You are on page 1of 38

Iglesia Filipina Independiente

Diyosesis ng laguna
Parokya ng el salvador del mundo
Cavinti, laguna

LITURHIYA NG BANAL NA
MISA SA PANAHON NG
ADBIYENTO AT SIMBANG
GABI

1
2
KAAYUSAN NG MISA
SA PANAHON NG ADVIENTO AT
SIMBANG GABI

ANG PAGHAHANDA

Lektor: Tumayo po ang lahat.

(Maaaring awitin o sabihin ang isang salmo o awit habang


pumapasok ang mga Ministro. Lahat ay nakatayo.Haharap
ang Pari sa Bayan at sasabihin:)

Pari: Sa Pangalan ng Ama, at ng Anak at ng


Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang pag-ibig ng Diyos at ang liwanag


ng Espiritu Santo at sumainyong lahat.

Bayan: At sumainyo rin.

(Isusunod ng Pari ang Pagbabasbas ng korona o pagsisindi


ng kandila, maaaring tawagin ang tagapagsindi bago
basahin ang naturang panalangin. Kung sa mga
pangkaraniwang araw at walang Kandila ng Adviento ay
maaaring magpatuloy na sa pangungumpisal.)

ANG PAGSISINDI NG KANDILA


3
UNANG LINGGONG ADVIENTO

Pari: Inihahanda tayo para sa pagdating ni


Hesus sa Pasko. Ngunit tunay ba natin Siyang
inaasam, hinihintay at kinikilala. Nawa ay
tunay nating makita ang Liwanag ng mga
kandila nag Adviento- ang liwanag sa gitna
ng kadiliman. Kung paano tayo nananabik sa
liwanag ng bukang-liwayway matapos ang
kadiliman ng gabi, sana’y manabik din tayo
kay Hesus na ating liwanag sa gitna ng
matinding kadiliman ng ating buhay. Sa
pagpasok ni Hesussa Mundo sa pamamagitan
nag isang pamilya noong unang Pasko,
hihintayin natin Siyang pumasok sa buhay ng
ating pamilya ngayong Pasko. Nawa’y
patuloy na lumago ang Kanyang pakikiisa at
pagmamahal sa ating pamilya.

(Lalapit ang pari sa korona)

PAGBEBENDISYON NG KORONA

Pari: O Diyos na tagapagkaroon ng


mabubuting bagay, nagkakatipon kami na
iyong bayan sa ngalan ng Aming Panginoong
Hesus na iyong ipinagkaloob para sa aming
kaligtasan. Basbasan Mo ang Koronang ito
4
(+) ala-ala ng Iyong patuloy at walang
katapusang pag-ibig sa sangkatauhan. Lubos
ang iyong pagmamahal kaya buksan mo ang
aming mga puso upang maipagdiwang namin
ang Kanyang pagdating ngayong Pasko.

UNANG LINGGO NG ADVIENTO


SI HESUS LIWANAG NG ATING PUSO

(Sisindihan ng tagapagsindi ang unang kandilang kulay ube


at sasabihin:)

Tagapagsindi: O Panginoon ng liwanag,


habang iniilawan namin ang kandilang ito,
tulingan Mo kaming makaalala na si Kristo
ang tanging ilaw sa kadiliman ng mundo.
Tulungan Mo kaming mapanatili ang
Kanyang ilaw sa aming mga puso sa
pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya at sa
aming kapwa.

Bayan: O Panginoon, sa paghahanda naming


nag aming tahanan sa pasko tulungan Mo
kaming higit na maging mapagmahal at
matulungin upang mainit Ka naming
tanggapin sa aming puso.

5
Tagapagsindi: Si Kristo ang ating
Panginoon, Ana ng Diyos na Buhay, liwanag
mula sa liwanag. Manalangin tayo nag buong
paniniwala sa kanyang.

Bayan: Halina, Panginoong Hesus!

Tagapagsindi: Ilaw na hindi napapawi,


gisingin ang aming pananampalataya.

