO
Ang Dekreto ng Jubileo na nagmula sa Obispo ng Pasig ay babasahin ng Kura Paroko.

The Roman Catholic Bishop of Pasig


Plaza Rizal, Barangay Malinao, 1600 Pasig City, Philippines
Chancery: 643-9325 / 643-9361 ● Bishop’s Office: 643-9276 ● Telefax: 643-7038

DECREE

Most Rev. Mylo Hubert C. Vergara D.D.


Bishop of Pasig
5 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PAGBABASBAS NG PINTUAN NG JUBILEO


Obispo:

P anginoong Hesukristo,
Ikaw ang pintuan patungo sa Kaharian ng Diyos,
ang landasin ng kawan patungo sa buhay na walang hanggan,
ang lagusan ng kapayapaan pangmagpakailanman,
ang Daan, Katotohanan at Buhay.
Patawarin mo ang aming mga kasalanan
at buksan mo para sa amin ang pintuan ng kaligtasan.

Basbasan mo ang pintuang ito,


na aming itinatalaga sayo sa pagdiriwang namin
ng panahon ng walang humpay na biyaya.
Sa bawat araw na aming tutunguhin ang banal na lugar na ito,
ay akitin mo kaming lubos sa iyong piling
at sa iyong walang maliw na pag-ibig para sa amin.

Tulungan mo kaming maging matatag


sa pagsasabuhay ng aming mga pagtitika,
pagiging maging mabuting halimbawa
at matapat na pagmamahal na maghahatid sa amin
sa buhay na walang hanggan.

Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama


at ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpakailanman.
Bayan:

Amen.
Wiwisikan ng obispo ang Banal na Pintuan gamit ang banal na tubig.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 6
PAGBUBUKAS NG PINTUAN NG JUBILEO
Isusuot ng obispo ang mitra at hahawakan ang bakulo at siya’y tutungo sa harap ng Banal na Pintuan.
Pagdating sa Banal na Pintuan kanyang pupukpukin ng tatlong ulit ang Banal na Pintuan gamit ang
nakahandang pamukpok habang ipinahahayag:

Si Hesukristong Panginoon
na siyang tanging kahapon, ngayon
at magpakailanman at sa bawat panahon.
Siya ang pasimula at ang wakas.
Sa Kanya ang lahat ng kapurihan magpakailanman.
Bubuksan ng obispo ang Banal na Pintuan sa tulong ng kura paroko at mga piling kinatawan. Matapos
mabuksan, ang mga ilaw sa loob ng simbahan ay bubuksan. Patutunugin ang tambuli at ang koro ay
aawit tanda ng pagbubunyi (Salmo 95).
Magtutungo ang obispo sa bukana ng pintuan at siya ay luluhod habang tangan niya ang bakulo at suot
ang mitra. Mananatili siya ng ilang sandali upang manalangin.
7 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PRUSISYON PATUNGO SA ALTAR


Sa pangunguna ng mga piling kinatawan, lalagyan ng mga bulaklak at pabango ang pintuan. Matapos
mapalamutian ang Banal na Pinto, tutungo ang obispo sa bukana nito. Aalisin ang mitra at kukuhanin
ang bakulo. Ang Aklat ng Mabuting Balita ay iaabot ng diyakono sa obispo at tahimik na ipapakita ito sa
sambayanan sa pamamagitan ng pagbabasbas. Pagkaraa’y, ibabalik ang Aklat ng Mabuting Balita sa
diyakono at iimbitahin ang ibat-ibang sector ng parokya.
Obispo:

M ga kapatid,
pumasok tayo sa ngalan ni Kristo;
Siyang daan na maghahatid sa atin
sa taong ito ng walang humpay na biyaya at awa.
Siya ang pintuan na kung saan tayo ay makakapasok
at makatatamo ng mga biyaya ng mga banal na misteryo.
Patutunugin ang mga tambuli hudyat ng paanyaya sa lahat na pumasok sa banal na pintuan. Aawitin
ang pambungad na awit habang pumapasok ang sambayanan sa Pintuan ng Jubileo.
Matapos makapasok ang lahat ay pasisimulan na ang prusisyon patungo sa sanktuwaryo. Pagdating sa
sanktuwaryo ay aalisin ang kapa at isusuot ang kasulya para sa pagmimisa. Itutuloy ang misa sa bahagi
ng Papuri sa Diyos.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 8
PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN
Pasisimulan ng obispo ang pag-awit ng Papuri, at ang mga tao ay aawit.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
9 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PANALANGING PAMBUNGAD
Obispo:

Manalangin tayo.
Tahimik na mananalangin saglit ang tanan.

