You are on page 1of 6

RITO NG PAGPAPAHID NG ABO

PAMNBUNGAD NA AWIT

BUKSAN ANG AMING PUSO


Buksan ang aming puso, Turuan mong mag-alab
Sa bawat pagkukuro, Lahat ay makayakap.
Buksan an gaming isip, Sikatan ang liwanag,
Nang kusang matangkilik, tungkuling mabanag.
Buksan ang aming palad, sarili maialay
Tulung mong ihanap, kami ng bagong malay.

NAMUMUNO: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


LAHAT: Amen.
NAMUMUNO: Magandang _____ sa inyong lahat. Sa araw na ito ay
Ipinagdiriwang natin ang miyerkules ng abo o ang pagpapahid
Ng abo sa noo. Ang abo mula sa sinunog na palaspas na
Binasbasan nooong lingo ng palaspas.
Sa araw na ito ay sinisimulan natin ang panahon ng kuwaresma
O ang apatnapung araw na paghahanda para sa pasko ng
pagkabuhay
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

NAMUMUNO: Ama naming makapangyarihan, ipagkaloob mong masimulan


Namin ngayon sa banal na pagkukusang magtiis ng kagutuman,
Ang pakikipagtunggalian bilang mga kapanig ni kristo. Sa
Aming pagsugpo sa mga salungat sa pamumuhay sa espiritu,
Maging amin nawang sandata ang pagtitimpi sa sarili sa
Pamamagitan ni hesukristo kasama ng espiritu santo
Magpasawalang hanggan
LAHAT: Amen.