IKALAWANG LINGGO NG ADVIENTO


SI HESUS LIWANAG NG ATING
BUHAY

Pari: Pinupuno ni Hesus ang ating buhay ng


maraming mabubuting handog. Sikapin
nating mamulat sa kagalakan sa mga
simpleng bagay sa buhay: halakhakan ng mga
bata...pag-uusap nag mga magkaibigan,
paghawak sa kamay ng isang minamahal,
pagmamasid sa mga nilikha ng Diyos at pag-
asam sa bukang-liwayway. Hindi ito mahirap
gawin dahil sa panahong ito ay pumapalibot
sa atin ang pag-ibig sa bawat puso. Matuto
tayong magpasalamat sa mga natatanggap na
biyaya. Nagpapalalim ito ng ating pang-
unawa sa hiwaga at diwa nag pasko.
6
(Sisindihan ang ikalawang Kandilang kulay ube at
sasabihin:)

Tagapagsindi: O Diyos, tinatawag mo ang


lahat ng napapagod at nalulumbay. Nangako
ka na pagsisiglahin Mo sila at bibigyan ng
bagong lakas upang harapin ang bawat araw.
Idinudulog naming sa Iyo ang aming mga
alalahanin, mga suliranin at mga kahirapan.
Idinadalangin sa iyo ang aming mga
alalalahanin, mga suliranin at mga kahirapan.
Idinadalangin namin sa iyo ang bawat
miyembro nag aming pamilya at an gaming
kaibigan na nabibigatan sa mga kabiguan at
pagkasiphayo. Idinadalangin naming sa Iyo
ang mga taong nananalangin para sa kanila.
Maging liwanag Ka nawa naming sa mga
sandal ng kadiliman. AMEN.

Bayan: Halina, Panginoong Hesus!

Tagapagsindi: Nanggaling ka sa ama upang


pag-isahin ang aming pagkatao. Nawa’y pag-
isahin kami bilang magkakapatid na Anak ng
Ama.

Bayan: Halina, Panginoong Hesus!

7
Tagapagsindi: Ilaw na hindi napapawi,
gisingin ang aming pananampalataya.

IKATLONG LINGGO NG ADVIENTO


SI HESUS LIWANAG NG PAG-ASA
Linggo ng kagalakan

Pari: Umaasa tayo na magiging bahagi natin


si Hesus sa ating buhay, Hindi lamang
ngayong pasko kundi sa buong
taon.Maihanda lagi nawa natin ang ating mga
sarili para kay Hesus sa pamamagitan nag
pananalangin at pagbibigay nag ating mga
sarili sa pag-ibig, pag-asa, pananampalataya,
katarungan at kabutihan. Binubuksan nag
panalangin an gating mga puso upang
papasukin ang Diyos, samantalang inaalis ang
galit at takot.

(Sisindihan ang kulay rosas at sasabihin:)

Tagapagsindi: O Panginoon, isinasalaysay sa


amin nag Banal Na Kasulatan ang iyong
napakaraming ginawang pagliligtas, Sa
pamamagitan mo nakakita ang mga bulag,
nakarinig ang mga bingi, pinalakad mo ang
mga pilay, at binuhay mo ang mga
patay.Tulungan mo po kaming makakita at
8
makarinig sa pamamagitan nag paglilingkod
sa iba, makalakad ang at mabuhay na muli sa
paglilingkod sa iyo, upang sa pamamagitan
mo’y makasunod kaming lagi sa iyo. AMEN.

Bayan: Panginoon, sumapit nawa ang


kaharian Mo ditto sa lupa at langit.

Tagapagsindi: O Diyos Ama, na siyang nag


sugo sa kanyang anak na magdala nag walang
hanggang kapayapaan.

Bayan: Halina, Panginoong Hesus!

Bayan: Walang hanggang pastol, dalawin mo


ang iyong mga tupa sa iyong pastulan at
tipunin sa iisang bukirin.

Tagapagsindi: Ilaw na hindi napapawi,


gisingin ang aming pananampalataya.

IKAAPAT NA LINGGO NG ADVIENTO


SI HESUS, LIWANAG NG
PANANAMPALATAYA

Pari: Matapos nating ipahayag ang pag-asam


at kagalakan, may ibinigay ang Diyos sa
bawat isa sa atin. Sa pagsisindi nating nitong
9
mga kandila ipahayag natin ang ating
pagtanggap sa nakapagandang biyaya ng
Diyos, si Hesus na nagmahal at nakiisa sa
atin. Mahalagang ipahayag natin na "May
isinilang sa akin sa araw na ito, may bagong
buhay n dumating sa akin".

(Sisindihan ang nasindihan nang kandila at sisindihan ang


ikaapat na kandila na kulay ube)

Tagapagsindi: Nagpapasalamat kami sa Iyo,


Ama, sa pagpapadala Mo sa amin ng Iyong
Anak, si Hesus. Naniniwala kaming higit na
mabuti ang magbigay kaysa tumnggap. Higit
na mabuti ang Iyong pagmamahal kaysa
anumang regalo na maaari naming
natatanggap. Nwa ay tanggapin Ka namin at
pasalamatan tuwina, hindi lamang sa salita
kundi sa pagsunod sa Iyong halimbawa ng
tamang pagbibigay. Sa pamamagitan ni
Hesukristo. Amen.