A ma naming makapangyarihan,
nililingap mo ang mga walang inaasahan kundi ikaw.
Hindi maidarangal at hindi magiging banal
ang sinumang sa iyo‟y napapawalay.
Dagdagan mo ang iyong kagandahang-loob sa amin
upang sa iyong pamumuno at pangangasiwang magiliw
mapakinabangan namin ang mga biyaya mo sa lupa
bilang pagkakamit na namin sa makalangit mong pagpapala
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
Tagapagpadaloy:

Tayo’y magsiupo para sa Pagpapahayag ng Salita ng Diyos.


IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 10
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Genesis 18, 20-32

Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan.


Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N oong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon,


“Katakut-takot na ang sumbong sa akin laban sa Sodoma
at Gomorra, at napakalaki ng kanilang kasalanan.
Paroroon ako at aalamin ko kung ito'y totoo."

Umalis nga ang mga lalaki at nagpunta sa Sodoma,


ngunit nanatili ang Panginoon sa tabi ni Abraham.
Itinanong ni Abraham,
“Lilipulin po ba ninyo ang lahat ng tao,
may kasalanan man o wala?
Sakaling may limampung matuwid sa lungsod,
wawasakin po ba ninyo iyon?
Hindi ba ninyo patatawarin ang lungsod
dahil sa limampung iyon?
Naniniwala akong hindi ninyo idaramay ang mabubuti.
Hindi ninyo gagawin iyon
sapagkat kung ganito ang mangyayari,
parehong magdurusa ang masama at mabuti.
Hindi ito mangyayari!
Makatarungan ang Hukom ng buong daigdig!"

At tumugon ang Panginoon,


"Hindi ko ipahahamak ang lungsod
dahil sa limampung matuwid."
11 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

"Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan,"


wika ni Abraham,
"wala po akong karapatang magsalita sa inyo,
pagkat alabok lamang ako.
Kung wala pong limampu, at apatnapu't lima lamang
ang matuwid, wawasakin ba ninyo ang lungsod?"
“Hindi ko wawasakin
dahil sa apatnapu't limang iyon," tugon ng Panginoon.
Nagtanong na muli si Abraham,
“Kung apatnapu lamang?"
“Hindi ko wawasakin ang lungsod
dahil sa apatnapung iyon," tugon sa kanya.
"Huwag sana kayong magagalit, magtatanong pa po ako.
Kung tatlumpu lamang ang taong matuwid doon,
hindi rin ninyo wawasakin?"
Sinagot siya, "Hindi ko wawasakin ang lungsod
dahil sa tatlumpung iyon."
Sinabi pa ni Abraham, “Mangangahas po uli ako.
Kung dalawampu lamang ang matuwid na naroon?"

"Hindi ko pa rin wawasakin ang lungsod


dahil sa dalawampung iyon," muling tugon sa kanya.
Sa katapusa'y sinabi ni Abraham,
“Ito na po lamang ng itatanong ko:
Kung sampu lamang ang matuwid na naroon? "
Hindi ko pa rin wawasakin ang lungsod
dahil sa sampung iyon,” tugon ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:

Salamat sa Diyos.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 12
SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-2a. 2bk-3. 6-7ab. 7k-8
Tugon: 3a

Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo'y aking tinanggap.

