You are on page 1of 40

1|STA.

ELENA CHAPEL MISSION STATION - NAGTAHAN

INTRODUKSYON:
Tagapagdaloy:

Magandang gabi po sa inyong lahat mga kapatid!

Tayo ngayon ay nasa ikawalo araw


ng ating Misa Nobenaryo.
Ipinagdiriwang din natin ngayon
ang kapistahan ni San Jose Manggagawa.

Ang ating Punong Tagapagdiwang


ay ang ating Mission Station Priest
na si Reberendo Padre Rodolfo Abanes, Jr.

Magsitayo po ang lahat


at sumabay sa pambungad na awit.
2 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga
tagapaglingkod ay lalakad patungo sa altar, samantalang ang awiting
pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga ta


gapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan.
Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw ng altar. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos,
ang pari ay paroroon sa kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang
mga tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

Tagapagdiwang:

Sa ngalan ng Ama 
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.


Bayan:

At sumaiyo rin.
3|STA. ELENA CHAPEL MISSION STATION - NAGTAHAN

Ang tagapagdiwang o ang diyakono o sinumang angkop na tagapaglingkod ay


makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang
ipagdiriwang.

Tagapagdiwang:

Mga minamahal na kapatid kay Kristo,


tayo ngayon ay natitipon bilang isang
sambayanan na nagpupuri
at nagpapasalamat sa Diyos.

Tayo ngayon ay nasa ikawalong araw


ng ating pagmimisa nobenaryo.
Sa ating patuloy na pagsasakrispisyo
at pag-aalay ng ating sarili at oras
sa pagsisimba sa mga Misa Nobena,
patuloy nawa tayong pagpalain ni Kristo,
at ibigay ang ating mga natatanging kahilingan
na sasalamin din sa kanyang plano
para sa ating buhay.
Maaaring magdagdag ng paliwanag.
4 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Kaya naman,
aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat gumanap
sa banal na pagdiriwang.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan.

Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan:

Tagapagdiwang:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
5|STA. ELENA CHAPEL MISSION STATION - NAGTAHAN

Tagapagdiwang:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.

KYRIE

Panginoon, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
6 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

PAPURI SA DIYOS
Aawitin ang Papuri sa Diyos.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD
7|STA. ELENA CHAPEL MISSION STATION - NAGTAHAN

Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin ng saglit.

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang Maygawa sa tanang umiiral
at ang nagtakda sa batas ng paggawa
para sa sangkatauhan.
Ipagkaloob mo, pakundangan sa pagkauliran
at pagdalangin ni San Jose, na maganap namin
ang mga gawaing inyong inatas
at makamtan naming
ang gantimpala na iyong ipinangako
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.
8 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA
Genesis 1, 26 – 2, 3

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang


tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya
ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat
ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o
maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa
kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki
at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya,
“Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga
supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito.
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga
isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na
hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko
rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga
bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng
halamang luntian ay ibibigay ko naman sa
maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa
lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari.
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa,
at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at
sumapit ang umaga – ito ang ika-anim na araw.
9|STA. ELENA CHAPEL MISSION STATION - NAGTAHAN

Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at


lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na
araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at
siya’y nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala
niya ang ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa
araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang
lahat.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:

Salamat sa Diyos.
10 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16

Poon kami’y pagpalain


at iyong pagtagumpayin.
Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
ikaw noon ay Diyos na,
pagkat ika’y walang hanggan. (Tugon)

Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok,


sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon,
isang kisap-mata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.
(Tugon)

Yamang itong buhay nami’y


maikli lang na panahon.
Itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Hanggang kailan pa ba, Poon, titiisin yaring lagay
nitong iyong mga lingkod, sa gitna ng kahirapan?
(Tugon)

Kung umaga’y ipadama yaong


11 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

wagas mong pag-ibig,


at sa buong buhay nami’y
may galak ang aming awit,
ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din.
(Tugon)

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Salmo 67, 20

Aleluya! Aleluya!
Manunubos naming mahal,
salamat sa ‘yong patnubay
at paglingap araw-araw.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 54-58
12 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay


San Mateo

Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa


kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga.
Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila,
“Saan kumuha ng karunungan ang taong ito?
Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi
ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria
ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon,
at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At
dito nakatira ang kanyang mga kapatid na
babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat
ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t
sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y
iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling
bayan at sa kanyang sariling sambahayan.” At
dahil sa di nila pagsampalataya, hindi siya
gumawa roon ng maraming kababalaghan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.


HOMILIYA
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
13 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay
at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN
Tagapagdiwang:
14 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Ang Panginoon ang Mabuting Pastol


na nakakikilala sa mga kabilang
sa kanyang kawan sa kani-kanilang pangalan.
Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos
na taglay ang pagtitiwala
sa kanyang pag-ibig sa atin.
Manalangin tayo:

Paramihin mo ang bunga ng aming mga gawa, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y magpatuloy sa pagpapahayag


ng mga kahalagahan ng katarungan bilang susi sa
ating kapayapaan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan at mga ekonomista


nawa’y magsikap para sa makatarungang
pamamahagi ng mga yaman at magtaguyod ng
dangal ng lahat ng tao. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Ang mga negosyante nawa’y gamitin ang kanilang


mga pangkabuhayang interes para sa paglilingkod sa
lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga walang hanapbuhay nawa’y


makatagpo ng marangal na paraan ng ikabubuhay.
Manalangin tayo sa Panginoon.
15 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Ang mga yumaong naghirap sa paggawa noong sila


ay nabubuhay pa rito sa lupa nawa’y makatanggap
ng kanilang gantimpala sa kabilang buhay.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ilang sandali ng katahimikan itaas natin sa Diyos


ang ating personal na kahilingan gayundin ang mga
taong lubos na nangangailangan ng ating
panalangin. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tagapagdiwang:

Ama ng aming Manunubos,


16 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

sa pagsasama ng aming mga panalangin


at sa pamamagitan ni San Jose,
tulungan mo kaming makita sa aming mga
pagkilos ang dangal sa paggawa.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristo
na aming Panginoon.
Bayan:

Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap,
ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo,
ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
17 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan


ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa
Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana,


hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa
dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay
madarasal nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga
tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal


ngayon at kailanman!
18 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang


dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang
kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang
pabulong:

Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming
paggawa ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal


ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang


pabulong:

Diyos Amang Lumikha,


nakikiusap kaming mga makasalanan.
19 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog


upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang
buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at
ang dambana pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang
pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana,


maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko‘y hugasan

at linisin mong lubusan ang nagawa kong


pagsuway.

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang


kanyang mga kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang
ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid


20 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

upang ang paghahain natin ay kalugdan


ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
21 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Ama naming lumikha,


ikaw ang pinagmulan
ng tanang kagandahang-loob.
Tunghayan mo ang aming mga alay na inihahain
ngayong si San Jose ay ginugunita namin.
Para mo nang awang pagbigyan
ang aming kahilingang
kami nawa’y itaguyod at tulungan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO
V. Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumainyo rin.
22 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


R. Itinaas na namin sa Panginoon.
V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
R. Marapat na siya ay pasalamatan.
Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
ngayong ginugunita namin
si San Jose, ang manggagawa.
Niloob mong magpakasal
kay Mariang Birheng Mahal
si San Joseng maaasahan sa pananagutan
upang may amang lumingap
sa angkang kinabibilangan ng iyong Anak.
Sa kapangyarihan ng Espiritung Banal
isinilang ni Maria ang Anak mong minamahal
at para sa kanila si San Jose’y naghanap-buhay.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
23 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

SANTO

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang mga naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
24 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI

AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng
mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob ng ito
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya
ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
25 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay


ipahahayag ng malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging


handog,
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa
ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo,
ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Magpapatuloy ang Tagapagdiwang.


26 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw
ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan
ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng Tagapagdiwang:


27 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay
nagdarasal:

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay
ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


28 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

sa Katawan at Dugo ni Kristo


ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni Jose, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayundin ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria
na Ina ng Diyos,
ng kanyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal

na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-


lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang
pagpupuri sa ikararangal mo
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
29 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na
kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag.

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.

ANG PAKIKINABANG
30 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Tagapagdiwang


nang may magkadaop na mga kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa
ng lahat.

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal:


31 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat
ng kapahamakan samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng
pagpapahayag ng Tagapagligtas naming
si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang
panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan

at ang kapurihan magpakailanman! Amen.

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
32 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang


hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang Tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop
ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging


sumainyo.
Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o
Tagapagdiwang:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay
mabigbigyan ng kapayapaan. Ang Tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod
ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
33 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito


sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong
niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang
pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa
huling, pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.


34 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.

Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,

iadya mo ako sa tanang aking kasalanan


at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi
sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
Luluhod ang Tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya
na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng
malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon,
hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
35 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang


pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis at pabulong na


magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang
habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Samantalang nakikinabang ang Tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa
pakikinabang.
36 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa


kalis na huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay
ginaganap ng Tagapagdiwang, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap
ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa
amin ng kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang Tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang
saglit na katahimikan o makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang Tagapagdiwang ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng


dambana paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:
37 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit.

Ama naming mapagmahal,


kaming iyong pinapagsalo
sa banal na pakikinabang
ay tumanggap nawang lubusan
ng bungang walang maliw na kapayapaan
sa pagtataglay namin ng katibayan
ng iyong pag-ibig sa aming kalooban
ayon sa halimbawa ng San Jose
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.
38 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.


Ang sambayanan ay tutugon:

At sumaiyo rin.
Tagapagdiwang:

Yumuko kayo habang iginagawad ang


pagbabasbas.

Sa dakilang kapistahang ito


ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo
kayo nawa’y pagpalain
ng makapangyarihang Diyos
at sa tanang kasalanan ay kanya nawang
ipagsanggalang kayong mga nagdiriwang
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
39 | S T A . E L E N A C H A P E L M I S S I O N S T A T I O N - N A G T A H A N

Tagapagdiwang:

Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay


ni Hesukristo ng mahal,
pinagkalooban kayo ng Diyos
ng kagalingan at kaligtasan.
Puspusin nawa niya kayo
ng kawalang-kamatayan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
Tagapagdiwang:

Matapos ipagdalamhati
ang pagpapakasakit ni Hesukristo
ipinagdiriwang ngayon ang maligayang
Pasko ng Pagkabuhay ng mga tao.
Pasapitin nawa niya kayo sa kagalakan
ng kanyang kapistahan sa kalangitan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
40 | ANG MISA NG SAMBAYANANG PILIPINO

Tagapagdiwang:

Pagpalain nawa kayo


ng makapangyarihang Diyos
 Ama, Anak at Espiritu Santo.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.
Ang Tagapagdiwang na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng
paghayo sa sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan,


upang ang Panginoon at ang kapwa
ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.
Kakantahin ang Pangwakas na Awit.

You might also like