Bayan: Halina, Panginoong Hesus.

Tagapagsindi: Panginoon, nangako Kang


mananatili Ka sa piling namin hanggang s
katapusan ng mundo, naw ay lagi naming
madama na kasama Ka namin.
10
Bayan: Halina, Panginoong Hesus.

Tagapagsindi: Marapatin Mong maghari sa


amin ang pagkakaisa, pagmamahalan, pag-
uunawaan at pagmamalasakit sa isa't-isa hindi
lamang ngayong Pasko kundi sa bawat araw
ng aming buhay.

Bayan: Halina, Panginoong Hesus!

Tagapagsindi: Ilaw na hindi napapawi,


gisingin ang aming pananampalataya.

ANG PANGUNGUMPISAL

Lektor: Lumuhod po ang lahat.

Pari: Pagsisihan natin ang ating mga


pagkakasala sa Diyos at sa ating kapwa
upang tayo’y maging handa at karapat-dapat
sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

Lahat: Kami ay nangungumpisal sa Iyo,


O Diyos na makapangyarihan sa lahat ng
Santo at sa isa’t-isa, na kami’y nagkasala sa
aming maling naisip, nasabi, nagawa at sa
11
nakaligtaan naming gawain; at ito ay
sarili naming kamalian. Kaya isinasamo
namin sa Iyo, O Diyos, na kaawaan kami,
at sa lahat ng Santo na ipanalangin kami sa
Iyo Panginoon naming Diyos. Amen.
Pari: Kaawaan kayo ng Makapangyarihan
Diyos, patawarin kayo sa inyong mga
kasalanan at patnubayan kayo sa buhay na
walang hanggan; sa pamamagitan ni
Hesukristong ating Panginoon.
Bayan: Amen.
Lektor: Tumayo po ang lahat.
KYRIE ELEISON
Pari: Panginoon, Maawa Ka
Bayan: Panginoon, Maawa Ka
Pari: Panginoon, Maawa Ka
Bayan: Kristo, Maawa Ka
Pari: Kristo, Maawa Ka
Bayan: Kristo Maawa Ka
12
Pari: Panginoon, Maawa Ka
Bayan: Panginoon, Maawa Ka
Pari: Panginoon, Maawa Ka
Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Tayo’y Manalangin
(Pagkatapos ng panalangin ay uupo ang lahat. May babasa
ng mga nakatakdang bahagi ng Banal na Kasulatan. Ang
mga babasa ay tatayo sa may Atril o dakong makikita o
maririnig ng kongregasyon.)

Lektor: Maupo po ang lahat


(Isa sa mga sumusunod na babasahin at gradwal ay
maaaring kaligtaan maliban kung Linggo at mga
kapistahan)

ANG PAGBASA MULA SA


MATANDANG TIPAN
Tagapagbasa: Ang pagbasa mula sa Aklat
ng/ni _________________, Kabanata_____,
nagsisimula sa ika-_____ talata hanggang
ika-_____ talata.
(Matapos ang pagbasa ay sasabihin ng Tagapagbasa)
13
Tagapagbasa:Ito ang Salita ng Panginoon.
Bayan: Salamat sa Diyos!
SALMO RESPONSORYO
Lektor: Tumayo po ang lahat. (Kung ang
salmo ay bibigkasin)
(Kung aawitin ang salmo o may imno na aawitin ay
maaaring manatiling nakaupo ang lahat.)

ANG EPISTOLA
Tagapagbasa: Ang pagbasa mula sa Aklat
ng / Sulat ni ________, Kabanata ____,
nagsisimula sa ika-____ talata, hanggang ika-
____ talata.
(Matapos ang pagbasa ay sasabihin ng Tagapagbasa)

Tagapagbasa: Ito ang Salita ng Panginoon.


Bayan: Salamat sa Diyos!
(Samantalang inaawit o sinasabi ang isang salmo, imno o
awit ay isasagawa ang paghahanda sa pagbasa ng
Ebanghelyo.)

Lektor: Tumayo po ang lahat


ANG BANAL NA EBANGHELYO
14
(Sa pagsisimula ng Ebanghelyo ay sasabihin ng Pari o
Diyakono)

Pari o Diyakono: Ang Panginoon ay


sumainyo.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari o Diyakono: Ang Ebanghelyo ayon
kay_____________, Ika-___ kabanata,
nagsisimula sa ika-__ talata hanggang ika-__
talata.
Bayan: Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.
(Matapos ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ay sasabihin)

Pari o Diyakono: Ang Ebanghelyo ng


Panginoon.
Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.
ANG SERMON
Lektor: Maupo po ang lahat.
(Matapos ang sermon ay tatayo ang lahat.)