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,


sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang 'yong ngalan. T
Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan.
Ika'y tunay na dakila pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
Sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako. T
Kung ang D'yos mang Panginoon ay dakila at mataas,
hindi niya nililimot ang aba at mahihirap:
Kumubli ma'y kita niya yaong hambog at pasikat.
Kahit ako'y nababatbat ng maraming suliranin.
Ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. T
Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,
ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
ang dahilan nito, Poon, pag-ibig mo'y di kukupas,
at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap. T
13 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

IKALAWANG PAGBASA
Colosas 2, 12-14
Kayo'y muling binuhay ng Diyos kasama ni Kristo
at pinatawad ang inyong mga kasalanan.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Colosas

M ga kapatid:
Noong kayo'y binyagan, nalibing kayong
kasama ni Kristo at muling nabuhay na kasama niya
dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos
na muling bumuhay sa kanya.
Kayong mga Hentil na dating patay dahil sa kasalanan
ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni Kristo.
Pinatawad niya tayo sa ating mga kasalanan
at pinawalang-bisa ang lahat ng kasulatan laban sa atin,
pati mga pananagutang kaugnay nito.
Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus.
Ang Salita ng Diyos.
Bayan:

Salamat sa Diyos.
Tagapagpadaloy:

Tayo’y magsitayo bilang pagalang sa Mabuting Balita.

ALELUYA
Roma 8, 15bk

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng D‟yos Anak
ay siyang ating tinanggap
nang D‟yos Ama ay matawag.
Aleluya! Aleluya!
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 14
MABUTING BALITA
Lucas 11, 1-13

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.
B: Papuri sa iyo, Panginoon.

M insan, nananalangin si Hesus.


Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad,
“Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin,
katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad."
Sinabi ni Hesus, “Kung kayo'y mananalangin,
ganito ang sabihin ninyo:

„Ama, sambahin nawa ang ngalan mo.


Magsimula na sana ang iyong paghahari.
Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.‟ "

Sinabi pa rin niya sa kanila,


"Ipalagay natin na ang isa sa inyo'y nagpunta sa isang kaibigan
isang hatinggabi at nagsabi,
„Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay.
Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay
at wala akong maihain sa kanya!‟
At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan
sa loob ng bahay,
'Huwag mo nga akong gambalain!
Nakatrangka na ang pinto
at nakahiga na kami ng aking mga anak.
Hindi na ako makababangon pa
15 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

upang bigyan kita ng iyong kailangan.‟


Sinasabi ko sa inyo,
hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan,
babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan
dahil sa pagpupumilit nito.
Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo'y bibigyan;
humanap kayo, at kayo'y makasusumpong;
kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan para sa inyo.
Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi;
nakasusumpong ang bawat humahanap;
at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok.
Kayong mga ama,
bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak
kung humihingi ng isda?
Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan
kung siya'y humihingi ng itlog?
Kung kayong masasama ay marunong magbigay
ng mabubuting bagay sa inyong mga anak,
gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit!
Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.


Samantalang ginaganap muli ang pag-awit ng Aleluya, dadalhin ng diyakono ang Aklat ng Mabuting
Balita sa obispo upang magbigay galang sa pamamagitan ng paghalik dito at babasbasan niya ang
sambayanan gamit ang Aklat ng Mabuting Balita

Tagapagpadaloy: Manatili tayong nakatayo at mag-antanda ng krus


para sa pagbabasbas.
Pagkatapos ng Pagbabasbas gamit ang Aklat ng Mabuting Balita.

Tagapagpadaloy: Magsiupo ang lahat.


HOMILIYA
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 16
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Obispo:

M ga kapatid,
sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay
at Pagkabuhay ni Kristo,
tayo‟y nalibing kasama niya noong tayo‟y binyagan
upang kasama rin niya tayo‟y makabangon
at makapagbagong-buhay.

Matapos mapakinggan ang Salita ng Diyos,


ating sariwain ang pangako sa binyag,
at muling italaga ang mga sarili
upang matapat nating mahalin at paglingkuran ang Diyos
at mga kaanib ng kanyang banal na Simbahang Katolika.
Obispo:

Sumasampalataya ba kayo
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?

Bayan: Opo, sumasampalataya kami.


Obispo:

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,


iisang anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay at inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Bayan: Opo, sumasampalataya kami.


IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 17
Obispo:

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,


sa Banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa katapawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?
Bayan:

Opo, sumasampalataya kami.


Ipahahayag ng obispo ang kanyang pagsang-ayon sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan
ng pagbigkas ng pananampalataya ng Simabahan:
Obispo:

I to ang ating pananampalataya.


Ito ang pananampalataya ng Banal na Simbahan.
Ito ang ikinararangal nating ipahayag
kaisa ni Kristo na ating Panginoon.
Bayan:

Amen.
Ang sambayanan ay wiwisikan ng banal na tubig habang inaawit ang isang pananampalataya.
18 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PANALANGING PANGKALAHATAN
Obispo:

M analangin tayo sa Ama,


bilang kanyang mga Anak
na dumadalangin ng may pananalig at umaasang
diringgin niya ang ating mga panalangin
bunga ng ating pagtitiwala at pag-ibig sa kanya.
Panginoon, pakabanalin mo ang iyong sambayanan.

Ang ating Inang Simbahan bilang katawan ni Kristo, patuloy na


ipagdiwang ang kanyang mga Misteryo upang ating matanto na
Siya ang pagkaing nagbibigay-buhay, Manalangin tayo.
Ang mga pastol ng Simbahan, si Papa Franciso, si Mylo Hubert
na aming Obispo, mga obispo at mga pari, nawa‟y maging
kawangis ng isang Mabuting Pastol na naglilingkod ng may
kababaang-loob sa iyong samabayanan upang maging tanda ito
ng pag-aalay ng kanilang mga buhay, Manalangin tayo.
Ang paghahari ng Diyos nawa‟y mamayani sa bawat puso ng mga
namumuno sa ating pamahalaan upang tapat nilang
paglingkuran ang bayan lalo na ang mga mahihirap, matatanda at
mayroong kapansanan, Manalangin tayo.
Ang Espiritu Santo nawa‟y patuloy maipagkaloob sa Parokya ng
Santa Marta upang magampanan nito ang tungkulin na ipahayag
ang Mabuting Balita, hubugin ang bawat isa sa
pananampalataya at maging huwaran ng isang komunidad na
nagkakaisa, Manalangin tayo.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 19
Ang mga mananamapalataya na nakakaranas ng pagpapahirap,
at pag-uusig nawa‟y ialay nila ang kanilang sakripisyo upang
maramdaman nila ang kalinga at kaginhawaan sa piling ng
Diyos, Manalangin tayo.
Obispo:

O Diyos naming Ama,


na nagkaloob ng walang hanggang pagpapala
ng simula mong hirangin ang sambayanang ito
bilang isang parokya na nagdiriwang ng iyong kadakilaan.
Pakinggan mo ang aming mga panalangin
at tulutan kaming makaisa ni Kristo
sa buhay na walang hanggan.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Bayan:

Amen.
20 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis,
at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay
ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.
Ngayon nama’y tatayo ang obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay
nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng obispo at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kalian man!


Ang diyakono o obispo ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis
habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa‟y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Hahawakan ng obispo ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya
nang pabulong:

K apuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 21
Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal
nang malakas ng obispo at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kalian man!


Pagkatapos, yuyuko ang obispo habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami‟y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Maiinsensuhan ng obispo ang mga alay at ang dambana pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o
tagapaglingkod ang obispo at ang mga nagsisimba.

Tagapagpadaloy: Magsitayo ang lahat.


Pagkatapos, ang obispo ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko„y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng obispo sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Bayan:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.
22 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Obispo:

A ma naming Lumikha,
tanggapin mo ang mga alay na sa iyo rin nagmula
at ngayo‟y aming inihahanda sa iyong dambana
upang sa aming ginaganap na pagdiriwang
ang iyong paglingap ay magtaguyod sa tanan
at magpabanal sa aming pamumuhay sa kasalukuyan
at mag-akay sa amin sa ligayang walang katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 23
IKALAWANG PREPASYO SA MGA LINGGO
SA KARANIWANG PANAHON
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B: Itinaas na namin sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siya ay pasalamatan.
Obispo:

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na
ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Lubhang nabagabag ang kanyang loob


sa pagkakamali ng tao sa sansinukob
kaya‟t minabuti niyang siya‟y ipanganak
ng Birheng bukod mong pinagpala sa babaing lahat.
Sa labi ng imbing kamatayan
kami ay inagaw ng namatay mong Anak.
Sa pagkabuhay niya, kami‟y kanyang binuhay
upang kaugnayan namin sa iyo‟y huwag magwakas.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
ng walang humpay sa kalangitan,
kami‟y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO
24 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang mga kamay ng obispo sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng obispo ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Kaya‟t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng obispo ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
Samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami‟y maging Katawan at Dugo


ng aming Panginoong Hesukristo
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

B ago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng obispo ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana
habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang obispo:

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito
sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 25
Magpapatuloy ang obispo:

G ayun din naman,


noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng obispo ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang obispo:

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo,
at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng obispo:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
26 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA
Ilalahad ng obispo ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya‟t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami‟y nagpapasalamat
dahil kami‟y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Nakikipagmisa 1:

A ma,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Franciso, na aming Papa
at ni Mylo Hubert na aming Obispo
at ng tanang kaparian.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 27
Nakikipagmisa 2:

A lalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila‟y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos


ng kanyang kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng obispo ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng obispo ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang
kanyang ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Bayan:

Amen.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 28
ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng obispo nang may magkadaop na mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng obispo ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng obispo sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami‟y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
29 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin
sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng obispong nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang obispo’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o obispo:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa‟t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng kapayapaan.
Ang obispo at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 30
Pagkatapos, hahawakan ng obispo ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan
at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling, pag-uulit
saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”
Magkadaop ang mga kamay ng obispo sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan
at lahat ng masama, gawin mong ako‟y
makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako‟y mawalay sa iyo kailan man.
31 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA
Luluhod ang obispo at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan.
Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

I to ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
Pagkatapos, hahawakan ng obispo ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
Tagapagpadaloy:

Para sa maayos na pagtanggap ng Banal na Komunyon,


ang pila ay magsisimula sa unang hilera ng upuan hanggang huling hilera.
Mangyaring hintayin ang mga usherettes bago tumayo
upang kayo ay magabayan.
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Samantalang nakikinabang ang obispo, sisimulan ang awit sa pakikinabang.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA 32
Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailan man.
Makababalik ngayon sa upuan ang obispo. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o
makaaawit ng papuri o salmo.
33 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PANALANGIN PAGPAPAKINABANG
Obispo:

Manalangin tayo.
Tahimik na mananalangin saglit ang tanan.

A ma naming mapagmahal,
pinagsaluhan namin sa banal na pakikinabang
ang alaalang walang kupas ng iyong Anak na nag-alay
ng sarili niyang buhay para sa aming kaligtasan.
Ipagkaloob mong ito ay magdulot ng pag-unlad
sa ipinamana niya sa aming pagliligtas
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
WIKANG PASASALAMAT
Tagapagpadaloy:

Magsiupo ang lahat para sa wikang pasasalamat


ng ating Kura Paroko, Reb. Padre Hernandez Mendoza.
Matapos ipahayag ang wikang pasasalamat, maisusunod paghayo sa pagwawakas

Tagapagpadaloy:

Magsitayo ang lahat.


34 IKA-DALAWAMPU’T LIMANG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA NI SANTA MARTA

PAGBABASBAS AT PAGHAYO SA PAGWAWAKAS


Ang obispo ay nakalahad ang mga kamay sa mga tao na magpapahayag:

Obispo: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.
Obispo: Purihin ang ngalan ng Panginoon.
Bayan: Ngayon at magpasawalang hanggan.
Obispo: Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon.
Bayan: Na may gawa ng langit at lupa.
Obispo:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama, at Anak, at Espiritu Santo .
Bayan: Amen.
Diyakono:

T aglayin ninyo sa inyong pag-alis


ang kapayapaan ni Kristo.
Bayan: Salamat sa Diyos.

You might also like