PAGBASA
NAMUMUNO: Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng
Panginoon ayon Kay San Mateo (Mt. 6:1-6)
Noong panahong iyon,sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad
“Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang
paggawa ninyo ng mabuti.Kapag ganyan ang ginawa
ninyo,wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong
Amang nasa langit. “Kaya nga,kapag naglilimos ka, huwag mo
nang ipagmakaingay ito ,katulad ng ginagawa ng mga
mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga
lansangan.Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga
tao.Sinasabi ko sa inyo:tinatanggap na nilang kanilang
gantimpala.Ngunit kung naglilimos ka,huwag mo nang ipaalam
ito kahit sa inyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim
ang inyong paglilimos.At gagantimpalaang ka ng inyong
Amamg nakakakita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim. “At
kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga
mapagimbabaw.Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga
sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang Makita ng mga
tao.Sinasabi ko sa inyo:tinanggap na nila ang kanilang
gantimpala.Ngunit kapag mananalangin ka,pumasok ka sa
inyong silid at isara mo ang pinto.Saka ka manalangin sa
inyong Amang hindi mo nakikita,at gagantimpalaan ka ng
inyong Amang nakakakita kabutihang ginagawa mo ng lihim.
“Kapag nag-aayuno kayo,huwag kayong magmukhang
malungkot ,tulad ng mga mapagimbabaw.Hindi sila nag-aayos
upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno.Sinasabi ko sa
inyo :tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.Kapag ikaw ay
nag-aayuno,mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang
huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno.Ang inyong
Amang hindi mo nakikita ang siya lamang lihim ,ang
gagantimpala sa iyo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
LAHAT: Pinupuri ka naming,Panginoong Hesukristo
PAGNINILAY
Ang Miyurkules na Abo ay simula ng panahon ng Kuwaresma.Ang Kuwaresma
ay ang apatnapung araw na paghahanda para sa pinakadakilang kapistahan ng
Santa Iglesya,ang Pasko ng pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Hesukristo.
Ang pagpapahid ng abo sa noo ay nagsasaad sa pasimula n gating sama-samang
pagbabalik-loob sa Panginoon upang tayo’y maging karapat- dapat na makibahagi
sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus.Ang abo sa noo ay katulad ng mga
gawang kabanalan na tinukoy ni Hesus sa Ebanghelyo:ang pagdarasal, ang pag-
aayuno, at ang paglilimos.
Ang abo sa noo ay tanda n gating pagtitika o pagsisi sa ating mga kasanalan.Ito rin
ay tanda ng ating pagpapakababa at pagkilala sa harap ng Diyos na tayong
kanyang mga nilikha ay mas maraming pagkukulang na dapat bayaran.
Ang pag-aayuno ay tanda ring katambal na abi sa noon a tayong mga binigyan,sa
ating pagiging makasalanan ay naghahangad na magbalik-loob,at dahilan dito’y
handa tayong magpakasakit. Katungkulan ng lahat Ng katolikong nasa edad na
labing-apat na taong gulang (14 yrs. Old) o nasa edad na di-lalagpas sa
animnapung taong gulang (60 yrs. Old) nag mag-ayuno. Sa araw na ito at sa lahat
ng araw na biyernes (hanggang sa biyernes santo), tayo ay mag-abstinensya, ibig
sabihin, tayo ay hindi muna kakaen ng karneang pagdarasal ay walang iba kundi
ang pakikipag-usap natin sa Diyos,ang paghahayag natin sa poong Maykapal ng
ating pananalig at pagmamahal, n gating pag-asa at pagsisi, n gating
pangangailangan at katayuan
Ang paglilimos, bilang tanda ng pagmamahal sa kapawa , ay isa pang paraan ng
pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ito ay nagpapahayag na tayo ay handang mag-alay
bilang pagbabayad-uri. Sa kuwaresma lalo na, ang pag lilimos ay maaari at
magandang itambal sa pag-aayuno. Ang halagang ating pinag-aayunuhan o
pinagabstinensyahan o ang halagang ating naitabi ay maging ay magiging ibigay sa
mga kapus-palad at nangangailangan.
Ang Pagbabalik-loob natin sa Diyos ang ipinahhayag ng abo sa noo, ng pag-
aayuno, ng pag-lilimos at ng pagdarasal. Ngunit katulad ng anupamang mula sa
tao, ang mga gawaing, pagtulong sa kapwa, at pagpapakasakit. Ito nawang tunay
nating hangarin ang ipinahahayag ng tinataglay nating abo sa noo.
Ang pagpapahid ng abo
Namumuno: Minamahal na mga kapatid, manalangin tayo sa Amang Maykapal na
ang abong ito na ipapahid sa ating mga noo ay makapagpagunita ng pag-
pagbabalik loob at taimtim na pagnanasang makamtan ang kanyang pagmamahal.
Pormulang binibigkas habang nagpapahid ng Abo:
“Pagsisihan ang kasalanan at sumampalataya sa Ebanghelyo”
Pangwakas na Panalangin
Mapagmahal na Ama, salamat pos a inyong walang hanggang
pagmamahal sa amin. Kahit paulit-ulit kaming nagkakasala sa Iyo at sa
aming kapwa, patuloy mo kaming minamahal. Patawarin mo kami at
tulungan Mo kaming mamuhay na naayon sa iyong kalooban. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon at
tagapagligtas. Amen.
NAMUMUNO: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Satno
Bayan: Amen
PANALANGIN NG MGA KATEKISTA
Amang makapangyarihan, kami’y dumadalangin sa Iyo. Nawa’y pagpalain at
pakabanalin Mo kaming Iyong mga katekista. Sa daigdig na ito na magulo at
madilim, kami’y hinirang Mo upang maging tagapagpahayag ng iyong salita.
PANGINOONG HESUS, gawin mong kami ay maging kaisa mo lagi, sapagkat
kami ay Iyo. Nawa ang hiwaga ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay ang
Siyang pagbuhatan ng tunay naming pagmamalasakit para sa kaligtasan ng lahat.
Halina ESPIRUTUNG BANAL, liwanag at aming gabay. Manatili ka nawa sa
aming piling. Gawin mo kaming tagapaghatid ng Iyong pagmamahal kung saan
nagkukulang ito.
MARIA, Ina at huwaran naming mga Katekista, tulungan mo kaming maging tapat
na katulad mo. Nawa’y itanim naming sa aming puso ang salita ng Diyos at
mamuhay ayon sa aming pananampalataya.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kaming mga katekista
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kaming mga katekista
St. John Paul II, Ipanalangin mo kaming mga katekista
San Agustin, Ipanalangin mo kaming mga katekista.
PANALANGIN PARA SA MGA PARI
Ni Richard Cardinal Cushing
O mapagmahal na Diyos, masdan mo ang muka ng Iyong Anak at alang-alang sa
pag-ibig mo sa Kanya na siyang kataas-taasang Pari
Magdalang habag ka sa Iyong mga pari
Alalahanin mo O maawaing Diyos na sila’y marupok at mahinang mga nilikha
Mag-umapaw nawa sa kanila ang biyaya ng bokasyon ng mula sa kamay ng
kanilang mga Obispo.
Panatilihin Mo silang malapit sa Iyo, nang hindi magtagumpay ang kaaway
At ng makaiwas sila sa mga gawaing hindi karapatdapat sa kanilang bokasyong
sinumpaan.
Ipinapanalangin namin ang mga matapat na pari, ang mga nanlalamig na Pari, ang
mga Paring natutukso;
Mga bata at matatandang Pari
Mga paring nalulumbay at yaong nasa bingit ng kamatayan.
Ngunit higit sa lahat ipinagkakatiwala namin an gaming Paring nagbinyag sa amin.
Ang mga Paring nagpapatawad sa aming mga kasalanan, at mga Paring kung
kanikanino namin natatanggap ang Iyong Banal na katawan;
Ang lahat ng mga Paring pinagkakautangan namin ng loob sa iba pang paraan.
O Jesus, panatilihin Mo sialng malapit sa puso Mo at pagpalain Mo silang lubos
ngayon at sa kabilang buhay. Amen

You might also like