Lektor: Tumayo po ang lahat.


15
ANG KREDO
Pari: Sabay-sabay nating ipahayag ang
Kredo ng Santa Iglesya.
Lahat: Sumasampalataya tayo sa Iisang
Diyos, Amang Makapangyarihan na lumikha
ng langit at lupa, at ng lahat ng nakikita at di-
nakikita. Sumasampalataya tayo sa Iisang
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng
Diyos, nagmula sa Ama bago pa nagsimula
ang panahon, Diyos buhat sa Diyos, liwanag
mula liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos
na totoo, inianak hindi nilikha, kaisa sa
pagka-Diyos ng Ama. Sa pamamagitan Niya
ay nilikha ang lahat, na para sa ating mga tao
at sa ating kaligtasan ay nanaog Siya buhat sa
langit, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
Espiritu Santo ay ipinanganak Siya ni
Mariang Birhen at nagging tao. Ipinako sa
Krus alang-alang sa atin sa panahon ni
Poncio Pilato, nagpakasakit, namatay at
inilibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw
sa katuparan ng mga kasulatan. Umakyat
Siya sa langit at naluklok sa kanan ng Ama,
16
at muling darating na maluwalhati upang
hukuman ang mga buhay at ang mga patay, at
ang kaharian Niya ay walang hanggan.
Sumasampalataya tayo sa Espiritu Santo, ang
Panginoon na tagapagbigay ng buhay na
nagbubu hat sa Ama. Sinasamba Siya at
niluluwalhating kasama ang Ama at ang
Anak. Nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga
propeta. Nananalig tayo sa Iglesyang Iisa,
Banal, Katolika at Apostolika. Naniniwala
tayo sa Iisang binyag, sa ikapagpapatawad ng
aming mga kasalanan, at hinihintay natin ang
muling pagkabuhay ng mga namatay at ang
buhay na walang hanggan. Amen!
PANALANGIN NG BAYAN SA
PANAHON NG ADVIENTO
Pari: Sa kapayapaan, manalangin tayo sa
Panginoon.
Lektor: Lumuhod po ang lahat.
Namumuno: Sa ikapapayapa ng sanlibutan,
upang yumabong ang diwa ng paggagalangan

17
ng mga bansa at mga tao sa isa’t isa,
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa banal na Iglesia ng
Diyos, upang mapuspos nawa ito ng
katotohanan at pag-ibig, at manatiling walang
bahid-dungis hanggang sa araw ng Kanyang
pagdating, Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para kay _______ na ating
Obispo Maximo, kay ________ na Ating
Obispo Diyosesano, at para sa lahat nag pari
at iba pang mga ministro, at para sa buong
banal na bayan ng Diyos, Manalangin tayo sa
Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa lahat ng umiibig sa
Diyos at sumasampalataya kay Kristo, upang
ang ating pagkakahati-hati ay mawala at ang
lahat ay magkaisa, Manalangin tayo sa
Panginoon.
18
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa gawain ng buong
Iglesia, na sa pamamagitan ng matapat na
pagsapi ay ipahayag nawa Niya ang
Ebanghelyo sa lahat ng dako ng daigdig,
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Sa lahat ng pinagkakatiwalaan
ng gawaing pangmadla, (lalong- lalo na sa
ating pangulo, punong lalawigan at punong
bayan) upang sila nawa’y maging
makatarungan, tagapagtaguyod sa karangalan
at makapagbigay ng kalayaan sa lahat ng tao,
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Sa ikapagpapala ng gawain ng
lahat ng tao, sa wastong paggamit ng
kayamanan ng sanlibutan, upang mailigtas
ang sangkatauhan sa pagkagutom at
kapahamakan, Manalangin tayo sa
Panginoon.

