You are on page 1of 4

SAKRIPISYO PARA SA PAG BABAHAGI NG

EBANGHELYO

PANGALAN: PETSA:

:PIOLO ZAPANTA CASTRO

Mateo 28: 19 - 20

19 
Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa.
Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan
ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging
kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

e·van·ge·lism
1. the spreading of the Christian gospel by public preaching or personal witness.
2. In Christianity, evangelism or witnessing is the act of preaching the gospel with the
intention of sharing the message and teachings of Jesus Christ.

Maraming Ministeryo ang pinagkatiwala sa atin ng Diyos na pwede nating magawa


ngunit ang pinaka mahalagang ministeryo na pinagkatiwala satin ay ang pag babahagi
ng Ebanghelyo Roma 23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang
bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na
ating Panginoon. Kamatayan ang kabayaran sa bawat kasalanan ngunit kung mag
kakaroon tayo ng pag tanggap kay Jesu-Cristo na Diyos at tagapagligtas ang ating mga
kasalanan ay hindi na magiging kamatayan sapagkat ito ay binayaran nani Jesu-Cristo.
Kaya mahalaga na gampanan natin ang ministeryong binigay sa atin ng Diyos at ito ay
ang mag bahagi ng Ebanghelyo upang maranasan din ng ibang tao ang pinaparanas sa
atin ng Diyos.

Mga bagay na dapat isakripisyo upang maging epektibo sa


pagbabahagi ng Ebanghelyo:
Panahon at Oras
 Sa pag babahagi ng Ebanghelyo mahalaga na marunong tayong isakripisyo ang
ating panahon at oras para sa Diyos, ang pag babasa ng Biblia ang isa sa
makakatulong sa atin upang mas madali natin maipaunawa sa bawat taong
makakausap natin kung gaano kabuti si Jesu-Cristo sa ating mga buhay.
Mahalaga rin na maglaan tayo ng oras sa pakikinig at pag aaral ng mga bagay
tungkol sa Diyos, o pagdalo sa bawat gawain ng Iglesia. Hebreo 10:25 Huwag
nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng
iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita
nating malapit na ang Araw ng Panginoon.
 Kung ikaw naman ay nagbabahagi ng Magandang Balita sa iyong kausap o nasa
oras na ika’y nangangaral tungkol sa Diyos, huwag mong madaliin upang mas
maunawaan ng bawat makikinig ang kabutihan ng Panginoon.

Pagiging matapang at hindi mahiyain

 Likas sating mga tao ang pagka nerbyos o nangangamba ngunit kung tayo ay
tatanggap ng pag babago ng Diyos sa ating mga buhay may kakayahan na
tayong labanan ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng pangamba, kaya kung
tayo ay mag babahagi ng Ebanghelyo gamitin natin ang tapang na ibinigay sa
atin ng Diyos at mahalaga na ito ay mapraktis natin upang sa ganon malaya
tayong masabi kung ano ang tama at maipahayag ang kabutihan ng Panginoon.

 Isa sa mga humahadlang sa atin upang makapagbahagi ng Ebanghelyo ay ang


pagiging mahiyain, bilang Kristyano na tumanggap ng tunay sa Panginoon ang
ating sarili ay kailangan nating isakripisyo, dapat makita ng ibang tao kung pano
tayo binago ng Diyos upang mas mahamon sila sa ginawa ng Diyos sa ating
mga buhay.

 ROMA 12:2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan
ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang
kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-
lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Ang ating Buhay o Sarili


 Ang pinaka mahalaga na pwede nating isakripisyo sa Diyos ay ang ating mga
buhay o sarili, tulad ng Panginoon kung paano Niya isinakripisyo ang Kanyang
sarili para sa ating mga kasalanan at tulad ng maraming alagad na nag
sakripisyo ng kanilang buhay para ibahagi sa buong mundo ang Magandang
Balita. Kaya bilang taga sunod ng Diyos kailangan natin matutunan na
isakripisyo ang ating mga sarili, ang bawat kagustuhan natin ay dapat handa
natin itong baliwalain at kalooban ng Diyos ang manguna sa atin.

 Ang tuluyang pag papagamit sa Diyos ng ating buhay ay hindi madali ngunit
kapakinabangan, ang dahilan natin sa mundo ay ang pag babahagi ng
Ebanghelyo sa bawat tao na hindi pa nakakaunawa sa mga bagay na ginawa ng
Panginoon sa ating mga buhay.

 Mga Awit 143:10 Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang
iyong kalooban; ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa
ligtas na daan.

John Harper: Isang Hindi Kilalang Bayani ng Titanic


Noong 1872 si John Harper ay ipinanganak sa isang Kristiyanong pamilya sa Houston,
Renfrewshire, Scotland. Sa edad na labintatlo ay nag karoon ng seryosong puso si
John sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Noong bata pa siya ay nagtatrabaho siya sa
gilingan sa araw ngunit ginugol niya ang lahat ng kanyang libreng oras sa pangangaral
sa kanyang nayon, nakikiusap sa lahat ng makikinig na lumapit sa Panginoon. Sa
kanyang 20 taong gulang dinala siya sa London para mag ministeryo sa Church
Pioneering. Nang maglaon ay nagtatag siya ng Church sa London - isang simbahan na
nagsimula sa dalawampu't lima ngunit sa pamamagitan ng kanyang ministeryo ay
lumago sa limang daan.

