You are on page 1of 3

BIBLE ENTRONEMENT

COMMENTATOR

PASIMULA: Magandang umaga po sa inyong lahat. Tayo po ay nagtitipon ngayon para pasimulan
ang pagdiriwang ng buwan ng bibliya. At bilang umpisa para sa pagtitipong na ito ay ating gagawin
ang pagdiriwang ng salita ng Diyos o ang pagluluklok ng bibliya.
Noong Vatican II ang bibliya ay iniluluklok tuwing umaga bilang pasimula ng mga
pagpupulong ng mga Obispo, sa pamamagitan nito ang mga Obispo ay nagpapaalalahanan na
sila ay makakapagpahayag lamang ng salita ng Diyos kung sila’y una munang mkikinig sa salita ng
Diyos.
Ang seremonya nating ito ay simple lamang, ngunit nagpapahayag na tayo’y dapat
makinig sa salita ng Diyos, Pagyamanin ito sa ating puso at ibahagi ang kayamanan nito sa ibang
tao. Ito ang dahilan kung bakit ang bibliya ay mananatiling nakaluklok at bukas upang
paalalahanan tayo na ang presensiya ng Diyos ay nasa kanyang mga salita at handang mangusap
sa atin.
RINGING OF BELL
Prusisyon
-Participant / Readers
Flowers
Candles
Incense
Bible

(VENI SANCTE ESPIRITU)

NAMUMUNO - Opening Prayer


Amang naming nasa Langit. Naniniwala kami na kayo ang tumawag sa amin upang
magkatipon-tipon ngayon para makinig sa iyong mga salita, pagyamanin ito sa aming puso,
unawain at ibahagi sa iba. Maraming salamat po sa pagkakataong ito para mangdiwang ng iyong
salita.
Hinihiling naming na ipadala mo sa amin ang iyong Banal na Espiritu upang hipuin ang
aming isip at puso ng matuklasan namin, maunawaan, at isabuhay ang iyong mga salita para sa
amin.

Idinadalangin namin ito sa ngalan ni Hesukristong anak mo at Panginoon namin,


nabubuhay at naghahari magpakailanman Amen.

Commentator: Manatili po tayong nakatayo para sa pagbasa ng mabuting Balita


Pagbasa ng mabuting Balita ayon kay San Marcos 3:20-26
Si Jesus at si Beelzebul
Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon doon ang napakaraming tao kaya't
20

hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong kumain pa. 21 Nang mabalitaan iyon


ng kanyang mga kamag-anak, pumunta sila roon upang kunin siya dahil
maraming nagsasabi na siya'y nasisiraan ng bait.
22 Sinasabi naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem,
“Sinasapian siya ni Beelzebul. Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo!”
23 Dahil dito, pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang
talinghaga. Sabi niya, “Paanong mapapalayas ni Satanas ang kanyang
sarili? 24 Kapag naglaban-laban ang mga mamamayan ng isang kaharian,
mawawasak ang kahariang iyon. 25 Kapag naglaban-laban ang mga kaanib ng
isang sambahayan, magkakawatak-watak ang sambahayang
iyon. 26 Gayundin naman, kapag kinalaban ni Satanas ang kanyang sarili at
nagkabaha-bahagi ang kanyang mga kampon, hindi siya magtatagal at iyon
na ang kanyang magiging wakas.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo
Commentator: Sumandali po tayong maupo at pagnilayan ang salita ng Diyos (KATAHIMIKAN)

COMMENTATOR: Magsitayo po ang Lahat para sa Panalangin Bayan

PANALANGIN BAYAN
Namumuno: Ang Panginoon Diyos ay butihin at mapagmahal. Tinatawag niya tayo makibahagi sa
kanyang buhay na walang hanggan. Bilang Kanyang mga anak, manalangin tayo sa kanya:
Diyos Ama sa langit, dinggin mo kami
1. Upang ang Santo Papa, mga Obispo, mga Pari at mga namanata ay manatiling tapat sa
paglilingkod sa Diyos at sa kanilang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Upang ang namumuno sa ating bayan ay matutong maglingkod sa pamamagitan ng


kapangyarihang ibinigay sa kanila ng ating bayan, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Upang ang mga nagdurusa,lalung-lalo na ang mga mahihirap, ay magkamit ng katarungan


at kaginhawaan sa gitna ng kanilang pagtitiis at pasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Para sa lahat ng mga kabataan sa buong mundo upang gamitin ang kanilang kakayahan
upang pagsikapang piliin nila ang mabuting kabuhayan at mapabuti ang kanilang
kalagayan, Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Para sa ating pagdiriwang ng buwan ng Bibliya mapalalim nawa natin ang ating
pagpapahalaga sa salita ng Diyos at maging gabay nawa natin ito sa ating pangaraw- araw
na buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

6. Para sa ating mga personal intension. Manalangin tayo sa Panginoon.

AMA NAMIN
Pangwakas na Panalangin:
Namumuno: Manalangin tayo,
Panginoon Hesukristo, Salita ng Diyos na walang hanggan. Pinupuri at sinasamba ka
namin para sa pagkakataon na makinig sa aral ng buhay at mahipo ang aming puso ng iyong mga
salita. Nagpupuri at nagpapasalamat kami sa pagpili mo sa amin upang ipalaganap at ibahagi ang
kayamanan ng mabuting balita sa iba. At upang maging tunay kaming kumunidad na namumuhay
ayon sayong wika. Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Amen.

Sa ngalan ng Ama ng Anak ng Espiritu Santo Amen.

You might also like