19
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa mga maralita, sa mga
inaapi, sa mga upang maligtas ang
sangkatauhan, Manalangin tayo sa
Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa mga maralita, sa mga
inaapi, sa mga may sakit at mga nagdurusa,
upang sila nawa’y maibsan ng hirap at
mapangalagaan, Manalangin tayo sa
Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa kongregasyong ito; para
sa mga narito ngayon at sa mga wala rito,
upang tayo nawa’y maiadya sa katigasan ng
puso at maipamalas ang kanyang
kaluwalhatian sa lahat nag ating gawain,
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa ating sarili, sa
ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan at
20
para sa biyaya ng Espiritu Santo upang
mapaging-bago ang ating buhay, Manalangin
tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa lahat ng umaasa sa
ating panalangin: (lalong-lalo na sa mga
nagpapasalamat na si/sina) ,para sa ating mga
pamilya, mga kaibigan at kapwa; mamuhay
nawa sila ng may kagalakan, kapayapaan at
kalusugan na ligtas sa mga alalahanin,
Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.
Namumuno: Para sa lahat ng sumakabilang
buhay na sumasampalataya kay Kristo
(lalong-lalo na si/sina) , na kasama ng lahat
ng mga banal, mamayapa nawa sila doon sa
pook na walang sakit o pagtangis kundi
buhay na walang hanggan, Manalangin tayo
sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, pakinggan Mo kami.

21
Namumuno: Magsaya sa kalipunan ng
walang hanggang pinagpalang Mariang
Birhen, at sa lahat ng mga banal, itagubilin
natin kay Kristo na ating Diyos na ating mga
sarili, ang isa’t isa at ang ating buhay.
Lahat: Sa iyo, O Panginoon naming Diyos,
tanggapin Mo ang aming panalangin, sa
Iyong napakaraming awa, masdan Mo kami
ng may pagkahabag at ang lahat ng
humihingi ng tulong sa Iyo. Sapagkat Ikaw ay
puspos ng biyaya kaya’t niluluwalhati Ka
namin Ama, Anak at Espiritu Santo, ngayon
at magpakailanman. AMEN!

ANG BANAL NA EUKARISTIYA

Lektor: Tumayo po ang lahat.

ANG KAPAYAPAAN

Pari: Mga kapatid, tayo ang Katawan ni


Kristo, sa pamamagitan ng isang Espiritu,
tayong lahat ay pinag-isang katawan,
nang tayo’y binyagan.
22
Bayan: Panatilihin natin ang pagkakaisa
na dulot ng Espiritu sa bigkis ng
kapayapaan.

Pari: Lagi nawang sumainyo ang kapayapaan


ng Panginoon.

Bayan: At sumainyo rin.

ANG PAG-AALAY

Pari: Buong kagalakang ihandog natin sa


Panginoon ang mga alay ng ating buhay at
gawain.

Lektor: Maupo po ang lahat.

(Ang mga handog ng Bayan ay lilikumin. Isang awit ang


maaaring awitin. Ang Banal na Hapag, ang Tinapay at Alak
ay ihahanda. Samantala, ang Bayan ay nakaupo.)

Lektor: Tumayo po ang lahat.

(Kung handa na ang lahat ay tatayo ang bayan. Dadalhin sa


altar ng mga kinatawan ng Bayan ang mga handog na salapi
at iba pang mga alay; pati na ang Tinapay at Alak, at iaabot
ang mga ito sa Diyakono, na siya namang maglalagay ng
mga ito sa ibabaw ng Banal na Hapag.)

23
Pari: Walang hanggang Diyos, idinudulog
namin sa Iyo ang mga handog na Alay,
Tinapay at Alak. Marapatin Mong tanggapin
ang mga handog na ito, bilang tanda ng
aming pag-aalay ng aming sarili sa Iyo. Nawa
sa pamamagitan nito ay matang gap namin
ang lahat ng Iyong kaawaan, mabuklod kami
sa bigkis ng pag-iibigan at mapaging bago
kami sa paglilingkod sa Iyo, sa bisa ng
sakramento ng Katawan at Dugo ng Iyong
Anak na si Hesukristo na aming
Tagapagligtas. Amen.

(Babalik sa upuan ang mga nag-alay. Dito, kung Misa


Kantada ay magsusuob ng insenso. Habang nag-iinsenso,
maaaring umawit ng isang imno)

Pari: Manalangin tayo, mga kapatid, upang


ang ating hain ay maging marapat sa Diyos
Amang Makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon an


gating hain, sa ikapupuri at ikaluluwalhati ng
Kanyang Pangalan, sa ikabubuti natin at ng
buo Niyang Iglesya.

24
ANG DAKILANG PASASALAMAT

Pari: Ang kagandahang-loob ng Panginoon


ay mananatiling walang-hanggan sa mga may
takot sa Kanya, at ang Kanyang
pagkamatuwid sa sali’t-saling lahi.

Bayan: Lalo’t higit sa mga tumutupad sa


Kanyang Tipan at sumusunod sa Kanyang mg
utos.

Pari: Itinatag ng Panginoon ang Kanyang


luklukan sa langit, at ang Kanyang paghahari
ay sumasaklaw sa lahat.

Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong


lahat na anghel Niya, kayong may lakas at
kapangyarihan na tumutupad sa Kanyang
Salita.

Pari: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong


lahat na hukbo Niya, kayong mga lingkod
Niya, na sumusunod sa Kanyang kalooban.

Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon,


kayong lahat na Kanyang nilikha, sa lahat ng
dako na Kanyang nasasaklawan, purihin ang
Panginoon.
25
Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.
Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Itaas ang inyong mga puso.


Bayan: Itanataas namin sa Panginoon.

Pari: Magpasalamat tayo sa ating Panginoong


Diyos.
Bayan: Matuwid na Siya’y ating pasalamatan
at purihin.

Pari: Tunay na marapat, aming tungkulin at


kaligayahan, lagi at saan man, pasalamatan
Ka namin, Panginoon, Banal na Ama,
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos.

SA PANAHON NG ADBIYENTO

Sapagkat isinugo Mo ang Iyong Mahal na


Anak upang kami’y iligtas sa kasalanan
at kamatayan, at kami’y gawin Niya sa
Kanyang sarili na mga anak at tagapagmana
ng buhay na walang hanggan: upang sa
Kanyang pagdating na muli na lipos ng lakas
at dakilang tagumpay upang hukuman ang
daigdig, kami ay magsaya nang walang
26
pagkahiya o pagkatakot na masdan ang
kanyang pagpapakita.

Pari: Kaya nga, kasama ang mga anghel at


mga arkanghel, at lahat ng kalipunan ng
langit, buong kagalakan naming ipinahahayag
ang Iyong kaluwalhatian, laging nagpupuri sa
Iyo at nagsasabing,

Pari at Bayan: Banal, Banal, Banal na


Panginoon, Diyos ng kapangyarihan at lakas,
ang langit at lupa’y napupuspos ng Iyong
kaluwalhatian. Osana sa Kaitaasan, pinagpala
ang dumarating sa pangalan ng Panginoon,
Osana sa Kaitaasan!

Pari: Banal at butihing Ama, sa Iyong


walang hanggang pag-ibig ay nilalang Mo
kami para sa Iyong sarili; nang kami ay
nagkasala at napaalipin sa kasamaan at
kamatayan, sa awa Mo’y isinugo Mo si
Hesukristo, na Iyong Bugtong at walang
hanggang Anak, upang maging tao na tulad
namin, upang mamuhay at mamatay
bilang isa sa amin, at muling ipagkasundo
kami sa Iyo, ang Diyos at Ama ng lahat.
Siya ay ipinako sa krus at nag-alay ng
Kanyang sarili, isang ganap na hain para sa
27
sangkatauhan bilang pagsunod sa Iyong
kalooban.

Lektor: Lumuhod po ang lahat.

(Luluhod ang lahat bilang paggalang sa Tinapay at Alak. Sa


mga sumusunod na Salita hinggil sa Tinapay, ipapatong ng
Pari ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng Tinapay o
kaya’y hahawakan niya ito. At sa mga Salita hinggil sa
Kalis,ipapatong niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw
nito o kaya’y hahawakan niya ito.)

Pari: Sapagkat nang gabing Siya’y


ipagkanulo, kumuha Siya ng tinapay, at nang
Siya’y makapagpasalamat sa Iyo, ito’y
Kanyang piniraso at ibinigay sa Kanyang
mga alagad at sinabi:

“Kunin, kanin, ito ang aking katawan na


ipinagkakaloob sa inyo, gawin ninyo ito sa
pag-alaala sa akin.”

Matapos ang hapunan ay kinuha Niya ang


Kalis na may Alak, at nang Siya’y
makapagpasalamat, ito’y Kanyang ibinigay
sa kanila at sinabi:

“Inumin ninyo ito, kayong lahat, sapagkat


ito ang aking dugo ng bagong tipan, na
28
ibinubuhos ko para sa inyo at para sa
marami, sa ikapagpapatawad ng inyong
mga kasalanan, kailanman at iinumin
ninyo ito ay gawin sa pag-alaala sa akin.”

Lektor: Tumayo po ang lahat.

Pari: Ipahayag natin ang buod ng ating


paghihintay kay Kristo.

Lahat: Ang kamatayan mo Jesus ay aming


ipinapahayag, ang muli Mong Pagkabuhay ay
aming ipinagdiriwang, hanggang sa iyong
pagbabalik.

Pari: Aming ginaganap ang pag-alaala sa


pagkakaligtas sa amin O Ama, sa handog na
ito ng papuri at pasasalamat ay iniaalay
namin sa Iyo ang mga handog na ito.