Nag-asawa si John, ngunit pagkaraan ng ilang taon ay nabalo at iniwan kasama ang
isang batang anak na babae na nagngangalang Nana. Noong Abril ng 1912, sumakay
si John, kasama ang anim na taong gulang na si Nana at ang kanyang pinsan na si
Jessie Leitch, sa Titanic upang tumulak sa Amerika. Tatlong buwan na siyang hiniling
na mangaral sa isang malaking simbahan sa Chicago

natagpuan ang tatlong miyembro ng pamilya na nagdarasal sa umaga at kalaunan ay


dumalo sa serbisyo sa simbahan ng Linggo ng umaga. Kinagabihan, nang hanapin nina
Miss Leitch at Nana si John, nakikibahagi siya sa paghimok sa isang kabataang Ingles
na manampalataya kay Jesucristo. Bago matulog, habang si John at ang kanyang
pinsan ay nakatayo sa kubyerta habang hinahangaan ang paglubog ng araw,
nagkomento siya, 'Magiging maganda sa umaga!'

Noong 11:40 PM noong Abril 14, 1912, ang dakilang barkong iyon na inilarawan bilang
'halos hindi nalulubog' ay tumama sa isang higanteng iceberg. Ang gilid ng Titanic ay
napunit at bumukas ang tubig sa isang bilang ng mga kompartamento na hindi
tinatablan ng tubig. Nang malaman ang panganib, nagmadali si John na ilagay sina
Nana at Miss Leitch sa ikalabing-isang lifeboat na ibinaba. Iniwan ang kanyang pamilya,
nagmamadali siyang bumalik sa mga taong takot na takot habang nasa barko.

Nang magsimulang punuin ng tubig ang Titanic, sumigaw si John na 'ang mga babae,
mga bata at mga hindi naligtas' ay isakay sa mga natitirang lifeboat. Labing-walo sa
dalawampung lifeboat ng barko ang ibinaba, ngunit ang mga ito ay sapat lamang upang
mapasakay ang kalahati ng mga pasahero. Si John ay kabilang sa 1528 na mga
pasaherong naiwan sa lumulubog na barko na tumalon upang iligtas ang kanilang sarili.

Sa buhay ni John dalawang beses siyang nakaranas ng muntikang pagkalunod. Sa


edad na dalawa ay nahulog siya sa isang balon at iniligtas ng kanyang ina. Siya ay
tinangay ng dagat noong siya ay nasa 20 taong gulang, ngunit ang pagbabago ng agos
ay nagpabalik sa kanya sa dalampasigan. Sa edad na 32 taong gulang siya ay nasa
gitna ng Mediterranean sa isang tagas na barko na kung tawagin ay Titanic.

Sa loob ng mahigit isang oras, apurahang lumangoy si John mula sa mga namamatay
sa hypothermia upang dalhin ang ebanghelyo sa kanila. Isang kabataang lalaki ang
nakakapit sa ilang mga bangkay mula sa barko, at tinanong siya ni John kung siya ay
naligtas. Sumagot ang lalaki, ‘Hindi.’ Habang lumalayo ang lalaki ay sumigaw si John sa
kanya, ‘Maniwala ka sa Panginoong Jesucristo at maliligtas ka.’ Pagkaraan ng ilang
minuto ay pinagtagpo ng agos si John at ang lalaki at muli siyang hinimok ni John na
magtiwala kay Kristo para sa kaligtasan. Pagkatapos at doon naniwala ang lalaki;
ngunit si John, na nagbigay ng kanyang lifejacket sa ibang lalaki, ay nadulas sa ilalim
ng tubig na hindi na muling nakita. Sa 2:20 AM noong 15 Abril, ang Titanic ay nabasag
at lumubog nang malalim sa karagatan.

Sa pag lubog ng malaking barko onti lamang ang nakaligtas at kabilang sa kanila ang
isang batang Scotsman na, pagkaraan ng apat na taon sa isang pulong sa Hamilton,
Canada, ay nagpatotoo na siya ang huling taong binahagian ni John ng ebanghelyo.
1. Maraming ministeryo ang pinagkatiwala sa atin ng Panginoon at maaari nating
gawin, ngunit ano ang pinaka mahalagang ministeryo?

 .

2. Ano ang tatlong pangunahing bagay na dapat isakripisyo upang maging epektibo
sa pagbabahagi ng Ebanghelyo o salita ng Diyos?




3. Sa tatlong bagay na dapat isakripisyo para maibahagi ng epektibo ang
Ebanghelyo, alin ang pinaka nahihirapan ka? At bakit?

4. Sino ang tao sa Titanic na nag alay ng sariling buhay para maibahagi ang salita
ng Diyos?

5. bakit mahalaga ang pag babahagi ng Ebanghelyo?


You might also like