You are on page 1of 3

Tricia Marie L.

Cubillas
Misa noong Oktubre 30, 2010
Fr. Chiqui Plasibe

« Ang kaligtasa’y dumating ngayon sa sambahayang ito » (Lk. 19 :10)


Ang Kristiyano ay naghahatid ng kaligtasan at pag-asa sa kanyang kapwa.

LITURHIYA
Bukas ating aalalahanin ang mga Banal na nakamit na ang kaligtasan sa kalangitan, subalit atin pa
ring kaugnay sa ngayon maging sa pagdiriwang ng liturhiya.

Turo ng Simbahan

Hindi kailanman huli na maabot natin ang puso ng iba o ni walang saysay ito. Sa ganitong paraan
aming higit na malilinaw ang bahagi ng pag-asang Kristiyano. Ang ating pag-asa aya pag-asa rin para sa
iba. Bilang mga Kristiyano hindi lamang natin dapat itanong: “Paano ako maliligtas?” Dapat nating
itanong : « Ang anong magagawa ko para mailigtas ang iba ? »

Pambungad na Panalangin

Ama naming makapangyarihan, ang paglingkuran ka ayon sa iyong kasiyahan ay kaloob na iyong
ibinibigay sa iyong mga hinirang. Gawin mong ang iyong mga pangako ay aming mapakinabangan ayon sa
paraang iyong kinalulugdan sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Unang Pagbasa

Pagpapahayag mula sa Aklat ng Karunungan

Panginoón sa iyóng paningin, kung hindi mo kalooban,


ang buong daigdig ay para lamang isang butil na at walâng makapagpapatuloy kung hindi mo
buhangin nilalang.
na di halos makatikwas ng timbangan;
para lamang isang patak ng hamog sa umaga sa Ipinahintulot mong manatili ang bawat nilikha
pisngi ng lupa. sapagkat bawat isa ay sa iyó.
Labis-labis ang kapangyarihan mo para gawin Ang lahat ng nabubuhay ay mahal mo,
ang anuman, Panginoón.
ngunit mahabagin ka sa bawat kinapal; Ang diwa mong walâng kamatayan ay nasa
pinagpapaumanhinan mo ang aming mga kaniláng lahat,
pagkukulang, kaya unti-unti mong itinutuwid ang mga
at binibigyan mo kamí ng panahong nagkakasala.
makapagsisi.
Ipinaaalaala at binababalaan mo silá sa kaniláng
Mahal mo ang lahat ng bagay, mga ginawa,
at walâ kang hinahamak sa iyóng mga nilalang. upang iwanan na nila ang kaniláng masamang
Kung hindi gayon, ay bakit mo pa silá nilikha? pamumuhay
at sa iyó silá manalig, Panginoón.
Walang anumang bagay na mananatili
Ikalawang
Pagbasa

Pagpapahayag mula sa Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga Taga-Tesalonica

Mga kapatid:

Lagi namin kayóng isinasama sa aming mga dalangin sa Diyós


na nawa’y maging karapatdapat kayó sa pagkatawag niya sa inyó.
At ipagkaloob nawa niya sa inyó sa pamamagitan ng kaniyáng kapangyarihan
ang lahat ng mabuti ninyong hangarin
at lubusin ang inyóng mga gawang bunga ng pananampalataya.
Kung magkagayon,
mabibigyan ninyo ng karangalan ang pangalan ng ating Panginoóng Hesús,
at kayó namán ay bibigyan din ng karangalan
ayon sa kagandahangloob ng Diyós at ng Panginoóng Hesukristo.

Tungkol namán sa pagparito ng ating Panginoóng Hesukristo


at sa pagtitipon niya sa atin,
ipinamamanhik namin sa inyó,
mga kapatid,
na huwag kayóng magugulat agad
o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoón.
Huwag kayóng maniniwala kahit sabihin nilang itó’y hula o pahayag,
o kaya’y sulat na galing sa amin.
Ang Mabuting
Balita
Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Lucas (19:1-10)

Noong panahong iyon, pumasok si Jesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan. Doo’y may
isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan niyang
Makita si Jesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siya’y napakapandak, at dahil sa dami ng
tao, hindi niya Makita si Jesus. Kaya’t patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng
sikomoro upang Makita si Jesus na magdaraan doon. Pagdating ni Jesus sa dakong iyon, siya’y
tumingala at sinabi sa kanya, « Zaqueo, bumaba ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy
ngayon sa bahay mo.” Nagmamadali siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus. Lahat
ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. “Nakikituloy siya sa isang makasalanan,” wika nila.
Tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay kop o sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-
arian. At kung ako’y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.” At sinabi
sa kanya ni Jesus, “Ang kaligatasa’y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham
ang taong ito. Sapagkat naparito ang anak ng tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”

Homily:

Ang sermon na para sa araw na ito’y ang kadalasang sinasabi rin sa House Blessing. Sa
seremonyas o kaganapang iyon, nagsasagawa tayo ng house blessing sa ating mga tahanan
upang papasukin ang Panginoon sa ating sariling tinitirhan. Sa ating pagpapanatili at
pagtanggap sa Diyos maski sa ating sariling tahanan, mas napapatibay ang ating pananalig at
pananampalataya marahil ating batid na siya’y ating kasa-kasama.
Ngayong darating na Lunes ay ang nalalapit na Undas. Dito’y ating dinadalaw ang ating
mga mahal sa buhay na nilisan na ang mundong kinagagalawan natin. Dito, sila’y ating
pinagdadasal. Ngunit sa ating nakikita ngayon, Undas man, makikita mo sila sa sementeryo
mismo nagsusugal, nag-iinuman. Marahil hindi dapat natin kinalilimutan kung bakit tayo
naroroon. Igalang natin ang ating yumaong minamahal sa buhay. Minsan lamang sa isang taon
ito mangyari kaya dapat na nating ito ibigay para sa kanila at hindi para pa rin sa mga personal
na kagustuhan natin lalo sa mga walang kwentang bagay pa man.

“Humayo kayo sa kapayapaan at ihatid ang kaligtasan sa lahat”

You might also like