Lektor: Lumuhod po ang lahat.

Pari: Pakabanalin Mo po ang mga ito sa


pamamagitan ng Iyong Espiritu Santo upang
para sa Iyong bayan ay maging Katawan at
Dugo ng Iyong Anak na siyang Banal na
pagkain at inumin ng bago at walang
katapusang buhay sa Kanya. Sa pamamagitan
29
Niya, at kasama Niya, at sa Kanya, na kaisa
ng Espiritu Santo. Ang lahat ng karangalan at
kaluwalhatian ay sa Iyo, O Amang
makapangyarihan, ngayon at
magpakailanman.

Bayan: Amen!

Lektor: Tumayo po ang lahat.

Pari: Tulad ng itinuro sa atin ng ating


Tagapagligtas na si Hesukristo, tayo’y
manalangin.

Lahat: Ama Namin, na nasa langit,


Sambahin ang Ngalan Mo, Sumapit nawa ang
kaharian Mo, Sundin ang loob Mo dito sa
lupa tulad ng sa langit. Bigyan Mo kami
ngayon ng aming kakanin sa araw-araw;
patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa nagkakasala
sa amin. Huwag Mo po kaming ipahintulot sa
pagsubok bagkus iadya sa lahat ng masama.
Sapagkat sa Iyo nagmumula ang kaharian,
ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian,
ngayon at magpakailanman. Amen!

Lektor: Lumuhod po ang lahat


30
Ang Pagpiraso ng Tinapay

Pari: Panginoon, isinasamo namin sa Iyo na


iligtas kami sa lahat ng masama at ipagkaloob
Mo sa amin ang Iyong kapayapaan, sa tulong
ng Iyong awa ay ilayo kami sa pagkakasala at
iligtas sa ligalig, sa pamamagitan ng Iyong
Anak na si Hesukristo na aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at
ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman.

Lahat: Amen!

Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng


kasalanan ng sanlibutan.
Bayan: Maawa Ka sa amin.
Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng
kasalanan ng sanlibutan.
Bayan: Maawa Ka sa amin
Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng
kasalanan ng sanlibutan.
Bayan: Ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong
kapayapaan.

(Saglit na tumahimik)

31
Ang Banal na Komunyon

Lektor: Lumuhod po ang lahat

Pari at Bayan: Dumudulog kami sa Iyong


hapag, maaawing Panginoon, na hindi
nananalig sa sarili naming pagkamatuwid,
kundi sa Iyong marami’t dakilang awa. Hindi
kami karapat-dapat na mamulot ng mga
mumo sa ilalim ng Iyong hapag subali’t likas
sa Iyo ang pagkamaawain. Ipagkaloob Mo sa
amin, kung gayon, butihing Ama, na aming
tanggapin ang Katawan ng Iyong Mahal na
Anak na si Hesukristo at inumin ang
Kanyang Dugo, upang kami na pinalalakas at
pinagiging-bago ng Kanyang buhay ay
manahanan sa Kanya at Siya’y sa amin,
magpakailanman. Amen!

(Habang itinataas ng Pari ang Tinapay at Kalis ay sasabihin


niya sa bayan)

Pari: Ang mga kaloob ng Diyos para sa


Bayan ng Diyos, kunin ninyo ang mga ito sa
pag-alaala na ibinigay ni Kristo ang Kanyang
sarili para sa inyo, at tanggapin ninyo Siya sa
inyong mga puso, sa pamamagitan ng
pananampalataya na may pasasalamat.
32
Pari: Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng kasalanan ng sanlibutan. Pipagpala ang
mga tumatawag sa Kanyang hapunan.

(Magkokomunyon ang Pari, susunod ang mga Ministro, at


ang bayan. Ibibigay ang Tinapay at Alak sa mga
magkokomunyon at sasabihin ang mga salitang: )

Pari: Ang Katawan at Dugo ni Kristo.


Nagkokomunyon: Amen!

(Habang nagkokomunyon ay maaaring umawit ng isang


imno. Matapos makapagkomunyon ang lahat, ang mga
nalalabing Tinapay at Alak, maliban sa inilaan para sa
pagkokomunyon sa mga maysakit o malapit nang mamatay,
ay uubusin. Ang mga sisidlan ay huhugasan at lilinisin at
ang hapag ay isasaayos.)

ANG PAGHAYO

Babalik ang Pari sa dakong kanyang upuan o kaya ay


haharap sa bayan. Lahat ay tatayo)

Lektor: Tumayo po ang lahat.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Tayo’y manalangin.

33
Lahat: Walang hanggang Diyos na aming
Ama, tinanggap Mo kami bilang mga buhay
na bahagi ng katawan ng Iyong Anak na si
Hesukristong aming Panginoon. At kami’y
Iyong pinalakas sa pamamagitan ng
Sakramento ng Kanyang matagumpay na
buhay. Kami nawa ngayo’y maging pirasong
tinapay na handang ipamahagi sa mga tao,
ang pag-ibig Mo sa ami’y lumunas nawa sa
mga sugat na nilikha namin, ang Iyong mga
salita sa aming mga labi nawa’y magpahayag
ng kapayapaan sa lahat ng tao. Isugo Mo
kami nang may magandang tinatanaw at lakas
upang mapaglingkuran ang Iyong Anak
maging sa pinaka-aba Niyang mga kapatid.
Kaya’t pupurihin at luluwalhatiin ang Iyong
pangalan ngayon at sa mga panahong
darating hanggang ang lahat ay maganap sa
Iyong kaharian. Amen.

Lektor: Lumuhod po ang lahat

(Ang mga sumusunod na pagbabasbas ay sasabihin ng


Obispo kung sila ay dumalo. Maaaring sabihin ng Pari
maliban sa bersikulong nauukol sa Obispo)

Obispo: Purihin ang Pangalan ng Panginoon.


Bayan: Ngayon at magpakailanman.
34
Obispo: Ang ating tulong ay nasa Pangalan
ng Panginoon.
Bayan: Na lumikha ng langit at lupa.

Obispo o Pari: Ang kapayapaan ng Diyos na


di-malirip ng buong pang-unawa, matatag na
ingatan kayo sa kaalaman at pag-ibig sa
Diyos, at sa Kanyang Anak na si Hesukristo,
na ating Panginoon, at ang pagpapala ng
Makapangyarihang Diyos, ang Ama, ang
Anak at ang Espiritu Santo, nawa’y sumainyo
at laging manatili sa inyo.

Bayan: Amen!

Lektor: Tumayo po ang lahat.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Ngayon di’y humayo kayo upang ibigin


at paglingkuran ang Panginoon at ang ating
kapwa.
Lahat: Salamat sa Diyos!

(Manatili sa pagkakatayo at sa simbahan habang inaawit


ang pangkatapusang awit, samantalang lumalabas ang mga
Ministro)

35
ANG PAGLILIPAT NG BANAL NA
SANGGOL

(Lalapit sa Unahan ang Kasalukuyang Pamilya na


nangangalaga ng Banal na Sanggol gayon din ang
Pagsasalinan nito.)

PARI: Ang Banal na sanggol ang siyang


sumusimbulo ng kapayapaan sa
sandaigdigan. Ipinangak sa isang sabsaban
simbulo ng kababaan ng loob. Ngayon kayo
ay naririto upang kalingain at arugahin ang
banal na sanggol tulad ng pag-aaruga ninyo
sa inyong mga anak.

TAGAPAG-ALAGA: Sa ilang panahon,


inalagaan namin ang banal na sanggol tulad
ng pag-aalaga namin sa aming mga anak.
Dalangin po namin na sa inyong kandungan
anuman ang inyong hilingin nawa’y matupad
dahil sa inyong matimyas na pananalig kay
Jesus na siyang Panginoon ng sanlibutan.
Amen.

(Isasalin ng Kasalukuyang nangangalaga ang Banal na


sanggol sa paglilipatan nitong Pamilya.)

MAG-AALAGA: Mga kapatid hayaan


ninyong ampunin namin ang banal na sanggol
36
ng may talos na pananalig. Aalagaan namin at
aarugahin ang banal na sanggol tulad ng pag-
aaruga namin sa aming mga anak. sa kanyang
pananatili sa aming tahanan, hahayaan namin
na ang himala ng pag-ibig ng Diyos at
patnubay niya ang siya naming madama.
Amen.

PARI: Tayo’y manalangin: Mapagmahal na


Diyos, ng dahil sa iyong pagmamahal ay
isinugo mo ang iyong mahal na anak upang
kami’y iligtas sa aming mga kasalanan.
Nawa’y basbasan at pagpalain mo po ang
pamilyang mag-aampon sa iyong anak upang
lubos nilang mapagnilayan ang tunay na
gampanin ng Banal na sanggol sa sanlibutan
ito’y samo at dalangin namin sa pamamagitan
ni Kristo na aming tagapagligtas. Amen.

(Babasbasan ng Pari ang Pamliyang nag-ampon at umampon


sa Banal na Sanggol.)

37
38

You might also like